Chapter 6
Hadley's Point of View
Someone knocked on the door. It's him again.
Tamad na tamad kong binuksan ang pintuan. Hindi ako nagkakamali, nakatayo si Erick sa bungad suot ang paborito niyang leather jacket.
"Good morning, Hadley," he plainly greeted.
Binuksan ko nang tuluyan ang pinto para makapasok siya. Pinaupo ko siya sa sofa at ako'y nagtungo sa kusinang hindi malayo sa kinalalagyan niya. Binuksan ko ang ref at kinuha ang fresh milk.
Kahit alam ko na ang sadya niya ay hindi ko siya inunahan. Hinintay kong siya ang magsabi no'n tulad ng araw-araw niyang ginagawa simula February 1.
Kinuha ko ang malinis na baso at nilagyan iyon ng gatas. Pasimple ko siyang pinanood sa gilid ng mga mata ko. Nakaupo siya sa sofa at tinititigan ang lock screen ng phone niya, ang picture ni Tanya.
"Where's my fiancée, Hadley?" He asked in a low yet terrifying voice.
"Alam mo ang sagot ko d'yan, Erick. Hindi ko alam," wika ko at tinungga ang baso.
"I don't believe you," bulong niya ngunit narinig ko iyon. Pagkatapos kong uminom ng gatas ay kinuha ko ang phone sa kuwarto at inilapag 'yon sa mesang nasa harap niya.
"Kahit iuwi mo 'yan sa inyo, basahin mo lahat ng mababasa mo, hindi ko alam kung nasaan si Tanya," kalmado kong sabi. Umupo ako sa swivel chair sa may computer desk.
Hindi niya ginalaw ang phone ko, hindi niya man lang 'yon sinulyapan.
"You don't seem worried." Bahagya niyang tinagilid ang ulo para tignan ako.
"Nag-aalala ako, tignan mo pa mga messages ko sa kaniya, tawag, chats, pero wala siyang kahit isang reply," paliwanag ko nang hindi makatingin sa kaniya nang diretso.
Ibinulsa niya ang kaniyang phone at tumayo na. Humarap siya sa akin at diretso akong tinignan sa mga mata. Pinilit kong hindi masindak sa mga tingin niyang iyon.
"Balitaan mo ako kapag nireplyan ka na niya," he stated and left.
Nang wala na siya sa paningin ko ay agad kong isinara ang pinto at sumandal doon. Binuga ko ang hangin na kanina ko pa iniipon sa buong sandaling nandito si Erick. Napatingin ako sa phone kong nasa mesa. Dali-dali ko iyong kinuha at tinawagan si Tanya ngunit hindi pa rin ito ma-contact.
"Nasa'n ka na ba, Tanya?"
***
Cathania Blair's Point of View
Itinali ko ang kulay itim na mahabang buhok. Huminga ako nang malalim upang damhin ang napakasarap na simoy ng hangin. Kagigising ko lang at narito ako sa patio nila Kim, pinagmamasdan ang paboritong tanawin.
Walang anu-ano'y kinapa ko ang bulsa para hanapin ang phone. Wala pa ring signal. Binalik ko na lang ang atensyon sa harap.
"Good morning, Blair," ani Kim na sumulpot sa gilid ko.
Agad ko siyang nilingon at nginitian. "Good morning din, Kim."

BINABASA MO ANG
The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )
Mystery / ThrillerGenre: Mystery | Romance | Suspense Cathania Blair always dreamed of escaping from her boyfriend who has imprisoned her in his villainous life. She thought she could never taste freedom again, until her feet brought her to Puerto Galera-The Mystery...