Chapter 27"Blair, bakit? Anong problema? Sino 'yung kausap mo kanina?" Nag-aalalang tanong ni Wilhelm habang nakayakap sa akin. Patuloy naman ako sa paghikbi.
"Shush, 'wag ka na umiyak, please? Nasasaktan ako 'pag nakikita kitang ganiyan e," aniya habang sinasapo ang likod ko. Pinunasan ko ang basang pisngi kahit nakasampa ako sa dibdib niya.
"Tahan na, lika nga." Maingat niya akong ihiniwalay sa kaniya para tingnan ang mukha ko. Yumuyuko ako pero pilit niya ring inaangat ang ulo ko.
"Tama na. 'Wag ka nang umiyak," he said in a very sweet voice while trying to wipe my tears using his thumbs.
"Calm down, baby. Anong problema?" Dahil mas matangkad siya sa akin ay nakayuko siya. Para tuloy akong batang kinakausap ng kuya ko.
Lumunok ako at humingang malalim habang humihikbi pa rin. "Si Erick.." Dalawang salita lang 'yon ngunit nahirapan pa akong bigkasin.
"Ano na namang ginawa ng gagong 'yon? Siya ba 'yung tumawag?! Tangina no'n, ha!"
Taranta niyang kinuha ang phone ng mommy niya na nilapag niya sa may bato sa baba kanina. Nang tumayo siya ulit ay nagpipipindot na siya roon. Hinawakan ko agad ang kamay niya para pigilan. Tiningnan niya ako, magkasalubong ang mga kilay.
"Hindi si Erick 'yung tumawag, sina Shania. Sila nagsabi sa 'kin na papunta na raw si Erick dito," wika ko sa pagitan ng paghikbi. "Wilhelm, natatakot na ako sa mga pwedeng mangyari kaya aalis na ako. Aalis na 'ko, Wilhelm... Aalis na 'ko!" Niyakap niya na naman ako ulit nang muli akong humagulgol.
Paulit-ulit siyang umiling, nararamdaman ko 'yon. "Hindi ka aalis mag-isa, Blair, sasama ako sa 'yo."
Bigla ko siyang naitulak palayo. "Hindi pwede, Wilhelm!"
Hindi na maipinta ang kaniyang reaksyon. Saglit kong sinulyapan ang nilatag para tingnan kung may tao ba roon pero lahat sila ay naliligo na sa dagat pati si tita.
"Hindi tayo pwedeng makita ni Erick na magkasama dahil papatayin ka no'n. Ayokong madamay ka rito Wilhelm—"
"Blair naman! Para saan pa na boyfriend mo ako kung pababayaan kitang mag-isa d'yan sa laban mo?! Your struggles are mine too! Huwag mong sarilihin 'yan, Blair. Isama mo naman ako; isama mo ako sa laban mo."
"Pero natatakot akong—"
"Patayin ako ng ex mo?! Tangina e'di magpatayan kami! Hindi ako natatakot sa kaniya, Blair."
"Wilhelm—"
"Blair, please?"
Nanghina ako sa pakiusap niya. Talo na naman ako. Ang hina ko talaga pagdating sa kaniya.
"Pupunta ako sa Batangas, doon muna ako kay Hadley," mahinahon kong sambit sabay yumuko.
"Kung sasama ka sa 'kin, apat na taon kang hindi makakabalik dito," dugtong ko.
"It's fine. Basta kasama kita, nakikita kita, napoprotektahan kita, kahit malayo ako sa pamilya ko, ayos lang. I know they will understand." Hinawakan niya ang mga kamay ko.
BINABASA MO ANG
The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )
Mystery / ThrillerGenre: Mystery | Romance | Suspense Cathania Blair always dreamed of escaping from her boyfriend who has imprisoned her in his villainous life. She thought she could never taste freedom again, until her feet brought her to Puerto Galera-The Mystery...