Chapter 21Cathania Blair's point of view
February 20, 2020. Siyam na araw na lang, magsasara na ang isla. Siyam na araw na lang, tuluyan na akong magiging malaya.
Iniisip ko pa lang 'yon ay sobrang saya ko na. Tahimik at masaya na ang buhay ko rito. Kasama si Wilhelm at ang pamilya niya, sina Kim, at kailanman ay hindi na kami magugulo pa ni Erick.
"Ganda naman ng ngiti," ani Wilhelm na kapapasok lang. Andito kasi ako sa kwarto niya dahil tinulungan ko siyang maglinis. Nilapag niya sa sahig ang kinuhang walis-tambo at tinabihan ako rito sa kama.
"What are you thinking about?" He curiously asked.
Umiling ako na may ngiti pa rin sa labi. "Masaya lang ako."
"Kasi?" He raised his brows. Umurong ako papalapit sa kaniya para mayakap ko siya. Niyakap niya rin ako pabalik.
"Kasi nakilala kita," tugon ko.
"Mas masaya akong nakilala kita, Blair."
Napatingin kami sa pintuan nang may kumatok. Sumilip ang mommy niya at tinanguhan kami senyales na lumabas muna.
"Alis ka na ga, mameh?" Wilhelm asked as we went outside. Umupo ang mommy niya sa sofa habang sinusuot ang kaniyang wrist watch. Umupo naman kami ni Wilhelm sa katapat niyang sofa.
"Oo, alas-dose ang aming alis." She replied, now pressing her not so crumpled blouse.
Pupuntang Manila si tita Mariel dahil sasamahan niya raw si tita Thelma, ang ninang ni Kano, mamili ng paninda para sa souvenir shop.
"Bukas ay uuwi naman kami agad. Ang mga bata kano, ha?" She reminded.
Tumango si Wilhelm. "Papasundo ka ga bukas?"
"Hindi ko alam, ite-text na laang kita."
"Saan pala kayo tutuloy sa Maynila?" He asked.
"Diga'y may bahay doon ang anak niya? Si Millen... ang asawa no'n ay taga-Maynila."
"Saan po kayo sa Manila?" Ako naman ang nagtanong.
"Sabi ni Thelma ay sa Pasay daw e, sa may Harrison ga 'yon? Aywan basta doon," she replied.
Lagi akong nasa Pasay noon dahil naroon ang condo ni Sabrina, doon madalas tumatambay si Erick at ang mga pinsan niya. Si Sabrina kasi, pinsan ni Camille sa side ng mama niya. Tapos si Erick at Louis naman ay pinsan niya sa side ng papa niya. Si Stephen, kaibigan lang talaga ni Erick 'yon since high school pa lang daw sila tapos si Shania naman girlfriend ni Louis.
"Ay siya dine na ako, baka nasa kanto na si Thelma," paalam ni tita.
Pagsapit ng hapon, nakatanggap ng message si Wilhelm mula sa daddy niya. Sinama niya ako sa Sabang kung saan daw naka-stay rito sa Puerto ang daddy niya.
"I'm already here, Dad," ani Wilhelm sa daddy niyang kausap niya sa telepono.
Nasa isang restaurant kami na nakapuwesto sa tabi ng kalsada tapos ang view ay karagatan at mga puno; as usual. Sumampa ako sa wooden railing para pagmasdan ang tanawin sa ibaba. Nang matapos niyang kausapin sa phone ang daddy niya ay umupo na siya sa wooden stool malapit sa akin. Nilingon ko siya, nakatitig ito sa akin nang may ngiti sa kaniyang mukha.

BINABASA MO ANG
The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )
Mistero / ThrillerGenre: Mystery | Romance | Suspense Cathania Blair always dreamed of escaping from her boyfriend who has imprisoned her in his villainous life. She thought she could never taste freedom again, until her feet brought her to Puerto Galera-The Mystery...