CHAPTER XIV - shopping galore
Pambihirang taong yan oo! An aga-aga pinapapunta nanaman ako dun! Hilain ko kaya ulet siya sa arcades! Hala! Ayoko na!
Pagdating ko ulet sa mall pumunta na agad ako dun sa repair shop. Siyempre! Alam ko na kung saan yun noh! Matalas yata memory ko.
Nung nandun na ako sa repair shop, hindi ko naman makita yung mokong. Pasaway! Pinapunta-punta pa ako dun wala naman siya! Gusto niya talaga maskatan noh?
"Kuya! Alam niyo po ba kung nasan si Jayce? Yung may-ari nung sasakyang yun." Tanong ko sa kanya habang tinuturo yung nagas-gasan kong kotse niya!
"Ah yun ba? Sabi niya pupunta daw siya sa loob. " Ahh... WAIT! Lokong yun ah! Bakit nandun siya? "Sabi nga pala niya, kung may maghanap sa kanya, pakisabing pumunta sa loob ng department store malapit sa cashier 18." Pambihira! Talagang specific?!
"Ahh... Salamat ho! Sige! Pupunta na ho ako dun! "
"Naku! Wag mo na ako 'ho-in' hindi naman nalalayo edad natin. " Hala?! Anong tingin mo sa akin? 50+? eh manong! Sa mukha niyo po mukha na kayong 59 ah! Joke lang!
"Ahh... Osige ho -este osige mauna na ako sa loob. "
Siyempre dahil mabait ako, pumasok na ako dun sa department store. Teka... cashier 1, cashier 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9... 18! Nandito na ako pero wala naman siya? Baka naman amazing race ito? Asan na yung clue box?!
"Ang tagal mo alam mo yun!" Langya! Pambihira! May lahi talaga silang kabute!
"Eh kung sana hindi mo ako pinapunta dito edi happy happy tayo! Teka, asan na yung repair bills na pinagsasa-sabi mo?? " tanong ko sa kanya? Ano 'toh? Sa loob nab a ng department store binabayaran yung repair bills?
"Ahh... uhmm.. yun?? Wag mo muna isipin yun! " sabi niya habang hinahawakan yung braso ko at kinakaladkad ako papunta kung saan. Hala?! Pupunta kaya kami sa Arcades??
"Teka! Saan mo ako dadalhin?? " aray! Naman! Kelangan talaga akong hilain??
At alam niyo ba kung anong sinagot sa akin ng magaling kong kasama??
"Magsa-shopping tayo! "
Hala! Pero sige! Sama na! Sayang yung libreng shopping! Ililibre yata ako eh!
Bigla naman kaming tumigil dun sa ladies section. Yung swimsuit department. Hala! Bibili ako ng swim suit?
"I really appreciate it pero swim suits? Nevermind! Wag na tayong magshopping! Never akong magus-suot niyan! "
Tinignan niya lang naman ako. Naman! Gusto makipagtitigan?!?
"Anong tinitingin-tingin mo dyan? "
"Sira! Hindi yan noh! Ayun! " sabi niya sa akin tapos tinuro niya yung sa mga cocktail dresses. Yun naman pala eh! Dapat nililiwanag mo! Kasi naman! TEKA?! Ano naming gagawin ko sa cocktail dress?
"Hala! Cocktail dress? Anong gagawin ko dun??" at talaga nga naman! Wala na akong kausap kasi umalis siya bigla tapos pinuntahan niya yung isang sales lady dun. Iwan daw ba ako! Syempre sumunod na ako at naglakad papunta sa kanila.
Nung nasa harap ko na sila, tinignan lang ako nung saleslady from head to toe tapos bigla ba naman sinabi, "Kaya-kayang po sir! " hala! Kinilabutan ako dun ah!
Bigla naman akong hinigit nung babae sa fitting room. Tapos nakita ko na lang siya na kumukuha ng kung anu-ano dun sa mga lalagyan ng damit. Mga apat ata??
"Miss wag mo sabihing isusukat ko ya- " tapos bigla na lang ako tinulak sa loob ng fitting room. Sabi ko nga ifi-fit ko.
Una kong sinukat yung red na cocktail dress tapos pinalabas naman ako nung sales lady! Hala! Tapos nakita ko na lang si Jayce na nakaupo dun sa couch dun sa waiting area! Pambihira! Para siyang judge ng America's top Model ah!
"Kelangang ko ba talagang magsukat ng mga ganito?? Para saa- "
"Ayoko nyan! Mukha kang matrona! " Aba't--?! Manglait pa daw ba??
