Chapter 1

1.3K 27 9
                                    

Carallel Ellis

Carallel Ellis,

She was an unwanted child, isang pagkakamali sabi nga ng ibang tao.
Sa murang edad pa lamang ay iniwan na siya ng tunay niyang mga magulang kaya naman ay napunta siya sa isang Orphanage kung saan ang mga madre ang nag aalaga sa mga batang inabandona.

Ang mga batang nakasama niya sa orphanage ay tinuring niya na bilang kapatid niya.

Bata pa lang si Carallel ay mulat na siya sa katotoohanang iniwan na nga siya ng mga magulang.

Pamilya ang turing niya sa Mga Madre at Mga kapatid niya sa orphanage dahil sakanila lang naman naramdaman ni Carallel ang pagmamahal at pag aalaga na hindi mabigay-bigay ng totoo niyang mga magulang.

Ngunit hindi pa rin maalis kay Carallel ang paghahangad na magkaroon ng mga magulang at magkaroon ng sariling pamilya.

Isang araw ay nakatanggap ng tawag sina Sr. Rosario, ang head ng Orphanage mula sa DSWD na may mag asawang gustong umampon kay Carallel.

Masaya at malungkot ang naramdaman ni Sr. Rosario at Sr. Teresa dahil sa wakas ay magkakaroon na ng pamilya si Carallel ngunit malungkot rin sila dahil aalis na si Carallel sakanila.

Aparri, Cagayan

Masayang  tinitignan ni Sr. Teresa ang mga batang nag lalaro ngayon sa harapan niya.

"Sister Teresa" tawag naman ni Sr. Rosario

"Bakit po Sister?" tanong naman ni Sr. Teresa

"Kumusta na si Carallel?" lumapit naman si Sr. Tere kay Sr. Rosario at sabay na umupo sa bench.

"Okay na po siya sister, panay parin ang tanong kung sino ang mga magulang niya at kung bakit daw siya iniwan ng mga ito."  nakangiting wika ni Sr. Teresa

"Sa tingin mo ba, magiging masaya siya pag nalaman niyang nakahanap na tayo ng pamilyang aampon sakanya?" tanong ni Sr. Rosario

Tinignan naman ni Sr. Tere si Sr. Rosario  "Sister, sa tingin ko po magiging masaya si Carallel pag nalaman niyang magkakaroon na siya ng mga magulang." Wika ni Sr. Tere

"Kumusta na po ba ang adoption ni Carallel? Maayos na po ba?  Ang pamilyang kukupkop po sakanya maayos po ba?" dadag na tanong ni Sr. Tere

Bumuntong hininga si Sr. Rosario "Maayos naman, tinawagan ako kanina ng mga taga DSWD nakahanap na daw sila ng potential na mag-asawang aampon kay Carallel." Ani ni Sr. Rosario

"Ang mag asawang aampon kay Carallel, ay sina Mr. Brandon at Mrs. Caramen Lincoln". Dagdag na sabi ni Sr. Rosario

Tumango-tango naman si Sr. Tere "tiyak na mabibigyan nila ng magandang kinabukasan si Carallel sister at sana mahalin nila si Carallel dahil napakabait na bata ni Carallel".

"Sana nga Sister, ayaw ko sanang umalis si Carallel, napakabait at napakalambing niyang bata. Alam kong madaming malulungkot sa pag alis niya. Ikaw? Ayos lang ba sayong maampon na si Carallel?" Wika ni Sister Rosario

Bumuntong-hininga muna si Se. Teresa bago sinagot ang tanong ni Sr. Rosario

"Oo naman sister, Opo. Malulungkot po ako dahil napalapit na po ako sa batang 'yon, simula noong baby pa siya ay ako na ang nag aalaga, ngunit alam ko pong magiging masaya si Carallel  dahil magkakaroon na siya ng pamilya at masaya rin po ako doon."

Tumayo naman na si Sr. Rosario "Oh, siya. Mauuna ako, Pupunta pa si Roseann dito, Ang social worker na pinadala ng DSWD kailangan namin siyang kausapin mamaya. Ikaw na muna ang bahala sa mga bata at maslalo na kay Carallel ha?"

Just The Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon