Chapter 11
"Blair, okay ka lang ga?"
Hindi ko inalis ang tingin sa tasa ng kapeng nakalapag sa lamesa. Kanina pa 'yon tinimpla ni Kim para sa akin pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ginagalaw.
Napansin ko ang pag-upo ni Kim sa katapat kong upuan. Nilapat niya ang palad sa tasa upang alamin kung mainit pa ba ito.
"Wow, on the way to iced coffee na 'to. Malamig na hangin na laang ang kulang," she sarcastically said, still looking at me but I wasn't meeting her gaze.
Dalawang araw na ang nakalipas matapos noong tinakbuhan ko si Wilhelm. Noong gabing iyon, dumiretso ako sa Villa at doon natulog. Nag-text ako kay Kim na doon muna ako mag i-stay dahil iniiwasan ko si Wilhelm. Marami pa siyang tinanong ngunit sabi ko'y hindi niya na 'yon kailangang malaman pa.
Kagabi ay sinundo nila ako ni Gelo sa Villa. Dito na lang daw ako matulog dahil wala naman na raw dito si Wilhelm, nasa bayan daw.
Hindi ko maintindihan kung bakit lutang na lutang ako ngayon. Ako ang umiwas kay Wilhelm pero bakit parang ako itong naagrabyado?
"Good morning!" Napalundag ako sa lakas ng boses ni Gelo na kadarating lang.
Umayos ako ng upo at tinignan si Gelo. Malawak ang kaniyang ngiti na umupo sa tabi ni Kim. Ang aga aga kalokohan na naman ang naiisip ko. Akalain niyo 'yon kinikilig ako sa dalawang 'to kahit alam kong magpinsan sila?
"Anong mukha 'yan, Gelo?" Kunot-noong tanong ni Kim na nakakrus pa ang mga braso sa kaniyang dibdib. Nakatagilid siya para magkaharapan silang dalawa.
"Mukhang gwapo," ani Gelo na may pagtaas at baba pa ng kilay. Ngayon ko lang din napansin na gwapo nga itong si Gelo. Moreno siya na may kukay itim na tuwid na buhok, hindi ganoon kahaba. Nawawala ang kaniyang mga mata kapag ngumingiti, matangos ang ilong, medyo may bigote at feeling ko ay iyon ang nagpapalakas ng kaniyang appeal.
Hindi nga lang kasing gwapo ni Wilhelm.
"Mukha kang tanga!" Buwelta ni Kim sa kaniya. Tatayo na sana si Kim nang hilain siya paupo ni Gelo.
"Ano ga?" Iritado niyang tanong at umupo rin. Sumuko siya sa kakulitan ni Gelo.
"Hindi mo man lang ga tatanungin kung bakit?" Tanong ni Gelo, nakangiti pa rin.
"Oh, bakit?!" Mataray niyang tugon.
"May bebe na ako!" Pagyayabang ni Gelo na may kasamang mapang-asar na facial expression.
Sumandal ako sa inuupuan ko at tuwang-tuwa silang pinanood.
Naging sarkastiko ang ekspresyon ni Kim, iyong nakangiti pero parang plastik na ewan.
"Malamang kasing pangit mo rin 'yon!"
"Gwapo ako!"
"Pangit ka, tanga! Kamukha mo si Buknoy!"
"Ikaw nga pangalan pa lang pangit na! Ano nga ulit 'yon? Kipay? Oh! 'Di ba amoy panghe!"
"Mukha kang tae!"
"Magpinsan tayo kaya mukha ka ring tae!"
BINABASA MO ANG
The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )
Mystery / ThrillerGenre: Mystery | Romance | Suspense Cathania Blair always dreamed of escaping from her boyfriend who has imprisoned her in his villainous life. She thought she could never taste freedom again, until her feet brought her to Puerto Galera-The Mystery...