Chapter 7

503 11 0
                                    

Acting

Kanina pa nakatambay sina Rhett sa may basketball-an malapit sa kanila. Eh, paano ba naman kasi naisipan nilang mag laro ng basketball. Wala ng magawa si Carallel kundi maghintay kasi natalo siya sa pagtatalo nilang apat kanina.

Nag aalala siya na baka hinahanap na sila ni Sr. Rosario at baka mapagalitan pa ang mga 'to. Ang paalam lang naman kasi nila ay bibili ng mga gamit at hindi ang mag lalaro ng basketball.

"Rhett! Pasa mo dito oh, libreng libre!" sigaw ni Finn na seryosong tinitignan ang bolang hanap ni Rhett. "May ganyan ka pang nalalaman Finn, eh bano ka naman sa pag lalaro ng basketball. Matatalo namin kayo ni Plane." Kasama nila ngayon ang kaibigan nilang si Plane, ang apo ni aling Pacing.

"Dami mong salita Theodore, eh lagi naman kayong talo sa pustahan!" mayabang na wika ni Finn. Napa-iling na lamang si Carallel at na pa buntong hininga. Pinanood niya na lamang na manuod ang mga kapatid niya at ang kaibigan nilang si Plane. Natatawa siya sa itsura ng mga kapatid niya. Paano ba naman kasi competitive sila. Kaya naman tumawa si Carallel at dahil doon napatigil si Plane sa pag shoot ng bola at napatingin kay Carallel.

Bigla namang napatigil sa pag tawa si Carallel at weirdong napatingin kay Plane. Ang loko ngayon ay nakangiti na nakatingin sakanya. "Eli, ang ganda mo talaga. Pag laki mo papakasalanan kita!" madamdamin niyang wika.

Agad naman nag react ang mga kapatid niya sa sinabi ni Plane "Hoy Plane! Huwag mo nga kaming tinatalo talo dito, Mag kaibigan tayo pero hindi namin papayagan na makalapit ka sa kapatid namin!" galit na wika ni Rhett

"Oo nga! Alam namin tunay na ugali mo at alam rin namin na hindi mo serseryosohin 'yang kapatid namin. Isipin mo pre. Grade six pa lang tayo pero iniisip mo puro babae. Eh kung mag aral ka kaya ng mabuti!" wika naman ni Theodore

Napa-iling naman si Plane at napatawa ng malakas. "Kay Carallel lang ako seseryoso. Magiging girlfriend kita, Cara." seryosong wika ni Plane

Naiinis na  si Rhett kay Plane, Bata pa ang kapatid niya 'tas mag sasabi sabi ng kung anu-ano si Plane?! Anak ng! at mas tumindi pa ang inis ni Rhett ng makita niya ang akmang pag lapit ni Plane kay Cara, napatingin si Cara kay Rhett makikita sakanyang mga mata ang takot at pangamba. "Kuya Rhett." natatakot na ani ni Cara. Doon na lumapit si Rhett at hinarap ang kanyang kaibigan.

"Hoy plane! Bata pa iyang kapatid namin, Huwag mo nga siyang pag interesan. Pag talaga gumawa ka ng moves sakanya. Uupakan kita! Kita mo na ngang natatakot siya sayo. Lalapit-lapitan mo pa!" asik ni Rhett.

Ramdam na ang tensyon sa pagitan nila Plane at Rhett kaya naman pumagitna na si Finn sakanila "Mga brad, basketball ang pinunta natin dito, hindi suntukan. Chill lang!" kinakabahan na wika ni Finn at dali dali niyang kinabig palapit sakanya si Cara "Carallel, huwag ka matakot ha? Pag pasensyahan mo na iyang kuya Rhett mo dahil overprotective yan saiyo." bulong ni Finn.

"Anong chill chill?! Eh yang si Rhett, ang OA masyado! Nagyaya pa ng suntukan. Kala mo naman makakapalag. Angas mo masyado! Atsaka? Ano bang mali sa sinabi ko? Sinasabi ko lang naman yung totoong nararamdaman ko para kay Eli ha?" untag ni Plane

Nakita ni Theodore ang pag kuyom ng kamay ni Rhett kaya naman ay hinawakan niya ito sa balikat "Rhett, relax lang. Nakasalalay dito si Carallel. Yung plano natin huwag mong kakalinutan."

"Ang mali kasi doon, alam mo na ngang bata pa lang si Carallel, ganyan na mga pinagsasabi mo. Kapatid namin iyang binabastos mo eh. Pre, hinay hinay naman dyan." mahinahong wika ni Rhett.

Kanina pa kinakabahan si Kervie sa plano nila. Paano kung hindi ito gumana ar tuluyan ng makilala ni Carallel ang pamilyang aampon sakanya? Busy sila ngayon sa pag aayos ng makakain nila at hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi sina Rhett. Maayos nilang napagplanuhan ang kanilang gagawin at kung hindi man gumana ang Plan A nila ay may plan B sila.

Just The Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon