CHAPTER XXII - Anong ginawa kong kasalanan? Ba't ako nakulong?!

4 2 0
                                    

CHAPTER XXII - Anong ginawa kong kasalanan? Ba't ako nakulong?!

Naiinis pa rin ako pero inaamin ko. Na-touch ako sa sinabi niya. Ewan ko kung anong topak meron ako at ganito ang sinagot ko...

"Yeah right?! " ang t*nga ko talaga! Nakikipagbati na nga yung tao eh!

"Katrin?! " naiinis ako okay. May balak nga akong bumalik dun sa simbahan at iuntog nanaman dun yung sarili ko.

"Okay lang! Kung ayaw mo makipagbati edi wag!! " aray! Sigawan daw ba ako!

"Wag ka nga manigaw!! " sabi este sigaw ko sa kanya...

"BAKIT KA SUMISIGAW?! " talagang--?!

Hindi ko na lang siya kinibo. Nakakainis na talaga minsan. Magkakaroon talaga ng catastrophy kapag nag-away kami nito! Naman!

"Teka! " sabi ni Jake. Dahil masunurin ako eversince, lumingon ako sa kanya.

Magkatingin lang sila ni Kim. Uh-oh... Ano nanaman kaya binabalak ng dalawang abno na 'toh?!

Nagulat na lang ako ng biglang tumakbo si Kim sa akin. Dahil nga nakakatakot si Kim pag-ganyan siya (mind you! Totoo yun! Try niyo kaya once!) tumakbo na rin ako. At dahil hindi ako pinagpala sa athletics, naabutan ako ni Kim.

"Huy teka! Bakit ba! " ang lakas talaa ng babaeng toh! "Pambihira! Daig mo pa ang amazona ah! " sabi ko sa kanya!

Hinila niya naman ulet ako papasok sa bahay. Ano bang problema nila?!

"Sensya na! Napag-utusan lang! " akala ko ba si Jake yung under sa kanya! Ano ba yan?!

"Nino?! "

"ng TV... " tapos tumawa siya! Nasisiraan na talaga!

"Teka nga! Aray ko! "

After 10 years ng hilaan blues... Next thing I know, hinagis ako ni Kim at Jake sa isang kwarto tapos nakarinig na lang ako ng

*click*

Which means...

"Locked tayo..." hala!

Pagtalikod ko, nagulat ako kasi ang lapit niya sa akin. Automatic na sa akin kapag ganun eh...

"Aray naman! Ikatlo na yun ah! " Naalala pa niya yun?! Wow! Touched naman ako! Sa lahat ng memories na iniwan ko sa kanya naalala pa niya kung ika-ilang samapal ko pa yun! Pambihira!

"Wag ka kasing masyadong malapit... " Teka?! Bati na ba kami?!

"Ganun?" sabi niya with cold tone. Argh! Ayoko kapag ganyan yung tono ng boses niya. Yung tipong susunod niyang gagawin eh tatalikod at magwo-walk-out.

After 5... Nope! Make that 7 seconds, tumalikod siya at umupo dun sa kabilang side ng bed. Teka! Nakita ko na 'toh ah! Sa meteor garden? Nung nakulong si Wa Zi Lei at San Chai sa kuwarto sa mansion ni Dao Ming Zi?

Anyway, bago pa man tayo matuloy sa meteor garden 2, umupo na lang ako dun sa kabilang side. Nakatingin ako sa kanya pero nakatalikod siya.

Ang boring naman ng ganito. Nasabi ko nab a na naiinis ako kapagtahimik yung paligid ko... Ni-rest ko na lang yung head ko sa kama. Ang tahimik langya! Hindi ako mabubuhay ng ganito.

*Yawnnn*

Nakatulog pa daw ba ako? Anyway, nakalimutan ko ata na nakakulong pa ako kami... Minulat ko yung mata ko.

Nagulat ako nung nakita ko na nasa harap ko yung mukha ni Jayce. Naka-rest din sa kama... Pero mukhang na-glue yung kamay ko sa sahig. Bakit? Kasi hindi ko siya nagawang sampalin.

Feeling ko nananaginip lang ako. (Sampalin ko na lang kaya sarili ko?!) Gosh titigan mode?!

Napa-upo na lang ako ng straight. Nakatingin pa rin siya sa akin. "Naka-tingin ka? " ang suplada!

"Anong masama? " sa bagay may karapatan nga ang bawat tao na tumingin kung saan saan. Tapos umupo na rin siya ng straight. Bale, magkaharap na kami. Yung tipong magpi-pitik bulag kami. Anyway, "Atsaka maganda ka ba para tignan?" at talagang nang-asar pa! Patayin ko kaya 'toh!

"Sige na! Alam ko namang hindi ako maganda! " Fine! Period! No comment! Ayoko na magsalita. Tatamaan na 'toh sa akin eh!

"Hindi ka nga maganda pero mas gusto kitang tignan..." at speechless ako dun. Hindi ko alam kung maasar ba ako o mata-touch. Ano ba naman yan Katrin! Akala ko time ko na magsalita pero bigla na lang siyang nagsalita. (Sabatero talaga! Naman!) "At... may sinabi ba akong hindi ka maganda... " tapos tumayo na siya. San 'toh pupunta?!

Pumunta siya sa harap ng pinto. Nakatingin lang siya nung umpisa. Nabulahaw na lang ako nung sumigaw siya ng...

"MGA WALANG HIYA! NAC-CR NA AKO! PALABASIN NIYO NA KAYA KAMI! " sabi niya habang sinipa at kung anu anong pambu-bugbog dun sa pinto. Wawa naman yung precious door dito sa bahay ng mga abno... "Mga sira-ulong yun. Hindi ba nila naisip na walang CR dito?"

"Asa ka pa sa mga yun. " Sabat ko naman.

"Minsan talaga walang magawang tama yung si Jake. "

"Pati si Kim... "

"Mga sira! " nagkatinginan na lang kami at natawa. Mga taong yun oo!

Teka! Parang kanina lang war kami ah! Pero ngayon nagtatawanan kami. Para kaming mga sira. Sige na. Pare-parehas kaming apat na sira. Awww... Na-miss ko 'toh. Teka! Na-miss daw?!

"Hindi ka na galit? "

"Mukha pa ba akong galit? " sabi ko sa kanya.

"Buti naman. Akala ko hindi mo na ako babatiin eh... " sabi niya sabay sniff. Maiyak daw ba? Nice! Touched naman ako!

"Pero naniniwala ka na, na hindi akin yung walang kuwentang doodle na yun? "

"Sigurado ka?! Baka sayo talaga yun? " walang hiyang lalaki na 'toh!

"HINDI NGA EH! ANO GUSTO MO? AWAY O GULO?! " world war 5!

"Joke lang! Na-pikon ka naman agad! " sabi niya. "Sige na naniniwala na ako. Basta i-submit mo yung gawa mo talaga kung may back-up ka dyan." Ang bait naman!

"Opo sir! " at talagang sir?! Kelan ko si-nir toh!

"Yeay bati na kami! " at natuwa ka talaga?! Lalaking 'toh talaga! Parang bata!

Nagulat na lang ako ng sobra nung inakbayan niya ako tapos hinigit palapit sa kanya. Uhmm... masyadong malapit.

"Namumula ka? " sabi niya habang naka-smile ng nakakaloko. Tanong ka pa dyan?!

"Uhmm... malamig lang. Ikaw? Nilalamig ka rin?? "

North Meets SouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon