Chapter 24
Cathania Blair's point of view
"Ano ga't kabanas?!" Reklamo ni Ivan habang pinapaypayan ang kaniyang sarili gamit ang hinubad niyang damit. Umupo siya sa katapat kong sofa. Kailan ko lang din nalaman na ang ibig sabihin pala ng banas ay mainit.
"Mameh pwede gang sa mga lola na lang uli kami? Kabanas naman kasi dine e, sa kwarto laang may aircon," ani Ivan sa magkasalubong na kilay. Napatingin ako kay Tita na kalalabas lang ng kwarto, pinatulog kasi niya sina Kitkat at Tutoy.
"Sige, pero sa isang araw na laang kayo magpabayan. Ang kuya mo kasi'y pupunta roon ngay-on at pinapapunta ng iyong lolo, kakausapin yata para sa renovation ng bahay. Malamang hindi 'yon agad pauuwiin ng papa," ani Tita saka umupo sa tabi ko.
"Ho? Ako magre-renovate ng bahay ng lolo Fred? Ay sino gang lolo?" Si Wilhelm ang nagsalita, lumabas sa kaniyang kwarto matapos magbihis. Pinasadhan niya ang basang buhok at sumiksik sa pagitan namin ni Tita. Ang bango bango niya!
"Ang lolo Fred mo nga, tumawag sa akin kanina laang. Papuntahin daw kita roon at ikaw ang papaasikasuhin sa pag-renovate ng bahay. Sa halip nga naman daw na mag-hire pa sila ng ibang engineer ay ba't 'di na laang ikaw? Engineer ka naman na e, lalayo pa ga nga naman sila?" Tita Mariel explained.
"Wala pa man din akong team, ano 'yon ako laang mag-isa? Ano ako, si Superman?" He said and laughed. Binatukan siya ni tita dahil sa sagot niyang pabalagbag.
"Tungaw! Hindi pa 'yon ngay-on malamang! Kaya nga mag-uusap muna kayo e, 'di naman 'yon agad agad sisimulan e, ulaga ka talaga!" Ani Tita at muling binatukan si Wilhelm. Parang magtropa lang sila kung mag-usap.
Sinama niya ako sa bayan kahit ayaw ko naman talaga. Nahihiya kasi ako sa mga kamag-anak niya roon, baka hindi nila ako magustuhan. Kaso ano bang magagawa ko? E, pati si Tita pinilit din akong sumama.
"Saan niyo balak ikasal?"
Nabilaukan ako dahil sa narinig. Inabutan agad ako ni Wilhelm ng tubig at ininom ko iyon. Nagtawanan ang ilang mga pinsan niyang kasabay naming nagtanghalian.
"Nakakagulat naman kasi 'yung tanong mo, lolo!" Kumento ng babaeng pinsan ni Wilhelm na nakaupo sa kabilang parte ng lamesa. Mas bata siya sa amin ng ilang taon.
"Ay ba't ga? Nagtatanong laang naman e," tugon ng kanilang lolo. Hindi pa iyon masyadong matanda.
"Are you okay na?" Natatawang tanong ni Wilhelm sa akin habang sinasapo ang likod ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Aba! Tawanan ba naman ako?
"Sa gay-on naman 'yan papunta e, ba't ga ikakaila pa?"
Tapos na kumain ang lahat pero narito pa rin kami sa hapag-kainan. Akala ko hindi ako magugustuhan ng pamilya ni Tita Mariel pero supportive din naman pala sila lalo na at ako pa lang daw ang naipapakilala ni Wilhelm sa kanila. Ewan ko kung totoo 'yon.
Bumaling sa gawi namin ang lolo nila. Malapad ang ngiti sa kaniyang mukha habang pinagmamasdan kami ni Wilhelm na masyadong magkadikit.
"Ipapamana ko na sa iyo ang lupa ko roon sa may taasan. Doon na kayo magtayo ng inyong bahay," nakangiti niyang wika. Napakagat ako sa ibabang labi upang pigilan ang ngiti sabay nag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )
Misteri / ThrillerGenre: Mystery | Romance | Suspense Cathania Blair always dreamed of escaping from her boyfriend who has imprisoned her in his villainous life. She thought she could never taste freedom again, until her feet brought her to Puerto Galera-The Mystery...