Tapos bigla na lang ulet ako hinila nung saleslady! Nakakarami na 'toh ah!
Next ko naming sinukat yung brown tapos siyempre ici-critique nanaman ni Jayce. Grabe talaga! At guess what kung anong sinabi niya,
"Para kang aatend ng JS prom ah! " tapos tumawa ng malakas! Ano 'toh laugh trip?! Gusto niya na talaga mamatay!
Next naman yung black and white na dress. Nakakainis nga kasi ang ikli! Ayoko kayang lumabas. Eh mukhang naggy-gym yung saleslady kaya nahila niya ako palabas.
Tinignan lang naman ako ni Jayce tapos tinignan ako from head pababa. Loko 'toh ah!
"Hoy yung mata mo bumababa! Itaas mo nga yan! " Sira ulong toh!
Tumingin lang siya sa ibang direksyon tapos sinabing, "Ayoko niyan. Magpalit ka." Seryoso ka ah!
Tapos hinagis ulet ako nung saleslady sa fitting room. May war yata kami sa past life namin eh!
Yung last ko naming sinukat, nagustuhan ko. White halter dress siya na may kung anong tela sa gitna! Ang ganda ko nga nung sinukat ko eh. (Kahit naman hindi ko yun suot maganda ako eh!) Anyway, lumabas na ako, atleast ngayon baka wala nang masabi yung mokong na yun.
Pagkalabas ko, tinignan lang niya ako ng paulit-ulit tapos kinusot pa yun mata. Hala! Lumabo daw ba yung mata?
"Ano maganda ba?? " tanong ko sa kanya.
"Siyempre naman! " sabi ko naman eh! "Hindi! " Langya! Gusto mo mamatay?? "pero sige na nga! Acceptable na! " May ace-acceptable pa to na nalalaman!
Tapos nun, hinila nanaman niya ako sa shoe department. Aray ha! Hindi nila ako masyadong hinihigit sa braso ah!
After ng lahat lahat ng shopping na yun, umalis na kami sa department store. Uuwi na yata kami kasi mga 6:30pm na rin nun.
Nagulat na lang ako nung huminto kami sa isang CR tapos inabot niya sa akin yung mga pinamili namin.
"Ano namang gagawin ko dito??"
"Obvious ba edi bubuhatin mo! " Nice! Napaka-gentleman! "Biro lang! Isuot mo na! Tara! May pupuntahan pa tayo! Bilisan mo ah! " Demanding?!
Ako naman si uto-uto na sinuot yung mga damit. Tapos paglabas ko, nakita kong nakasemi-formal siya. Wow! Ang guwapo! Haha! Anyway, san kaya kami pupunta?
"Ang tagal mo ah! "
"Ang OA! Wala pang 10 minutes yun! Kasi naman! Palibhasa kayong mga lalaki masuot lang yung damit okay na!" totoo naman di ba?! Supportahan niyo ako mga girls!
"Sige na sige na! Wag mo na ako sermonan! " Aba?! "Tara na!" Tapos hinigit nanaman yung braso ko. Siguro bibili na ako ng salonpas mamaya.
Tapos dumiretso kami dun sa isa niyang sasakyan! Pambihira! Bago nanaman! Napakayaman talaga ng taong toh!
"Bago nanaman yung sasakyan mo?? " tanong ko sa kanya.
Nainis naman ako sa sagot niya, "Obvious ba! " Alam ko yun sira! "Ano? Sakay na! "
"Teka yung sasakyan k- "
"Wag mo na alalahanin yun! Kukunin na lang natin after. " Hala! San ba kami pupunta??
"San ba tayo pupunta?? " tanong ko sa kanya. I'm hoping n asana matinong sagot yung makukuha ko.
"Basta! Wag ka na magtanong! " Huwag magtanong! Eh kung salvage-in mo ako?! Edi hindi ako sasama! Since wala na akong nagawa, sumakay na lang ako. Naka-ilang pilit din nung si Jayce bago ako napasakay! Nyahaha!
Ilang minutes din ng travel naman huminto na lang si Jayce sa harap ng isang bahay. Or should I say mansion? Napatitig na lang ako sa banner dun sa may gate.
'Santiago Family Reunion'
Wait lang... Ano nga palang apelyido ni Jayce??
BINABASA MO ANG
North Meets South
RomanceLet's do it differently. Two people meet in the right place and the right time. Will it work?