Chapter 10

442 11 9
                                    

"Kaya lang po naman namin iyon ginawa Sr. Rosario, Sr. Teresa dahil ayaw po naming umalis si Carallel."

"Ayaw lang po namin na magaya sya kay Sienna."

"Akala po kasi namin hindi mabait ang mag asawang aampon kay Carallel."

"Ayaw lang po namin na umalis siya kasi masasaktan po kaming lahat at syempre po kapatid po namin siya Sr. Rosario." Pagpapaliwanag nilang lahat.

"Sino ang may plano nitong lahat?" seryosong tanong ni Sr. Rosario

Agad agad na tinaas ni Rhett ang kanyang kamay. "Ako po Sister Rosario, Si Kuya Kervie po ang nakarinig sa usapan niyo nila Sr. Teresa at sinabi niya po saamin. Bumuo na po kami agad ng plano na pupuwedeng pigilan sina Mr. Lincoln na makita si Carallel dahil natatakot po ako. Ayaw ko po kasing mawalay kay Carallel dahil nasanay na akong laging asa tabi niya. Ako po ang nag isip lahat ng plano Sr. Rosario, iyong suntukan po kanina. Scripted po lahat iyon pwera na lang po sa suntok ni Kuya Declan, akala niya po kasi talaga nagsusuntukan kami ni Plane kaya sinugod niya po kami. Sorry po, kung kailangan po namin itong gawin. Ayaw ko lang po talagang umalis si Carallel. Masakit po. Sana mapatawad niyo po kami sister."

Tumango-tango naman si Sr. Rosario "Sorry po, Sr. Rosario kung kelangan namin mag panggap at gawin itong mga bagay na ito. Bilang nakakatanda po, ako po ang may responsibilidad dito dahil hinayaan ko po itong mangyari. Iisa lang naman po ang hangarin namin. Ang manatili rito si Carallel pero sa sinabi niyo po kanina na walang makakapigil sa pag aampon kay Cara ay nalinawagan po ako na kahit po anong gawin namin kay aalis at aalis parin po si Carallel." wika ni Xander

"Akala po kasi namin, Sr. Rosario na pangit ang pamilyang aampon kay Carallel kaya natakot po kami. Pero nang sabihin niyo po kanina na ang DSWD ang naghanap ng potential na parents para kay Carallel at dahil nagkaroon kami ng pagkakataon na kausapin sila kanina ay mas nagkaroon ako/kami ng pagkakataon na makilala sila. Sorry rin po dahil nakinig ako sa usapan niyo nila Sr. Teresa saakin po nagsimula ang lahat ng 'to. Kaya sorry po." paliwanag ni Kervie

Bigla naman bumuntong hininga si Sr. Teresa "Naiintindihan ko kayo, pero sana ay intindihin niyo rin kami. Mahirap ang ginagawa naming desisyon. Nahihirapan kami pero wala kaming magagawa dahil dadating ang araw na lahat kayo ay magkakaroon na nag sari-sariling pamilya. Iyong tungkol kay Carallel? Nuong mga limang taong gulang palang siya ay marami na ang gustong umampon sakanya ngunit lagi itong nakakansel dahil sa mga personal reasons ng mga magulang na gustong umampon sakanya. Ngayon, sina Mr. Brandon gusto nilang ampunin si Carallel at naapprove na sila ng DSWD." Ani ni Sr. Teresa habang pinupunasan ang kanyang mga luha

"Mahirap rin sakin na pakawalan si Carallel dahil simula pagkabata ay ako na ang nag alaga sakanya. Pero gusto kong magkaroon ng pamilya si Carallel. Gusto kong maramdaman niya ang pagmamahal ng isang pamilya, ng mga magulang. Hindi man niya sabihin sakin ay nakikita ko sakanyang mga mata at nararamdaman na nangungulila siya sa pagmamahal ng mga magulang. Alam ko, na lahat kayo gustong magkaroon ng pamilya. Nasasaktan kami pag may mga taong laging sinasabing mga ampon kayo at sinasabing wala kayong mga magulang. Katulad na lang nuong sinabi ni Plane kanina." dadag pa ni Sr. Teresa

Napahagulgol na si Zara sa mga naririnig niya kanina pa siya nagpipigil ng iyak "Pero Sister, sapat na po kayo para saamin. Wala po kaming pake sa mga sinasabi ng mga tao. Kayo po ang tumayong mga magulang namin simula pagkabata. Kayo po ang nag alaga saamin. Nag papaaral. Ayaw po namin kayong iwan. Pamilya po tayo dito." sambit naman ni Zara

Lahat sila ay umiiyak na ngayon, maski si Ryker at Theodore ang mga luko-loko. Ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na mag usap usap ng masinsinan.

"Mga anak, gusto namin na magkaroon kayo ng mga sari-sariling pamilya. Dahil iyon ang dapat. Sa tingin niyo iyong kay Carallel. Hahayaan ko ulit siya mapunta sa masamang pamilya? Hindi ko na ulit uulitin ang pagkakamaling ginawa ko limang taon na ang nakakalipas. Si Carallel, masakit para saakin na hayaan na siyang umalis pero ayun ang nararapat. Kahit wala na kayo dito sa bahay ampunan. Mananatili kayo sa mga puso namin at puwede naman kayong bumisita bisita saamin diba? Katulad na lamang kay Carallel. Aaminin ko, ayaw ko ang ginawa niyo ngayon. Gusto kong magalit pero hindi ko kayang gawin iyon sainyo dahil mahal na mahal ko kayo. Sa Disyembre, opisyal ng sasama si Carallel kina Mr. Lincoln dahil maapprove na ang mag ampon sakanya. Sana ay huwag niyo na itong gawin ulit. Pinapatawad ko kayo sainyong ginawa pero sana ay huwag na ulit itong maulit. Si Carallel, pupwede natin silang bisitahin. Ayun ang sinabi sakin nila Mr. Brandon at every twice a month ay bibisita siya dito." paliwanag rin ni Sr. Rosario habang pinupunasan ang kanyang luha.

"Kailan niyo po ito sasabihin kay Carallel?" tanong ni Rhett habang umiiyak.

"Mamaya na at sana hayaan niyo na kaming sabihin ito sakanya upang maging handa si Carallel sakanyang pag alis. Mahal na mahal namin kayo at ginagawa namin ang nararapat na gawin para sainyong lahat." wika ni Sr. Rosario

Dali-dali silang nagyakapan lahat at nag iyakan.

"Sr. Alicia, ano po ang ginagawa nila sa office? Ang tagal naman po nila. Kanina pa po kami naglalaro dito. Nauumay na rin po ako." naiinis na wika ni Lara

Si Carallel naman ay kanina pa nakatingin sa kawalan. Iniisip niya ang sinabi sakanya nila Joyce. "Carallel, may aampon na daw saiyo. Pumunta nga sila rito kanina eh, Kaso umalis rin agad." Alala niya sa sinabi ni Joyce sakanya.

Hindi alam ni Cara kung anong mararamdaman niya. Dapat ba siyang maging masaya dahil magkakaroon na siya ng pamilya o malulungkot dahil mawawalan na siya ng pamilya?

Ayaw niyang iwan sina Sr. Rosario at ang kanyang mga kapatid. "Carallel, anak." nawala sa pag iisip si Cara nang marinig nya ang kanyang pangalan.

"Tungkol sa sinabi ni Joyce, anak. Totoo iyon. Ang pangalan ng mag asawang aampon saiyo ay sina Mr. Brandon at Mrs. Caramen Lincoln. Narito sila kanina kaso dahil sa pangyayari kanina at dahil rin sa pagmamadali ay umalis na sila at hindi mo na sila naabutan pa. Eto, pinapabigay nila ito saiyo." wika ni Sr. Alicia

"Halika rito at ikakabit ko." wika ni Sr. Rebecca at hinawakan ang necklace, lumapit naman agad si Cara na hanggang ngayon ay wala paring imik.

Ang necklace na iyon ay naglalaman ng picture ng lalaki at babae "Ang ganda niya po at ang gwapo niya po." manghang wika ni Carallel

"Sila ang magiging magulang mo, Cara. Si Mr. Brandon at Mrs. Caramen" ani ni Sr. Alicia

Masaya silang kumakain ngayon at hindi alam ni Sr. Rosario kung paano sasabihin kay Carallel ang balitang may aampon na sakanya. Mahirap humanap ng tyempo kung paano ito sasabihin.

Lahat sila ay nagtatawanan at masayang cinecelebrate ang kaarawan niya. "Sister?" tawag ni Cara sakanya. "Bakit anak?" tanong naman ni Sr. Rosario

"May itatanong po ako." matapang na wika ni Carallel. Natahimik naman ang lahat sa sinabi ni Carallel

"Ano iyon anak?" kabadong tanong ni Sr. Rosario

"Okay lang po ba sainyo?" curious na tanong ni Cara, napababa ng tinidor si Sr. Rosario at napatirig kay Carallel

"Ang alin anak?" tanong niya.

"Ang magkaroon na ako ng mga magulang?" nabigla si Sr. Rosario sa sinambit ni Cara at hindi niya mahanap ang mga salitang pwedeng sabihin sakanya.

"Kanina niya pa alam, Sr. Rosario iyong necklace na suot suot ni Cara ngayon ay bigay nila Mr. Brandon sakanya kasabay ng cake na regalo rin nila saiyo." Napaluha si Sr. Rosario dahil sa sinabi ni Cara

"Kasi ako sister, masayang-masaya. Masaya dahil magkakaroon na po ako ng mga magulang at magkakaroon rin ng pamilya at alam ko po masaya kayo para saakin." Naluluhang wika ni Carallel

Lumapit si Sr. Rosario kay Cara "Masayang masaya, Cara at okay na okay saakin. Basta maging masaya ka lang." Naiiyak niyang wika at niyakap ng mahigpit si Sr. Rosario hinalikan ni Sr. Rosario si Carallel sa kanyang nuo. "Mahal kita, Carallel. Mahal na mahal." buong puso niyang wika

Pagkabitaw ng yakap ni Carallel ay dali dali niyang nilapitan si Sr. Teresa at agad agad na hinalikan "Sr. Tere, mayroon na akong nanay at tatay ang saya saya ko po at nalulungkot rin dahil hindi ko na po kayo makakasama. Sister, pwede po ba na sumama na lang po kayo saakin. Mamimiss ko po kayo." Kanina pa pinipigilan ni Sr. Teresa ang kanyang mga luha. Ang pinakaayaw niya na araw ay dumating na ngunit kelangan niya na itong tanggapin.

Niyakap niya rin pabalik si Carallel "Masaya ako para sayo, Carallel. Huwag kang mag aalala. Bibisitahin ka namin lagi at sabi nila Mr. Brandon dalawang beses daw sa isang buwan ka bibisita dito. Mahal na mahal kita, Carallel. Mahal na mahal." at doon na umiyak ng tuliyan si Sr. Teresa

Dali dali namang lumapit ang lahat sakanila at biglang nag group hug.

"Mahal ka namin Carallel at sana maging masaya ka sa magiging pamilya mo." mahinang wika ni Kervie

"Andito lang kami lagi para saiyo, masaya kami para sayo. Mahal na mahal kita, Carallel Ellis." dagdag ni Rhett

Heto ang kinalakihan niyang pamilya at saan man siya mapadpad ay nagpapasalamat siyang nakilala niya ang mga ito. Mahal na mahal niya ang kanyang pamilya at gagawin niya ang lahat upang mapawi lahat ng sakripisyong binigay ng mga sisters sakanya.

Just The Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon