Chapter 2
Nagising ako dahil sa katok mula sa kung saan. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at tinapunan agad ng tingin ang pintuan. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
"Blair?" Said the woman from behind the closed door.
"Wait lang!" Bumangon ako at nagtungo sa pintuan upang pagbuksan kung sino man 'yon. I have a feeling it's Kim.
As I opened the door, si Kim nga. Bumungad ang kaniyang magandang ngiti.
"Alas-kuwatro na, 'di ka pa 'ata nakapag-lunch?"
Iginiya ko siya sa loob upang papasukin. Naupo kaming dalawa sa kama.
"Nakatulog ako. Pagod siguro sa byahe. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom," natatawa kong sambit.
"Gigisingin dapat kita kanina, e, pero naisip ko nga na baka kailangan mo talagang magpahinga," she replied.
Sa totoo lang, natutuwa ako sa personality ni Kim. Ang bait niya dahil inaalala niya ako. Oo nga't binilin ako ni Ma'am Jillian sa kaniya pero nakakatuwa pa rin na ganito siya mag-asikaso. She reminds me of my best friend Hadley. Oh, speaking of her, kailangan ko pala siyang makausap.
F*ck! Lowbat nga pala 'yung phone ko tapos wala pa akong dalang charger!
Napahawak ako sa noo saka umiling.
"May problema ba?" She worriedly asked.
"May charger ka ba ng iphone? Wala kasi akong dala, e," nahihiya kong wika.
Tinignan niya lang ako. Sinuri niya ako sa pamamagitan lang ng malikot niyang mga mata. Sinilip niya ang likuran ko, ang sahig, ang ibang sulok ng silid.
"Wala kang dalang gamit?" Nagtataka niyang tanong.
"W-Wala nga, e." Tumawa ako. "Wala rin pala akong dalang mga damit."
Ngayon ko lang 'yon naisip! Paano na? Ito lang ang susuotin ko rito? Paulit-ulit?
Tumawa rin siya. "Literal gang dinala ka laang ng mga paa mo rito? Ay, kaasteg naman."
I can't tell her my story. Kahit sino mang makilala ko rito ay hindi ko pagsasabihan ng totoong pagkatao ko.
"Hay nako, Blair. Sige papahiramin kita ng mga damit ko. Basta siguraduhin mong wala kang putok, ha?" Pagbibiro niya. Dahil do'n ay humalakhak kaming dalawa.
Dinala niya ako sa baba at pinaghandaan ng makakain. Habang kumakain ako ay umupo siya sa katapat kong upuan at sinimulan akong daldalin. Kinukuwento niya ang tungkol sa ultimate crush niya.
"Kababata ko siya, kaso lang simula noong naganap ang disaster, umalis na sila ng pamilya niya. Hindi na kami ulit nagkita. Hays..." Nagpahalumbaba siya. "Miss na miss ko na siya. Ikaw, Blair? May boyfriend ka ga?"
Muntik akong masamid dahil sa tanong niya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Parang nagka-phobia na ako kay Erick, e. Takot na takot na akong maisip siya ulit, mabanggit, marinig ang pangalan niya at ang kahit anong bagay tungkol sa kaniya. Bukod sa lahat, takot na akong makita siya ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/220438687-288-k25652.jpg)
BINABASA MO ANG
The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )
Mystery / ThrillerGenre: Mystery | Romance | Suspense Cathania Blair always dreamed of escaping from her boyfriend who has imprisoned her in his villainous life. She thought she could never taste freedom again, until her feet brought her to Puerto Galera-The Mystery...