Chapter 13

603 14 7
                                    

December 31

Si Carallel ay abalang inaayusan ni Caramen. Aalis sila ngayon at sasalubungin ang bagong taon kasama ang pamilya nito at iba pang mga kaibigan.

"Mommy" napangiti si Caramen dahil sa narinig niya. Unti-unti na ring nasasanay si Carallel sa pag tawag sakanya

"Saan po ba talaga tayo punta, my? Hindi po ba tayo dito mag cecelebrate ng bagong taon?" inosenteng taong ng batang babae.

Tinapos na ni Caramen ang pag brabraid sa buhok ni Carallel at mabilis na kinuha ang susuotin ng bata "Sa Tagaytay tayo mag cecelebrate anak. Sa may rest house natin doon. Meron sina Lala at Popsie doon. Pati si Mama Erie at Daddylo doon and some of Mommy's friend." Pagpapaliwanag ni Caramen sa bata

Tumango naman si Carallel at inabala ang sarili sa sa jackstone. "Baby, don't play on the floor. Madudumihan ang dress mo atsaka hindi ka pa ba nagsasawa diyan? Nung isang araw mo pa yan nilalaro kasama ang Daddy mo." Umiling naman si Carallel at nag concentrate sa paglalaro

Paano ba naman kasi nag laro sila nung nakaraan ng kanyang Daddy at natalo siya nito. Hindi niya aakalain na marunong palang mag laro ng ganun ang kanyang Daddy. Sa yaman ba naman niya?

"Kelangan ko po matalo si Daddy, Mommy. Ako lang dapat ang winner lagi!" Napatawa si Caramen sa sinabi ng kanyang anak at dumiretso na sa Walk in Closet nila upang mag palit.

"Hello po Sister! Advance Happy New Year po sainyong lahat!" Magiliw na bati ni Carallel

Asa byahe na sila ngayon papuntang Tagaytay at naisipan ni Carallel na tawagan ang mga madre upang bumati.

"Carallel anak! Happy New Year rin anak! Kumusta kayo diyaan? Kasama mo ba ang Mama at Papa mo? Magcecelebrate ba kayo ng New Year?"

"Carallel! May regalo kami para saiyo! Ipapadala na lang namin!" Sigaw nila Rhett

Napangiti naman si Carallel sa narinig niya "Okay kuya Rhett, pati po ako ay may regalo sainyong lahat sabi ni Mommy kami daw po ang personal na pupunta jaan. Okay lang naman po Sister papunta po kami ngayon sa rest house nila Mommy doon daw po kami magcecelebrate kasama sina Lolo at Lola."

"Wow, Mommy! Sosyal ka na Carallel ha!" rinig niyang singit ni Recca

"Oh sige, mag enjoy ka ha? Pag kakain na kayo mamaya. Ikaw ang mag pray ha? Kagaya ng laging ginagawa mo rito. Paalam na Carallel at marami pa kaming aayusin dito! See you soon anak! Mahal ka namin!" Narinig niya pa ang iba na nagsalita pero dali-dali iyon pinatay ni Sr. Teresa dahil ang gulo gulo nanaman daw nila.

KAKARATING LANG NAMIN- Dito sa Tagaytay, dito raw namin i-cecelebrate ang New Year. Tita Caramen, my mom's friend invited us para na rin daw makilala namin ang kaniyang anak at para na rin daw mag celebrate.

Si Mommy at Tita Caramen ay magkaibigan simula nung Highschool pa sila kaya naman hindi nakakapagtaka kung hanggang ngayon close parin sila. "Where the hell are you?! Amara Clarisse?!"
Hindi kasi ito sumambay samin dahill nakipagkita siya sa mga kaibigan niya.

"You! Declan! I am still older than you! Show some respect will you? I'm OTW na!" Agad agad kong pinatay ang tawag at pumasok na sa rest house nila Tita Caramen.

"Lancey po ang pangalan niya? Hindi po Declan? Eh sabi niya po noon siya si Declan eh! Nag sinungaling ka kay Father lagot ka!" Kumunot ang nuo ko nuong marinig ko ang boses na iyon. Pamilyar sakanya ang boses na yun.

Dali-dali siyang lumapit sa Mommy niya. "Mommy." Tawag niya sa atensiyon ng kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi. "Declan, anak. I'm glad you arrived safetly. Ang ate mo?"

Nakita ko ang gulat sa mga mata ng batang babaeng kaharap ko ngayon. I knew it! "She's on her way."

"Ikaw!" Sabay nilang sambit.

Nagulat naman si Mommy dahil sa nakita niya ngayon. Paano ba naman kasi ay nagturuan kaming dalawa. "Teka, magkakilala kayong dalawa?" Takang tanong ni Mommy saamin.

"Yes!"
"Opo!"
Sabay ulit naming sumbat.

"Pero paano? At saan?" Tanong ulit ni mommy saamin

"She's the girl who slapped me! Sa cagayan!"
"Eh siya yung nambugbog sa kuya Rhett ko po! Sa cagayan po!" sabay ulit naming tugon.

"Carallel, anak. Why are you shouting honey?" Nakita ko ang pag pasok ni Tito Brandon sa may living room area na may dala-dalang mga pagkain. Dali-dali akong pumunta sakanya at nag mano.

"Daddy, siya po kasi yung umaway saakin noon! At bat magka-mukhang magka-mukha kayo? Magka-ugali rin kayo! Siya naman po yung laging nang aasar sakin sa simbahan nuon! Nagawa mo pa mag sinungaling kay Father ha! Lagot ka kay Jesus hmp!" Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya, mag sasalita na sana ako upang dumipensa ng bigla nag salita si mommy.

"Cara, anak. I'm sorry sa ginawa ng Kuya Declan at ni Lancey sayo. Hayaan mo na sila at parehong may sira yan sa ulo. Pag pasensyahan mo na." Pinanlakihan ko ng mata si Mommy dahil sa sinabi niya "Mommy!"

"HAPPY NEW YEAR!" bati nila sa isa't isa. Masaya ngayong nanunuod sina Carallel Ellis ng fireworks sa labas ng kanilang rest house. Kasama ngayon ni Carallel si Lancey, ang lalaking laging nang uuyaw sakanya nuon. Nagkabati na sila kanina at naging magkaibigan na rin pero si Kuya Declan? Siguro hindi niya na makakasundo yun dahil pangit ang ugali.

Nakilala na rin ni Carallel si Amara sinabi ni Carallel kay Amara na siyaw raw ang artistang crush na crush ng kanyang Kuya Ryker. Amara was flattered with what Carallel said. Masaya silang lahat ngayon na sinalubong ang bagong taon.

Maslalo na si Carallel Ellis dahil sinalubong niya ang bagong taon na kasama ang kanyang pamilya.

Bagong taon para sa kayang bagong buhay.
Matagal nang hinahangad ni Carallel ang ganitong bagay. Kanina ay tinawagan niya ulit sina Sr. Teresa upang batiin nanaman ang mga ito.

At kahit malayo man si Carallel sa totoong pamilya niya ay hindi parin sila mawawala sakanyang puso at isipan.

"Lord, Thank you po sa pag kain na nakahain ngayon. Nagpapasalamat po ako kasi magkakasama po kami ngayong pasko. Sana po ay maging maganda ang pasok ng bagong taon saamin at Sana po ay protektahan niyo po kami at ang mga taong mahal ko sa buhay. Protektahan niyo po sana sina Sr. Rosario-"

Biglang naalala ni Lianer ang sinabi ng kanyang Lola Pacing at pinsan ni Plane. Tinignan niya ang batang babae ngayon na nag dadasal at may narealize. "Siya iyong batang prinoprotektahan nila nuon dahil ayaw nilang maampon ito!"

At hindi siya makapaniwala na ang batang babaeng iyon ay kaharap niya na ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just The Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon