Prologue
"We're getting married, sweetie," bulong ni Erick sa tenga ko. Tumindig ang balahibo ko sa pinagsamang init ng kaniyang hininga at nakakatakot na tono ng kaniyang pananalita. Mariin akong napapikit.
Saglit kong kinalimutan kung nasaang sitwasyon ako. Ngunit kahit anong pangungumbinsi ko sa sarili ay nagpatuloy pa rin sa paglitaw ang mga imahe ng kasalukuyang pangyayari.
Nakaupo ako sa upuan, sa likod ko ay nakatayo si Erick habang paulit-ulit sa pagbulong ng mga salitang hindi ko lubos na maintindihan.
Erick is my boyfriend. Five months pa lang kami pero lumalabas na ang sungay niya. Mas masahol pa siya sa isang demonyo. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ko siya pinatulan, e. Isang lalaking baliw na ang tanging nais ay sa kaniya lang umikot ang mundo ko.
Napadaing ako nang mariin niya akong kinapitan sa leeg.
"Erick nasasaktan ako," reklamo ko.
Humalakhak siya. "Gusto mo bang pakawalan kita?"
Napatingin ako sa pintuan, nakabukas lang 'yon. Sa sandaling pakawalan niya ako ay tatakbuhin ko ang gawing iyon at sisiguraduhin kong hinding-hindi niya na ako makikita pa ulit.
"Ha?!" Nasindak ako sa sigaw niya. Nataranta ang puso ko sa pagtibok dahil sa tindi ng takot.
"Bitiwan mo ako please," pagmamakaawa ko.
Nagpatuloy siya sa pagtawa. Naramdaman ko ang pagluwag ng kaniyang kamay sa leeg ko. Hindi ko ginalaw ang katawan. Pinakiramdaman ko muna ang ginagawa niya sa likuran ko.
I nailed my eyes on the doorway. Gustong-gusto ko nang takbuhin 'yon!
"You can't run away from me, my love," aniya at humalakhak. Narinig ko ang mga kaluskos ng ginagawa niya mula sa likuran ko. Binuksan niya ang ref, magandang pagkakataon iyon upang tumakas.
"You know how much I love you, right? Kahit saang lupalop ka pa ng mundo magpunta, Cathania. Mahahanap at mahahanap kita."
Huminga ako nang malalim at mabilis na tinakbo ang daan palabas ng pintuan. Narinig ko ang kaniyang nakasisindak na sigaw habang hinahabol ako.
Hindi ako lumingon. Nagpatuloy ako sa pagtakbo pababa ng hagdan at palayo sa apartment na iyon. Hindi pa rin ako lumilingon at alam kong hinahabol niya pa rin ako.
I wasn't born to live this kind of f*cked up life. I deserve better. I deserve a wonderful life.
Halos mabangga ko na ang mga taong nakakasalubong pero hindi ko na 'yon binigyang pansin pa. Isang bagay lang ang tanging naiisip ko sa ngayon... ang tumakas.
"Tanya!"
Natatanaw ko na ang kanto. Konting-konti na lang ay mararating ko na ang mataong parte ng kalsadang tinatahak. Pagod na ako sa pagtakbo, wala nang hangin ang pumapasok sa katawan ko, pero hindi ako puwedeng tumigil. Ayoko nang bumalik sa kamay ng demonyong 'yon.
Taft Avenue. Lumiko ako at nagtago sa isang sulok. Nakita kong lumagpas siya sa pinagtataguan ko. Marahan akong pumikit kapit-kapit ang dibdib. Pinakalma ko ang sarili at kumuha ng sapat na hangin upang ibalik ang lakas ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/220438687-288-k25652.jpg)
BINABASA MO ANG
The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )
Bí ẩn / Giật gânGenre: Mystery | Romance | Suspense Cathania Blair always dreamed of escaping from her boyfriend who has imprisoned her in his villainous life. She thought she could never taste freedom again, until her feet brought her to Puerto Galera-The Mystery...