Chapter 6

542 12 1
                                    

Aling Pacing

"Oh, father? Asan ang mga bata? Hindi pa ba magsisimula ang misa?" takang tanong ni Sr. Rosario

Kakarating lamang nila sa simbahan at agad niyang hinanap ang mga bata, ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na hindi sila sabay sabay na nag punta ng mga bata sa simbahan.

Ngumiti naman si Fr. Manny at lumapit sa mga madre "Ah eh, Sister. May pupuntahan po muna tayo, maaga pa po Sister." wika ni Fr. Manny "Tara po dito." dadag ni Fr. Manny

"Ah eh, saan ba tayo pupunta? Asan ang mga bata? Mang Esteban akala ko ba andito sila?" tanong ni Sr. Rosario kay Mang Esteban

Napakamot naman sa ulo si Mang Esteban at napatawa na lamang "Eh sister, Sundan na lang po natin si Fr. Manny." saad ni Mang Esteban

"Hay naku, ang mga bata talaga." buntong hininga ni Sr. Rosario at sinundan na si Fr. Manny

"Theodore, ayusin mo iyang pag hawak mo sa letter H! Tabingi!" mahinang usal ni Xander habang inaayos ang puwesto ng mga bata.

"Dalian mo Xander! Papalapit na sila!" natatarantang sigaw ni Recca na nakatingin sa direksyon kung saan dadaan sina Fr. Manny

"Oo na! Oo na! Oh ayos na." wika ni Xander at dali-dali ring pumunta sa puwesto niya.

"Father? Saan po ba talaga ang punta natin?" usal ni Sr. Teresa

"Andito na tayo." wika ni Fr. Manny at tumingin sa mga madre.

At laking gulat ng mga sisters nang isa-isang nagsilabasan ang mga bata na may hawak hawak na mga letra. "HAPPY BIRTHDAY SISTER ROSARIO!" sabay sabay na sigaw ng mga bata at sabay sabay kinanta ang happy birthday song.

Lumapit si Carallel at Rhett na may dala-dalang cake at bulaklak "Sister, hipan mo na po itong kandila at mag wish ka po!" masayang wika ni Cara.

Ngumiti naman si Sr. Rosario "Sana magkaroon ng magandang pamilya si Carallel." tumingin si Sr. Rosario kay Cara at hinalikan ang nuo ng bata pagkatapos ay hinipan ang kandila.

"Yehey! Happy Birthday Sr. Rosario! Pasensya na po at lemonsquare cheesecake lang cake mo, hindi katulad yung cake na binibigay nyo pag nag bibirthday kami." saad ni Cara

Ngumiti si Sr. Rosario at hinawakan ang kamay ng dalawang bata. Nag lakad sila patungo stage. Pagkadating nila doon ay sinalubong ng yakap si Sr. Rosario

"Mahal na mahal ka po namin Sister!" sabay sabay na wika ng mga bata.

"Salamat po dahil kinukop niyo kami at binigyan ng maganda at mapagmahal na pamilya." usal ni Xander.

"Salamat po Sr. Rosario dahil kahit iniwan po kami ng mga magulang namin, pinunan niyo po ang mga pagkukulang nila at kayo po ang tumayong mga magulang namin." wika rin ni Kervie.

"Salamat po Sr. Rosario dahil sainyo ay nakapag aral kami ng mabuti at lumaking may takot sa Diyos." wika ni Zara

"At kahit po dumating ang araw na may aampon na po saamin, hinding-hindi po namin kayo makakalimutan. Hinding-hindi po namin makakalimutan ang pamilyang nabuo sa ilan taon nating pagsasama at kahit po masakit isipin na dadating ang panahon na kelangan namin maghiwa-hiwalay mananatili po kayong lahat sa puso ko." saad ni Rhett doon na napaluha si Sr. Rosario, hindi niya inaasahan na susurpesahin siya ng mga bata dahil sabi nila ay busy sila sa kanilang eskwelahan at marami silang gagawin.

"Kuya Rhett, aampunin ka na ba? Iiwan mo na ba kami?" inosenteng tanong ni Carallel.

"Sister, may aampon na ba kay kuya Rhett? Pwedeng huwag na lang po? Puwede po pigilan niyo po Sister? Ayaw ko po umalis si Kuya Rhett! Ayaw ko po! Malulungkot po ako!" naiiyak na usal ni Carallel.

Just The Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon