Chapter 1
Dinama ko ang napakasarap na simoy ng hangin na sumasalubong sa akin. Sa loob ng twenty years, ngayon lang ako nakalabas ng Metro Manila. Napakasarap pala sa pakiramdam. Fresh air, relaxing surroundings, shades of blue waters, and the breeze of countryside.
Lulan ako ng isang barko kasama ang iba pang mga turista na mukhang napagplanuhan na ang pagpunta sa isla. Wala pa rin akong ideya tungkol sa buong kwento sa likod ng misteryosong islang ito na sinasabi nila. Ano bang meron doon? Bukod sa dagat at bundok?
Napakalamig. Napapangiti na lang ako sa sobrang tuwa. Pakiramdam ko ay malayong-malayo na ako sa bangungot ng nakaraan ko. Kung totoo ngang nawawala ang islang iyon sa mapa, mabuti sigurong huwag na akong umuwi at manatili na lamang doon kahit walang kasiguraduhan ang lahat.
"Mommy ang ganda, oh!" Wika ng isang batang lalaki sa kabilang parte ng barko. Tinuro niya ang windmills na nasa tuktok ng bundok. Maganda nga ang mga iyon.
Iginala ko ang tingin sa kapaligiran. I fell in love with the crystal waters from below. Gusto ko nang tumalon at damhin ang lamig ng tubig dagat.
Sa nakikita ko, mukhang dadaong na ang barko dahil natatanaw ko na ang pier. Bigla na naman akong napaisip. Saan ako pupunta pagkababa ko rito? Wala naman akong kilala rito at isang libo lang ang dala kong pera!
Natapos na ang ilang saglit na paghihintay ko. Dumaong na ang barko. Tuwang-tuwa ang mga pasahero na halos mag-unahan na sa pagbaba. Maraming mga nag-aabang sa pantalan at ang iba'y may hawak pang papel, nakasulat roon ay puro "Welcome".
Ramdam ko agad ang hospitality ng mga tao. Mainit ang kanilang pagsalubong sa amin. May mga banderitas sa pier, may tugtugan, at napakaganda ng ngiti ng mga tao.
Sumabay ako sa mga nagbababaang pasahero. Ang ilan sa kanila ay may sundo habang ako ay sarili ko lamang ang tanging dala ko, at isang libo.
"Welcome to Mystery Island! Welcome to Puerto Galera!"
Naglakad lang ako palabas ng pier kahit hindi ko talaga alam kung saan ako patungo. Sa gilid ng kalsada ay may mga nakaparadang tricycle at ang mga driver ay nagtatawag ng pasahero.
"White Beach! White Beach!" Sigaw ng isang tricycle driver.
Muntik akong matumba nang mabangga ako ng isang lalaki. Nagreklamo rin ang ibang nasagi niya. Humingi naman siya ng paumanhin at umalis na. Napatingin ako sa sahig nang may nakita akong nalaglag.
It's a wallet. Pinulot ko 'yon at kinakabahang hinawakan gamit ang dalawang kamay. Nag-angat ako ng tingin upang tignan kung meron bang naghahanap, sakaling iyon ang may-ari, ngunit normal lang ang lahat. Gumagalaw ang mga tao, naglalakad palabas, walang kahit na sinong may kakaibang ikinikilos.
Kinapitan ko nang mahigpit ang wallet. May kalakihan ito at sa tingin ko ay may kaya sa buhay ang may-ari nito.
Naniniwala ako sa bait ng Diyos. Alam kong tulong niya ito sa akin upang makapagsimula ako ng panibagong buhay. Pero hindi sa paraang nanakawin ko ito.
Hindi ko binuksan ang wallet. Kahit anong mangyari ay hindi ko ito pakikialaman. Ipagbibigay alam ko na lang ito sa awtoridad at hahayaan na lang na sila na ang magsauli.
BINABASA MO ANG
The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )
Gizem / GerilimGenre: Mystery | Romance | Suspense Cathania Blair always dreamed of escaping from her boyfriend who has imprisoned her in his villainous life. She thought she could never taste freedom again, until her feet brought her to Puerto Galera-The Mystery...