Chapter 14
"Kain ka pa," he said and pushed the bowl of Sinigang near my plate when he noticed I'm almost done eating.
"Busog na 'ko," wika ko sabay umiling.
"Agad?" Naglagay pa siya ng kanin sa kaniyang plato.
I nodded my head while munching the last spoon of rice. Then I put down the spoon and fork on my empty plate. Wala akong tinirang kahit isang butil na kanin para wala siyang masabi.
Kinuha ko ang basong may tubig at sumandal sa upuan ko saka iyon ininom. Pinagmasdan ko siya habang kumakain, parang napakasarap niya. Pinilig ko ang ulo para alisin ang kung ano mang naiisip kong hindi maganda.
Alas-siyete na ng gabi at nagdi-dinner na kami. Actually, kakatapos lang ng round five namin ngayong araw. Kung hindi pa kumatok si Kim para maghatid ng damit at gamit ko, baka hanggang ngayon ay nasa kama pa rin kami.
Si Wilhelm ang nagluto ng ulam habang ako naman ang nagsaing. Ang totoo niyan ay pinilit ko lang siyang magluto dahil kung siya lang naman daw ang masusunod, dinner na lang daw namin ang isa't isa.
Pero seryoso talaga si Wilhelm kapag kumikilos sa loob ng bahay. Napakahusay niya ngang magluto, halatang bihasa siya sa mga gawaing bahay. Kanina nga ay pinapanood ko siya habang nagluluto tapos sa akin niya pinapatikim kapag okay na ang lasa.
Sa tuwing naiisip ko 'yon ay kinikilig ako. I can't imagine living with him under the same roof forever. Bukod sa araw-araw akong kikiligin, baka tuluyan na akong hindi makalakad.
"Kain ka pa. Kailangan mo ng lakas, Blair," aniya bago sumubo.
Saktong umiinom ako ng tubig kaya nasamid ako. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin do'n.
"Hindi ka ba napapagod?" I asked.
Napilitan siyang lunukin ang kasusubo niya lamang para masagot ang tanong ko.
"Hindi, sa 'yo ako kumukuha ng lakas e," he teased before opening his mouth again to drink water.
"Bakit pagod ka na ba?" Tanong niya pagkatapos uminom.
Nilapag ko ang baso ko sa mesa at nilapit ang mukha sa kaniya. Napatigil sa ere ang hawak niyang kutsara dahil inabangan niya ang sasabihin ko.
"Pagod? Ano 'yon?" I competitively said.
His mouth automatically formed an "O" as he heard my reply. I smirked and stared at him seductively. Nabitawan niya ang kutsarang dapat ay isusubo niya na.
"Gan'yan ba ang epekto ko sa 'yo? Tinitigan lang kita parang biglang ako na ang gusto mong kainin?" I continued teasing him.
He bit his lower lip a little. Ayaw pang ipakitang kinilig siya sa sinabi ko. Tinagilid niya ang ulo at napatingin sa kawalan. Ano kayang iniisip nito?
Pasimple kong tinignan ang plato niya. Hindi pa iyon gaanong nababawasan dahil kalalagay niya lang ulit. Napangiti ako nang may naisip na kalokohan.
BINABASA MO ANG
The Escapade of Cathania Blair ( Puerto Galera Series #1 )
Gizem / GerilimGenre: Mystery | Romance | Suspense Cathania Blair always dreamed of escaping from her boyfriend who has imprisoned her in his villainous life. She thought she could never taste freedom again, until her feet brought her to Puerto Galera-The Mystery...