Chapter 18

343 33 42
                                    



Chapter 18

Hadley's point of view

It was an ordinary day when I decided to go out and get myself unwind. I was on my way home when someone suddenly grabbed my arm and forcefully pushed me inside his car.


"T*ngina ano ba?!" Nagpumiglas ako nang makaupo sa backseat. Alam kong may tao pa rito sa loob maliban sa akin pero binuntong ko muna ang galit ko sa taong nanghila sa akin. Nakatayo siya sa tapat ng pintuan ng sasakyan at hindi pa rin umaalis.


I glared at Stephen and slowly faced the man sitting beside me—the f*cking Erick. I pulled out a deep breath.


"P'wede bang sa susunod idaan niyo naman sa maayos na paraan? Parang gago akala ko na-kidnap na ako." I rolled my eyes to show frustration.


Napalundag ako nang malakas na isinara ni Stephen ang pinto pero hindi pa rin siya pumapasok, nakatayo lang siya roon sa labas at tila nagbabantay.


"Where's my girlfriend, Hadley?" Seryosong sambit ni Erick.



Mumurahin ko na sana siya kaso nahagip ng tingin ko ang baril na hawak niya. Nakaupo siya sa tabi ko at kalmado lang siyang nakatingin sa hawak niyang baril. Hindi ko kabisado lahat ng klase ng baril pero ang isang 'to sa tingin ko ay may silencer na tinatawag. Sa oras na barilin niya ako ay walang ibang makakarinig kung hindi siya lang. Biglang kumalabog ang dibdib ko sa palaisipang iyon.



"I honestly don't know." Hindi ko pinahalata ang takot na nararamdaman ko pero ang totoo niyan ay sinisimulan ko nang magdasal deep inside.

"Where's my Tanya?!" Napalundag ako sa boses niya. Mabilis niyang kinasa ang baril at itinutok 'yon sa akin. Taranta kong hinarang ang kamay sa mukha ko na para bang kaya no'ng pigilan ang balang paparating.



"Please n-no... nakikiusap ako sa 'yo, Erick. Please don't kill me," mangiyak-ngiyak kong sambit habang nakasangga pa rin ang mga palad na nanginginig.


"I won't. If you tell me where my Tanya is," he said that was almost a whisper.


"Hindi ko nga talaga—Ah!" Napahiyaw na lang ako nang inambahan niya ako ng malakas na sampal gamit sana ang baril pero napatigil siya nang umiyak ako.


"Will you tell me or not?" He asked in a sweet tone, a fake f*cking sweet tone.


Paulit-ulit akong umiling. "H-Hindi ko nga alam—"

"God damn it, Hadley!" Umalingawngaw ang boses niya sa loob ng sasakyan. Nilapat niya ang dulo ng baril sa may sentido ko at marahas niya akong kinapitan sa leeg, tinulak para mauntog sa bintana.


"Hindi mo sasabihin?!" Diniinan niya pa ang bagay na iyon sa gilid ng noo ko.



Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot. Nanlalamig na rin ako, hindi ko alam kung dahil ba sa pawis 'yon o ano.



"Wala na palang saysay ang buhay mo kung gano'n—"


"Sasabihin ko na! P-please ibaba mo na 'yung baril, sasabihin ko na," my tone turned low from high like a roller coaster.

The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon