Chapter 12

427 37 36
                                    

Warning! This chapter contains a scene that is not suitable for young audiences. Read at your own risk.

***

Chapter 12

Maaga akong nagising ngayong araw dahil pauwi na raw si Wilhelm galing Batangas. Hindi ko lang alam kung didiretso ba siya rito o sa bayan.

Katatapos ko lang maligo at naisipan kong mangialam dito sa mga gamit ni Kim. Nagsasalamin lang ako kanina pero nakakita ako ng make up kit kaya pinakialaman ko na muna. Hindi naman magagalit 'yon sa akin, baka nga suportahan niya pa ako sa kalandian kong 'to.

Kinuha ko ang dalawa niyang liptint na magkaiba ang shade. Ang isa ay cherry red at ang isa naman ay dark pink na medyo purple. Parang mas bagay sa akin ang red dahil napakaputla ng labi ko. I carefully put some of it on my lips. Naglagay rin ako sa pisngi ko para naman magkakulay ito kahit papaano. Then I put some face powder to set it all.

Sinuklay ko ang kulay itim kong buhok na napakahaba, hanggang bewang na 'ata. I don't know what's something running in my head but it urged me to cut my hair short.

Sinubukan kong tupiin ang mahaba kong buhok para i-try kung bagay ba sa akin ang hanggang balikat lang. Malawak akong napangiti nang makitang okay naman.

"Kim! Kim hali ka rito dali!"

Kim rushed to where I am, in their bedroom. Nakataas na ang kaniyang mga kilay handa na para sa sasabihin ko sa kaniya.

She analyzed my look. Scanning me from head to toe. As she looked up back on me, her eyes became rounded and filled with surprise.

"Anong meron?" She then playfully smiled.

"Naisipan ko lang mag-ayos nang konti," I shyly replied.

"Ang ganda mo, Blair!" Bigla niya akong niyakap at nagtatalon siya sa kilig. Maya-maya ay bumitaw rin siya kaagad. Naroon pa rin ang pagkamangha sa kaniyang mga mata.

"Kuha ka gunting, gupitan mo ako," wika ko habang tinitignan ang sarili sa salamin.

"Seryoso ka ga?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Hinawakan niya pa ang buhok ko hanggang sa dulo ng mga hibla nito.

"Oo. Gusto ko ng new look," I proudly said.

Kim being the naughty girl she is, asked me for a couple of times again to make it sure I'm really cutting my hair off.

Ang ending, kumuha pa rin siya ng gunting at sinimulan nang gupitin ang buhok ko. Puro panghihinayang ang sinabi niya ngunit wala pa rin siyang nagawa kundi gawin ang iniuutos ko. Sabi ko'y pantayin niya ang pagkakagupit at hanggang balikat lang para hindi gano'n kaiksi.

"Ayan na, tapos na! Ayokong tumingin bahala ka d'yan." Kinuha niya ang buhok kong nagkalat sa sahig at mangiyak-ngiyak na lumabas. Itatapon niya raw 'yon sa ilog para mabilis na humaba ulit ang buhok ko.

Huminga ako nang malalim at humarap sa salamin. Mismong ako ay namangha sa kinalabasan ng itsura ko.

I look... I look... better. Parang mas nag-mature ako dahil ganito ang itsura ng mga professional na taong nagtatrabaho sa mga office o kaya ay sekretaryang nangse-seduce ng boss niya. Kidding. 

The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon