Chapter 3
"Good morning!"
Nagising ako sa sigaw ni Kim. Umikot-ikot siya sa loob ng silid at binuksan ang kurtina tulad ng mga nasa disney movies. Nasilaw ako sa liwanag na biglang pumasok mula sa bintana. Dahil do'n ay naipikit ko ulit ang mga mata.
"I have good news for you, Blair!" Masigla niyang sambit at tumalon sa kamang hinihigaan ko. Bahagya itong umuyog.
"Kim..." Inaantok kong suway sa kaniya at muling tinalukbong ang kumot sa ulo.
"Pinayagan ako ni Ma'am Jill mag-leave ng one week para may tour guide ka!" Pumalakpak siya sa sobrang tuwa.
"Wow," walang gana kong sambit habang nasa ilalim pa rin ng kumot. Nairita ako nang hilain niya ang kumot para gisingin ako.
"Bangon ka na, Blair! Marami tayong pupuntahan dali!" Hinila-hila niya ang kamay ko para patayuin ako. Alam ko namang hindi niya ako titigilan kaya hindi ko na pinatagal 'yon, bumangon na ako kahit inaantok pa.
Inayos ko ang sarili at tinignan siya sa mga mata. Masayang-masaya siya base sa kaniyang itsura. Halos mawala na ang singkit niyang mga mata dahil sa ngiting napakalawak.
"Sa'n tayo pupunta?" Matamlay kong tanong.
Walang anu-ano'y tinulak niya ako sa banyo. Pinagpilitan niyang maligo raw ako dahil aalis daw kami. Tamad na tamad kong pinaliguan ang sarili. Hindi ako sanay gumising nang ganito kaaga. Sa Manila kasi baliktad ang mundo; tulog sa umaga, gising sa gabi.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ulit pagkalabas ng banyo. Naroon siya sa kama naghahanap ng damit na ipapasuot sa akin. Akalain mo nga naman oh, sobra pa sa pagiging best friend itong si Kim. But... Hadley will definitely feel bad about it.
"Maraming magagandang puntahan dito sa Puerto, Blair. Kaso nga lang, one week laang ang sabi ni Ma'am Jill. 'Di bale gagawan natin ng paraan 'yan," she said.
Inabot niya sa akin ang isang short at t-shirt, pambahay lang. Meron din siyang undies na mukhang hindi pa nagagamit dahil nakalagay pa sa packaging.
"Punta muna tayo sa bahay, doon tayo magplano, doon ka na rin mag-almusal."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kano. Yeah f*ck it! I'm thinking about him again this early in the morning!
Hindi ko na alam kung ano na namang mararamdaman ko sa sandaling magtagpo ulit kami. Hindi ito kasama sa plano ko pero...
Nakayuko lamang akong naglalakad habang papasok sa lugar nila Kim. Inasahan ko na ang malalagkit na tingin ng mga tao. Nakahawak naman si Kim sa braso ko upang hindi ako gaanong mailang.
Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang palapit kami nang palapit sa bahay nila. Hindi ako sigurado kung bahay ba nila Kano ang sumunod sa bahay nila Kim pero doon ko siya nakitang nag-aayos ng hose kahapon kaya sa tingin ko ay kanila nga 'yon.
"Wala ka gang pasok?" Tanong ng isang babae kay Kim.
"Wala, wala namang guests, e!" Tugon ni Kim. Nakita ko ang pagdapo ng tingin ng babae sa akin. Isang tingin na mapanuri ngunit may kasamang paghanga.
![](https://img.wattpad.com/cover/220438687-288-k25652.jpg)
BINABASA MO ANG
The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )
Mystery / ThrillerGenre: Mystery | Romance | Suspense Cathania Blair always dreamed of escaping from her boyfriend who has imprisoned her in his villainous life. She thought she could never taste freedom again, until her feet brought her to Puerto Galera-The Mystery...