Chapter 8

505 10 0
                                    

Rambol

Nakarating na sina Caramen sa bahay ampunan. Masaya siya dahil sinalubong agad siya ng mga bata

"Good Afternoon too." masayang wika ni Caramen sa mga batang kaharap niya ngayon.

"Ako nga po pala si Ryker." pakilala ni Ryker sa kanyang sarili."

Lumapit naman si Zara at ipinakilala ang kanyang sarili "Ako naman po si Zara."

"At ako naman po si Xander ang pinakamatanda sa mga magkakapatid." magalang na wika ni Xander.

Sakto namang dumating si Brandon at tumabi ito sakanyang asawa "Magkakapatid?" tanong nito, ang asawa ni Caramen.

Ngumiti si Xander  "Opo, magkakapatid naman po ang turing namin sa isa't isa. Simula po nuong iniwan kami ng mga magulang namin dito. Sina Sr. Rosario na po ang tumayong nanay at tatay namin at tinuring rin po namin ang isa't isa bilang magkakapatid dahil pamilya naman po kami dito." paliwanag ni Xander.

Ngumiti naman si Caramen at nilibot ang tingin sa bahay. "Ilan kayong lahat rito?" tanong ni Caramen kay Xander.

"Nasa bente na po kami dito. May mga bata at may mga bagong panganak na baby iniiwan na lamang sa harap ng bahay ." tugon naman ni Xander

Tumango tango naman si Caramen at sakto namang dating ng dalawang madre sa kanilang pwesto. Dali-daling nag mano sina Caramen at Brandon "Kaawan kayo ng Diyos mga anak." masayang wika ni Sr. Alicia sa mag asawa.

"Kumusta po kayo Sr. Alicia? Sr. Rebecca?" Magalang na tanong ni Brandon sa dalawang madre.

"Aba eh, mabuti lang naman kami mga anak. Kayo kumusta na kayo? Balita ko ay kakauwi niyo nanaman galing Japan. Mukhang busy na busy kayo ha?" saad ni Sr. Alicia

Tumawa naman si Brandon at hinawakan ang kamay ng kanyang asawa "Patuloy parin po kasi ang expansion namin sa ibang bansa, Sister. Eto po excited na po kaming makita si Carallel. Asan po pala siya?" tanong ni Brandon

"Ah eh, kasama niya ang mga kuya niya. Bumili ng papel at ballpen sa may kanto." tugon naman ni Sr. Alicia

"Tara na muna sa garden habang hinihintay natin ang mga bata." yaya naman ni Sr. Rebecca

"Tara na po Ma'am at Sir." Magaling na sabi nila Xander.

"Sige po sister. Susunod na lang po ako may kukunin lang po ako sa kotse namin." Paalam ni Brandon at tinungo ang kanilang sasakyan.

"Anong sinabi mo!?" galit na wika ni Rhett.

Nandidilim na ang paningin ni Rhett at gustong-gusto niya ng suntukin si Plane. Kahit anak mayaman pa 'to papatusin niya 'to!

Napangisi na lamang si Plane at mas lumapit kay Rhett mapang asar siyang ngumiti dito. "Kuya Plane! Tumigil ka na nga! Huwag mo ngang ginagalit ang mga kapatid ko! Nakakainis ka na!" sigaw ni Carallel sakanya.

Pumagitna na si Carallel sakanila. Takot man si Carallel dahil sa istura ng kanyang Kuya Rhett ngayon ay kailangan niyang pumagitna at pigilan ang kanyang kuya. Ayaw niyang makipagsuntukan ito dahil paniguradong mapapagalitan sila kina Sr. Rosario at ayaw niyang nasasaktan ang kanyang mga kapatid.

Agad na lumambot ang mukha ni Rhett at inusog si Carallel sa gilid.
"Eli, huwag ka na makisali rito. Hayaan mo na lang kami." Mahinahon na wika ni Rhett

"Eh kuya Rhett! Ayaw kitang nasasaktan! Tara na uwi na tayo! Mapapagalitan tayo nito at saka birthday ni Sr. Rosario!" naiiyak na wika ni Carallel

Dali-daling hinila ni Finn si Carallel "Kuya Finn naman!" reklamo ni Cara

Just The Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon