Chapter 10

466 34 27
                                    

Chapter 10

Hadley's point of view

I opened the door before the clock ticks at 10:30. I sat down on my couch and faced the doorway, just 10 seconds left. Ten, nine, eight, seven, six, five, four, three...

"Good morning, Hadley," Erick greeted me as he appeared by the doorway.

"Good morning, Erick." Tumayo ako at pinaupo siya roon sa couch. Lumipat ako sa may swivel chair dahil ayoko siyang makatabi. Feeling ko may katabi akong demonyo 'pag gano'n.


He rested his back on the wall as he sat down. He stretched his legs as if he was from a long tiring walk. E, hindi naman malayo ang gate ng apartment.

"Absent ka kahapon. I waited for you, pinaghanda pa naman kita ng maiinom." I started a conversation. Totoong hinintay ko siya. Nasanay na kasi akong araw-araw siyang pumupunta rito para siguraduhing hindi ko tinatago si Tanya.


He pulled up his sleeves and slightly massaged his arms. "Yeah, may tinapos lang akong buhay," he proudly stated.


"Ha?!" I'm just making sure I didn't hear it wrong.

He slowly tilted his head to face me, marking me his deathly glare. "The security personnel of DLTB Co., did not give me the CCTV footage of the bus station, the night Tanya was gone."

My jaw dropped. "Syempre confidential 'yon! Anong ginawa mo sa kaniya?"

"I killed him," he proudly said.

Napasapo ako sa noo. Lord may you never forgive this man for his inhumanity.

"Erick?! Oh, Jesus! How could you do such things?!"

Marahan siyang humalakhak. "I can do all things for Tanya, Hadley. You know that."

Mapait akong ngumiti. "Hindi mo ba naisip na baka kaya ka tinatakbuhan ng girlfriend mo ay dahil d'yan sa kademonyohan mo?" Matapang kong saad.

Nagulat siya sa sinabi ko. Tumayo siya at humakbang palapit sa akin. Napalunok ako at umurong sa takot na saktan niya ako.

"Anong sabi mo?!" Halos umusok na ang kaniyang mga mata sa galit.


"Anong sabi mo?!" Pag-uulit niya ngunit mas nakakasindak na. Napalundag pa ako dahil kasabay no'n ay ang marahas niyang paghila sa buhok ko.

"Erick nasasaktan ako," paulit-ulit kong winika habang dumadaing. Mas hinigpitan niya pa ang paghila sa buhok kong walang kamalay-malay sa mga nangyayari.

"Pumapatay ako, Hadley. Ngayon tatanungin kita ulit. Nasaan ang girlfriend ko?!" Malademonyo niyang sambit.


"H-Hindi ko nga alam," medyo iritado kong tugon. Patapon niyang binitawan ang ulo ko na muntik nang mauntog sa pader.

Naglakad siya pabalik sa kaninang pwesto niya. Tuwid siyang tumindig at humarap sa akin. Wala akong ibang makita sa kaniyang kaanyuan kundi ang kaniyang pares na sungay na lalo lamang lumalaki sa bawat araw na lumilipas.

The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon