Chapter 7

426 35 29
                                    

Chapter 7

"Tanya?!" She called again.

Buong puwersa kong tinanggal ang kamay ni Wilhelm. Kunot-noo niya akong tinignan sa ginawa ko pero napakagat-labi lang ako.

Hinarap ko ang babaeng nakatayo sa harap namin, tila naguguluhan. Kinapitan ko siya sa kaniyang palapulsuhan at hinila papunta sa isang tabi na may kalayuan sa pwesto namin kanina.

"May kasama ka ba?!" Takot na takot kong tanong.

Umiling siya, magkasalubong ang kilay. "Bakit ka nandito? At sino 'yung lalaking 'yon?"

Sinulyapan ko si Wilhelm na naroon pa rin sa kung saan ko siya iniwan. Kasama niya na sina Kim at Gelo. Binalik ko ang tingin sa kausap.

"Camille..." Bumuntong-hininga ako.

"Tanya, are you running away from Erick? And... you're cheating on him?!"


"Hindi. Wait... s-sinong kasama mong nagpunta rito?" Luminga-linga ako upang tignan kung sinong mga kasama niya.

"I'm with my blockmates. Answer my question, Tanya," she said with authority.

"Yes, I'm running away from Erick. And no, I'm not cheating on him," direkta kong sinabi sa kaniyang mga mata.

"Holding hands with a new guy? If that's not cheating then what do you call it, Cathania?" Maarte niyang tanong.


Huminga ako nang malalim. "Kilala mo ang pinsan mo, Camille. Matagal niya na akong sinasaktan at balak niya pa akong ikulong sa mundo niya habangbuhay. Gusto ko na maging malaya, gusto ko na ng simple at masayang buhay," maluha-luha kong sambit.

Camille and I are not that close to each other. Madalas ko siyang nakakasama noon kapag may hangout sina Erick at ang mga pinsan niya. Minsan ko lang nakausap si Camille, noong niligtas ko siya sa demonyong si Erick.

"At sa tingin mo ba hindi ka niya mahahanap dito?!" Her voice sounds mad yet her eyes show concern. I searched for her hands and gently held them.

"Kung hindi mo ipapaalam na nandito ako, hindi niya malalaman. Please, Camille, nakikiusap ako sa 'yo," pagmamakaawa ko.

Tinitigan niya ako. Alam kong napapaisip na siya. Sa mga sandaling ito siguro ay sumagi na sa isipan niyang minsan ay natulungan ko siya.

She sighed. "Pasalamat ka may utang na loob ako sa 'yo." Sa sinabi niyang 'yon ay nagliwanag ang mukha ko.


"Pero, Tanya, hindi ko mapapangako na hindi ako magsasalita sa oras na ipakita sa akin ni Erick ang kamatayan ko. We both know him, he was born with evil hands. So ngayon pa lang, humihingi na ako ng sorry. Kahit naman siguro ikaw, aatrasan mo ang kamatayan mo," seryoso niyang sambit.

Pilit akong ngumiti kahit naiiyak na. "Maraming salamat, Camille."

"Hindi ko pinapangako, Tanya, pero susubukan ko." Tinanguhan niya ako ng isang beses bilang senyales na makakabalik na ako sa mga kasama ko. Nakakadalawang hakbang pa lang ako nang muli niya akong tawagin.

The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon