December 25
"Handa ka na ba, Carallel Ellis?" tanong ni Sr. Teresa sakanya. Ngayon na ang araw na makikilala ni Carallel ang magiging pamilya niya. Bumuntong hininga si Carallel at tumango kay Sr. Teresa "Opo, Sister."
Inayos ni Sr. Teresa ang damit ni Carallel at pagkatapos ay hinawakan ang kaniyang kamay at lumabas na sa kwarto.
"Rhett, huwag ka na malungkot. Magkikita rin kayo ni Carallel sa susunod na buwan." pakikipag usap ni Sr. Rosario kay Rhett. Kanina pa ito nag mumukmok sa kwarto at ayaw niya itong lumabas. Para kay Rhett, eto na ata ang pinaka malungkot na Pasko sakanya dahil aalis na ang isa sa pinakamamahal niyang kapatid.
"Iba parin po talaga pag meron si Carallel, Sister. Sa susunod po na buwan? Buti po sana kung hanggang sa bagong taon ay kasama natin siya, pero hindi naman. Sige na po, Sister. Huwag niyo na lang po akong intindihin." wika ni Rhett at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang unan.
"Hindi ka man lang ba mag papaalam kay Carallel? Mamimiss ka nun. Sigurado ako magtatampo yun sayo pag hindi ka mag papakita sakanya." masuyong wika ni Sr. Rosario
"Hindi ko lang po kasi matanggap, Sister. Iiwan na po kami ni Carallel, nasasaktan lang po ako pero ano pong magagawa ko? Nakapag desisyon naman na po si Carallel at mukha naman siyang masaya. Sige, Sister. Tara na po."
"Carallel, huwag na huwag mo kaming kakalimutan ha? Kahit malayo kami sayo. Lagi mo aalahanin na andito lang kami para sayo."
"Mahal na mahal ka namin, Carallel. Bisitahin mo kami at balitaan ha?" emosyonal na wika ni Xander.
Nag iiyakan na ang lahat ng bata ngayon dahil aalis na si Carallel, hinihintay na lamang nila sina Mrs. Caramen upang sunduin si Carallel.
"Group hug!" sigaw ni Kervie na patuloy parin ang pag tulo ng mga luha. Maski si Carallel ay hindi mapigilan na hindi maging emosyonal.
"Pangako, bibista parin ako. Mahal na mahal ko rin kayo at nag papasalamat ako dahil nagkaroon ako ng pamilya na ganito. Sisters, maraming salamat po dahil kinupkop niyo ako at maraming salamat po dahil minahal niyo po ako at inalagaan. Tatanawin ko po bilang isang utang na loob at pag laki ko po, lahat ng sakripisyo niyo saakin ay mababayaran ko rin. Kuya Rhett?' tawag ni Carallel sa atensyon ni Rhett na asa gilid lamang at walang imik.
"Alam ko na nag tatampo ka saakin pero gusto kong malaman mo na sobrang swerte ko dahil tinuring mo ko na parang totoong kapatid mo. Salamat dahil lagi kang anjan upang protektahan at gabayan ako. Mahal na mahal kita kaya please huwag ka na mag tampo oh? Mamimiss kita ng bonggang bongga. Yakapin mo na ako." at bigla na lamang tinakbo ni Rhett ang pagitan nila at naiiyak na niyakap si Carallel
"Mahal na mahal kita, Carallel at masakit para saakin na isipin na tuluyan ka ng aalis. Hangad ko na sana ay maging masaya ka sa pamilya mo ngayon. Huwag na huwag mo kaming kakalimutan ha? At kahit malayo man tayo sa isa't isa hahanap at hahanap parin kami ng paraan upang makapag usap tayo. Mag iingat ka roon ha?" hinaplos ni Rhett ang mukha ni Carallel at hinalkan ang kaniyang noo.
SAMANTALA, hindi na mapigilan ng mga sister ang pag patak ng kanilang mga luha. Ito ang mahirap para sakanila dahil kelangan ng umalis ni Carallel. "Maging masaya ka, Carallel dahil deserve mo ang maging masaya." wika ni Sr. Rosario
"Lagi ka naming ipapanalangin sa Diyos na sana ay patnubayan ka niya at huwag papabayaan. Huwag na huwag mong kakalimutan na mag dasal at mag misa ha?" paalala naman ni Sr. Alicia sakanya
"At lagi mong tatandaan ang mga natutunan mo dito, Saan ka man mapadpad o dalhin ng mga pangarap ko, maging humble ka lagi." paalala rin ni Sr. Rebecca sakanya
Si Sr. Teresa naman ay niyakap si Carallel at paulit-ulit na hinalikan ang nuo ng bata. "Mahal na mahal kita Carallel Ellis, matagal ko na itong pinapalangin na sana ay magkaroon ka na ng pamilya dahil alam kong matagal mo na itong gusto. Mamimiss kita, wala na ang makulit na Carallel ko. Wala na ang malambing kong Carallel. Wala na ang masigla at masiyahin kong Carallel. Napasakit nito ngunit kelangan kong tanggapin para lang sa kaligayahan mo. Maging masaya ka para saakin, Cara." naluluhang wika niya
Patuloy parin ang pag iyak nilang lahat at rinig na rinig ng lahat ang pag hagulgol ni Carallel.
"Tara na sa garden? Mag cecelebrate pa tayo ng Christmas at hihintayin ang pag dating nila Mrs. Caramen." anunsyo ni Sr. Rosario
At pagkatapos nilang mag drama ay nagtungo na sila sa garden.
Lahat ay nagkakasiyahan dahil may pa-progam sina Sr. Rosario. Sinusulit lang nila ang oras na kasama nila si Carallel Ellis dahil mamaya-maya ay dadating na ang mga magulang nito.
"Yehey panalo kami! Panalo kami!" sigaw nila Lara dahil sila ang nag wagi sa tug of war.
"Pinagbigyan lang namin kayo dahil lagi na lang kami ang nanalo!" depensa naman ni Ryker
"Mga bata, pumunta na kayo rito at andito na ang ating bisita." anunsyo ni Sr. Rosario
Bigla namang kinabahan si Carallel at hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Ngayon na ang araw na makikilala niya ang magiging magulang niya.
Pagkadating nila doon ay bigla na lamang napako si Carallel sa kaniyang kinatatayuan na para bang bumagal ang ikot ng mundo at maslalong kinabahan si Carallel dahil tumakbo ang babae at ang lalaki palapit sakanya.
"Carallel." sambit ng babae sakanyang pangalan na ngayon ay nakangiti
"Carallel, anak. " tawag ni Sr. Rosario sakanya "Siya si Mrs. Caramen at siya naman ay si Mr. Brandon" pag papakilala ni Sr. Rosario
"Magandang hapon po, Ma'am Caramen at Sir Brandon." magalang na wika ni Carallel at nag mano sa dalawa.
"No. Call us Mama and Papa. Kami, kami ang mga magulang mo." naluluhang wika ni Caramen
"M-m-ama." naiilang na na sambit ni Carallel
Napangiti naman si Caramen sa kaniyang narinig "Puwede, puwede ka ba namin yakapin?" tanong niya. Tinignan namin ni Carallel sina Sr. Teresa at nakita niyang ngumiti at tumango ang mga ito.
"Opo." wika niya at agad agad siyang niyakap ni Caramen "Anak, anak ko." sambit niya at naramdaman naman niya ang pag halik ni Brandon sa kaniyang mga noo.
"Mama, papa." bulong ni Carallel at bigla na lamang tumulo ang kaniyang mga luha.
Ganito pala ang nararamdaman pag may taong masaya dahil nakita ka.
Ganito pala ang nararamdaman pag ramdam mong may gustong mag mahal sayo.
Ganito pala ang nararamdaman pag may mga taong handang maging parte ng buhay mo.
BINABASA MO ANG
Just The Feeling
Romance"Pagmamahal mo lang naman ang gusto kong maramdaman pero bakit pinagkakait mo pa!?" I feel so hopeless. They told me to never beg someone to love you. But here I am begging the man that I love to love me back. "Because we don't feel the same way. Yo...