Chapter 2

976 20 0
                                    

Family Tree

Asa hardin sila ngayon at abala ang mga bata sa pag pla-plano. Malapit na kasi ang birthday ni Sr. Rosario kaya naman naisipan nilang i-surpresa ito sa kaarawan niya.

Naisipan nilang bigyan ng simple at ma-effort na regalo si Sr. Rosario

"Pano kaya kung pumitas na lang tayo ng mga bulaklak? Kahit iyong simpleng bulaklak lang? Santan! Yellow bell! Gumamela! tsaka tayo na rin ang mag bake ng cake." wika ni Alexander na abala ngayon sa pagkain ng kanyang meryenda

Tumango naman si Carallel bilang pag-sang ayon kay Alexander

"Tama ka jan kuya Xander! Pumitas na lang tayo ng mga bulaklak, marami naman tayong nadadaanan na bulaklak malapit sa eskwelahan diba? Tsaka iyong baon na lang nating lemonsquare cupcake ang gawin nating cake ni Sr. Rosario kasi imposible naman kung papayagan tayo ni Sr. Andreline mag bake ng cake." masayang wika ni Carallel

"Oh? ano sang-ayon ba kayong lahat sa naiisip ni Kuya Alexander?" tanong ni Lara sa mga kasamahan nila ngayon

Uminom naman si Rob ng juice at tumango-tango

"Opo! Mas maganda iyang naiisip ni kuya Xander simple lang pero memorable at maeffort!"

"Oh, kung ganon. Rob at Kervie kayo na ang bahala sa pag sulat sa Happy Birthday Sr. Rosario tutal magaling naman kayo sa pag lelettering. Teka, kelan ba tayo mag babaon ng lemonsquare cupcake? Carallel, tignan mo nga iyong schedule." saad ni Recca

Dali-dali namang tumakbo si Carallel sa kusina "Huwebes" bulong ni Carallel sa sarili niya. Bumalik na siya sa hardin kung saan sila nag uusap-usap.

"Ate Recca, sa huwebes po tayo magbabaon ng lemonsquare cupcake."

"Carallel, ikaw na ang mangolekta sa mga lemonsquare cupcake sa huwebes pag asa eswkelahan na tayong lahat." saad ni Recca habang naglilista ng mga kakailanganin pa at ang mga dapat pang gawin.

"Pwede ba ako na lang at sina Joyce ang pumitas ng mga bulaklak?" pag boboluntaryo naman ni Alexander.

"Sige Xander, tutal ikaw naman ang nakaisip ng ideyang iyan." tugon ni Recca

"Mag mimisa naman tayo sa Sabado diba?" tanong ni Carallel

"Aba, Oo naman Cara. Bakit?" tanong ni Xander kay Cara.

"Wala lang po kuya." "Makikita ko nanaman ba ulit iyong lalakeng laging nang-aasar sakin? Hindi pwede! Kaarawan iyon ni Sr. Rosario dapat hindi ako maasar!" pagkukumbinsi ni Carallel sa sarili niya.

"Oh, pumasok na tayo at mag gagabi na. Baka magalit pa sina Sister Teresa saatin mamaya." tumayo na silang lahat at pumasok sa bahay "Ano kaya ang ulam natin? Sana masarap!" wika ni Finn.

Alas sais na ng gabi at alas siyete sila nag gagabihan. Kaya naman naisipan muna ni Carallel na pumunta sa kanilang kwarto at ayusin ang mga niya.

"Monday nanaman bukas." wika ni Carallel habang paakyat sa kanilang kwarto.

Nang makarating na sa kanilang kwarto, agad-agad niyang kinuha ang kaniyang bag at tinanggal ang mga laman sa loob ng bag niya. Inayos niya ang mga libro niya pati na rin ang kaniyang pencil case. Binuklat niya rin ang mga notebook niya at chineck kung mayroon ba silang takdang-aralin. "Naku! Oo pala! Family tree! Kailangan kong sabihin ito ay kay Sr. Teresa!"

Dali-daling bumaba si Carallel at hinanap si Sr. Teresa sa kanilang opisina. "Sr. Teresa! Sr. Teresa!" katok ni Carallel sa pinto. "Sr. Teresa! Sr. Teresa!" ulit ni Carallel.

Agad namang bumukas ang pinto at nakita niyang andoon lahat ng Sisters. "Oh, Bakit carallel? Anya ti masapul mu? Nagugutom ka na ba?" liningon niya ang wall clock at sabay sabing "6:05 palang, mamayang 7:00 pa ang gabihan." wika ni Sr. Teresa

Just The Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon