Chapter 5

595 14 3
                                    

Lianer Declan

Kanina pa asar na asar si Carallel Ellis kina Ryker, Rhett, Finn at Theodore dahil imbes na si Alexander ang kasama niya sa pag dedesign ng cake ni Sr. Rosario ay sila ang pumunta.

Ang lemonsquare cheesecake ang naisipan nilang cake na ibibigay kay Sr. Rosario
Baon ito ng mga bata at dahil wala silang budget na pang bili ng cake ay ayun na lamang ang naisipan nilang maging cake ni Sr. Rosario desesigna'n na lamang nila ito.

Umupo na sina Rhett sa tabi ni Carallel

"Binigay na nga samin ni Kuya Xander itong lemonsquare cheesecake kasi daw kami ang kasama mong mag dedesign. Bakit? Ayaw mo ba kaming kasama huh?" wika ni Rhett habang abalang nilalapag ang mga cheesecakes.

Napameywang si Carallel at tumayo bigla

"Hindi naman sa ganoon kuya! Pero gusto ko kasi si Kuya Xander ang kasama ko kasi magaling siya mag design. Eh saan ba kasi siya nagpunta at bat kayo 'yong nandito?" tanong ni Cara na naka busangot na nakatingin kina Rhett.

"Eh, busy. Tinulungan niyang mag design sina Kervie kaya kami ang pinapunta niya dito. Wala ka bang tiwala saamin? Eh magaling rin naman kami ha!" untag naman ni Theodore.

Nagkibit balikat na lang si Carallel at nagsimula ng gawin ang cake ni Sr. Rosario

"Siguro ka bang hindi pupunta sina Mr. Lincoln dito?" pabulong na wika ni Xander kay Kervie.

Andito sila ngayon sa may maliit na stage sa simbahan, abala sila sa pag seset up para sa birthday surprise nila kay Sr. Rosario "Oo nga kuya, sa may bahay sila pupunta. Hindi dito." wika pabalik ni Kervie na abalang kinakabit ang mga letra.

"Siguraduhin mo lang yan kervie ha. Baka magulat na lang tayo andito na sila. Naku, palpak ang mga plano natin." tugon naman ni Zara.

"Apu! Di kay lang mut mamati kinyakun aya, Sa bahay sila pupunta hindi dito." sumbat ni Kervie di lang naman kayo maniwala saakin

Si Recca naman ay inaayos ang bulaklak na ibibigay nila para kay Sr. Rosario

"Ayos na iyong mga bulaklak para kay Sr. Rosario." pahayag naman ni Recca

"Ano pa ang dapat nating gawin?" tanong ni Recca at napalinga-linga

"Hintayin na lang natin na mag text si Mang Esteban. Asan na pala si Fr. Manny?" tanong ni Ryker.

"Eh, may kinausap iyong nung batang lalaking nanipa kanina sa may simbahan. Tsaka, hinihintay niya iyong mga magulang ng bata." sumbat naman ni Xander

"Guys, malapit na daw sina Sister!" sigaw ni Recca at dahil doon ay nagmadali na silang nag ayos.

"Rob! Tawagin mo na sina Carallel, malapit na daw sina Sister!" sigaw na utos ni Kervie sakanyang kapatid.

Dali-dali namang pumunta si Rob sa may gilid ng kumbento at nadatnan niyang nag aaway ang apat na bata.

"Sabi ko kasi sayo kuya eh! Huwag mong sobrahan ng cream stick sa gilid ayan tuloy ang pangit!" naiinis na sigaw ni Carallel kay Rhett.

Naiinis naman na tinignan ni Rhett si Carllel hindi naman niya kasi ito kasalanan kung bakit pumangit ang design ng cake

"Ba't ako? Si Theodore kaya may kasalanan dyan! Ang ganda ganda ng pagkalagay ko ng Happy oh!" turo pa ni Rhett sa letterings na ginawa niya.

"Carallel, tara na. Meron na sina Sr. Rosario!" natatarantang wika ni Rob kaya naman ay dali dali silang tumakbo papunta sa stage.

Kanina pa naiinis si Carallel dahil sa palpak na design na ginawa nila sa cake ni Sr. Rosario "kung sana si Kuya Xander ang kasama ko kanina, maganda ang design ng cake." wika ni Carallel sa kanyang sarili. Abala siya sa pag aayos ng letterings ng cake nang may narinig siyang pag sigaw ng bata.

Just The Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon