Chapter 3

806 16 0
                                    

Kervie

Kinabukasan ay nakaabang na si Mang Esteban sa labas,  Si Mang Esteban ang asawa ni Manang Mae.  Sila ang mag asawang nag sisilbi sa mga bata at sa mga Sisters.

Naka ready na ang multicab at ang mga ibang bata ay nasa loob na ang tanging hinihintay na lamang nila ay si Kervie bumalik ito sa loob para kunin ang nakalimutan ni Carallel na project.

Kanina pa nag rereklamo sina Joyce at Lara dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Kervie,  may balak pa kasi ang mga ito na makipaglaro ng patintero pagkapasok nila.

"Saglit na lang iyon, naiwan ko kasi iyong family tree na ginawa naming, kailangan kong mag presenta ngayon sa harap ng klase namin." Tugon naman ni Cara habang inaayos ang kanyang bag.

"Eh diba nung linggo pa natin iyon natapos? Ba't hanggang ngayon hindi ka pa tapos?" tanong naman ni Rob

"Eh kasi kuya, ang dami namin tas asa hulian pa ako kaya umabot hanggang Wednesday ang pag prepresenta." Pag eexplain naman ni Cara

Bigla naman ng dumating si Kervie at hawak hawak nito ang project ni Carallel.  Umupo ito sa tabi ni Carallel at umusog naman ang iba paharap.

"Salamat kuya Kervie." Wika niya

"Walang anuman, Cara." Umayos na ng upo si Kervie at nagsimula na rin naman umandar ang kanilang sinasakyan.

"Mag pakabait kayo sa klase niyo ha, tsaka aly. Huwag kang masyadong makipaglaro baka madumihan nanaman ang damit mo kawawa naman si Manang Mae sa paglalaba ng mga damit natin." Paalala ni Xander sa mga bata.

Andito na sila ngayon sa eslwelahan ng mga bata sa Central. Magkaiba sila ng eskwelahan na pinapasukan dahil hayskul na sila.

"Opo kuya xander." Tugon naman ng mga bata.

"Tsaka ubusin niyo ang mga baon niyo, walang gagala-gala mamaya ha. Hintayin niyo si Mang Esteban dito. Okay?" saad naman ni Kervie

"Tsaka Cara, galingan mo mamaya ha?" dagdag na sabi ni Kervie, tumango na lamang si Cara at umalis na.

Habang asa byahe pa rin sina Kervie ay hindi parin matanggal sa isipan niya ang mga narinig niya kanina sa bahay, mag papaalam na sana si Kervie sa mga sisters dahil papasok na sila sa eskwelahan nang marinig niyang nag uusap ang mga madre.

"Nakausap ko na sina Mr. and Mrs Lincoln, mukhang mas mapapaaga ang pag dalaw nila rito."

"Po sister? Eh akala ko po sa Christmas pa sila pupunta rito upang kunin si Carallel?" Nang marinig niya ang pangalan ni Carallel ay dali-dali pa siyang lumapit sa may pinto

"Gusto lang naman daw nilang makita si Cara, haan da pay isuna ala'en. Andito na sila sa Pilipinas, bibisita raw sila sa biyernes. Atsaka kailangan muna nilang kausapin ang social worker na pumunta noon rito bago i-proseso ulit ang pag aampon" Tugon naman ni Sr. Rosario

Teka? Si Carallel? Aampunin na ba siya? Hindi maari. Sa biyernes? Saktong kaarawan ni Sr. Rosario. Dapat ko ba itong sabihin kay Cara? Hahayaan na lang ba nila Sr. Teresa na umalis si Cara? Nang makarinig siya ng yabag ay dali-dali na siyang umalis doon at nag tungo sa multicab.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ha?" bigla naman bumalik si Kervie sa realidad nang marinig niyang mag salita sa Xander.

"Wala lang ito kuya, may narinig lang ako kanina." Tugon naman ni Kervie

"Ano naman iyon? Pupwede mo namang sabihin sakin eh. Sige na, baka makatulong ako." Saad ni Xander

"Kuya, kanina kasi narinig ko ang mga sisters, nag uusap sila." Paunang sabi ni Kervie

Just The Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon