Huli
"Lola Pacing, pag pasensyahan niyo na po sina Rhett at Theodore sa ginawa nila." wika ni Sr. Rosario
Nag uusap sila ngayon sa may sala sa bahay nila Lola Pacing. "Okay lang po, Sr. Rosario ipinaliwanag na saakin ni Plane. Siya naman pala ang may kasalanan sa lahat! Ikaw Plane! Ayus-ayusin mo iyang bunganga mo ha! Bata pa iyang si Eli!" panenermon ni Lola Pacing sakanya at pinitik niya pa ang kanyang tainga.
"Aray naman La! Eh kasalanan naman kasi ni Rhett! Masyadong OA!" wika ni Plane habang hawak hawak ang tengang pinitik ng kanyang lola.
"Sinabing ayus-ayusin mo iyang pananalita mo at asa harapan mo pa sina Sister!" galit na wika ni Lola Pacing.
Napayuko naman agad si Plane "Sorry po Sr. Rosario at Sr. Teresa hindi na po mauulit 'to."
"Sorry rin po sa gulo, Lola Pacing. Mag lalaro lang po naman sana kami ng basketball pero bigla lang naman po kasing nagkainisan kaya nangyari po iyon." paliwanag ni Finn na ngayong pinupunasan ang mga luhang patuloy parin na tumutulo sa mga ni Carallel
"Ang paalam niyo lang saamin, bibili kayo ng papel at ballpen kaya pinayagan kami. Hindi niyo sinabi saamin na maglalaro kayo ng basketball. Tignan niyo ang nangyari." wika ni Sr. Rosario "Birthday na birthday ko, ito ang gagawin niyo saakin? Dagdag niya pa.
Bigla namang naguilty si Rhett sa ginawa nila. Nagkatinginan sila ni Theodore at Finn. Eto ang planong nabuo nila nuon. Lahat ng nangyari ngayon ay scripted, pwera na lang sa sinuntok siya ng pinsan ni Plane. Ang bilis naman ng karma niya.
Sumang-ayon si Plane sa plano dahil totoong may gusto ito kay Carallel at ayaw niyang umalis ito. Si Lola Pacing naman, nalaman lang niya ito nuong tumambay sila sa may tindahan nila at narinig niya ang kanilang plano. Eto ang naisipan ni Rhett na plano para sana mas makatotoohanan.
Napayuko na lamang si Rhett. Ayaw niya lang naman mawala si Carallel dahil mahal na mahal nya si Carallel bilang kapatid. "Patawad po Sr. Rosario, nag init lang po kasi ang dugo ko nuong sinabi niyang wala kaming mga magulang at mga ampon lang kami. Sinabi niya pa kasing papakasalan niya si Carallel pag laki kaya mas nagalit ako sakanya." pagsusumbong nanaman ni Rhett
"Aray aray naman La! Masyado naman na pong masakit iyang pangungurot mo! Mamamaga iyan!" reklamo ni Plane habang namimilipit sa sakit.
"Zeron Plane Marquinez! Iyang bumanganga mo talaga! Kailan pa kita tinuruan na bumastos ng tao? Hindi tama iyong mga sinasabi mo! Nakakasakit ka ng damdamin ng isang tao!" singhal nanaman ni Lola Pacing.
SAMANTALA — Sa may bahay ampunan. Ang mga bata ay masayang naglalaro sa may hardin at Ang mga madre at ang bisita naman ay nag simula na rin mag usap. Sina Kervie naman ay naka upo malapit sa dalawang madre at malapit kina Mr. Lincoln
"Okay na, Successful. Pinapagalitan na ni Lola Pacing si Plane." text ni Finn sakanya
Napangiti naman si Kervie sa natanggap niyang mensahe "Buti naman, nag uusap parin sina Sister at Mr. Lincoln" Kaya naman ay nag abang sila sa susunod na mangyayari sa usapan ng mga madre at Mr. Lincoln
"Maraming Salamat sa cake na binigay niyo para kay Sr. Rosario ha?" pasasalamat ni Sr. Rebecca kina Brandon
"Walang anuman po Sr. Rebecca, nabalitaan lang rin po kasi namin kay Fr. Manny na mag bibirthday po si Sr. Rosario kanina. Nakita po kasi namin na para bang may surpresang naganap kanina sa simbahan kaya bago po kami pumunta rito ay dumaan na po kami ng cake." Pagpapaliwanag ni Caramen
Napataas naman ang kilay ni Recca sa narinig niya "So, meron siya kanina sa simbahan? Buti naman at hindi sila nagkita kanina nila Carallel." wika niya sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Just The Feeling
Romance"Pagmamahal mo lang naman ang gusto kong maramdaman pero bakit pinagkakait mo pa!?" I feel so hopeless. They told me to never beg someone to love you. But here I am begging the man that I love to love me back. "Because we don't feel the same way. Yo...