Chapter 8
February 6, 2020
Thursday
1:45 PMPagtapos kong tignan ang date at time sa phone ay ibinulsa ko na iyon. Mag-iisang linggo na pala ako rito bukas. Napakabilis ng araw.
Sumandal ako sa sandalan ng mahabang upuan. Binuksan ko ulit ang phone para i-check kung may signal na. May laman na ang signal bars ngunit kapag tinatawagan ko si Hadley ay hindi ko pa rin ito ma-contact. Nagpa-load naman ako kanina, ah? Inutusan ko ang kapatid ni Kim.
Hindi kaya lowbat lang siya? Naisipan kong mag-try ng ibang contacts na p'wedeng tawagan para alamin kung may signal na pero natatakot ako. Baka masabi nila kay Erick tapos mate-trace na ni Erick kung nasaan ako. Posible 'yon kay Erick, Lahat ay posible kay Erick.
Lumabas si Kim mula sa kusina matapos maghugas ng plato. Hawak niya ang kaniyang phone.
"Kim, pahingi nga number mo. Try ko lang tawagan. Globe ka naman, 'di ba?"
Tumango siya at idinikta ang kaniyang number. Pagkatapos ay sinubukan ko siyang tawagan at nag-ring naman. Kunot-noo ko siyang tinignan.
"Bakit hindi ko ma-contact si Hadley?"
"Dito pa lang siguro sa loob ng isla ang signal, Blair," aniya habang nakatingin din sa phone ko.
Sinubukan kong tawagan ang iba sa mga kaibigan kong nasa Manila, cannot be reach din. Tama nga, wala pang signal para makatawag sa labas ng isla.
"Akala ko ba malinaw nang puputulin mo na ang koneksyon mo sa mga taga-Maynila, Blair?" Nalulungkot niyang wika at umupo sa tabi ko.
"Oo nga. Gusto ko lang ipaalam sa best friend ko na safe ako, after no'n 'di ko na siya ulit kakausapin." Humina ang boses ko sa dulo dahil sa lungkot.
Iniwasan ko nang pahirapan ang sarili sa pag-iisip kay Hadley. Binalik ko na lang ang atensyon sa phone at binuksan ang data. I visited all of my social media accounts but "trouble loading" was all that I can see. Kapag nagka-wide signal na, ide-deactivate ko na lahat ng social media accounts ko at ia-uninstall na rin ang mga apps.
"Kipay bukas ay luluwas kami ng iyong tatay, ha? Ikakasal ang inaanak ko sa Batangas, si Margaux. Baka isang linggo kami roon. Dine mo na muna iyang si Blair para may kasama kayo," ani ng nanay ni Kim na lumabas sa kanilang kuwarto.
"Ayos ga laang iyon sa iyo, Blair?" She then turned to me.
"Opo, Tita, sobrang okay po," masaya kong tugon. Awtomatiko akong napatingin sa bintana nang mahagip ng tingin ko si Kano na nagsasampay. The most responsible son of all time.
"Ayos! Ano kamusta ga ang Ben and Men? Nakanood ga kayo?" Seryoso niyang tanong. Humalahakhak kami pareho ni Kim.
"Sabing Ben&Ben iyon, 'Nay. Ano ga't naaano ka na?" Tumatawang sabi ni Kim na medyo iritado.
"Aba ay malay ko ga nga sa mga gay-on! Ay teka laang at pupuntahan ko pala ang iyong Tiya Blessa." Papunta siyang pinto.
"Kapag nakita mo do'n si Gelo pasabi ho ay pumunta dine, ha?" Pahabol ni Kim sa kaniyang nanay.
Bumalik kami sa kani-kaniyang ginagawa. Ako ay nag-delete na ng mga pictures sa phone ko, lahat lahat ng magpapaalala sa akin ng nakaraan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/220438687-288-k25652.jpg)
BINABASA MO ANG
The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )
Mystère / ThrillerGenre: Mystery | Romance | Suspense Cathania Blair always dreamed of escaping from her boyfriend who has imprisoned her in his villainous life. She thought she could never taste freedom again, until her feet brought her to Puerto Galera-The Mystery...