Chapter 4

698 16 4
                                    

Talk

Pagkatapos nilang mag gabihan ay dumiretso agad sina Ryker, Carallel, Kervie at iba pang kasamahan nito sa opisina nila Sr. Rosario kakausapin daw sila ni Sr. Rosario dahil sa nangyari kanina.

Si Carallel kasi ay may sinampal na lalaki kanina at ito namang si Ryker, nakuha pang maki-pag picture sa iniidolo niyang si Amara Ross

Mapapagalitan na nga sila pero si Ryker, ngi-ngiti ngiti pa rin.

"Sr. Rosario naman eh, si Amara po iyon eh. Iyong artista na isa sa cast ng Highschool Life eh ang ganda po ng palabas na iyon at tsaka crush na crush ko po si Amara eh. Kaya hindi ko nap o pinalampas pa!" masayang wika ni Ryker pinitik naman ni Kervie ang tainga ni Ryker

"Aray ku met manung!" wika ni Ryker habang hawak hawak ang tainga na pinitik ni Kervie  Aray ko naman kuya

"Dahil sayo pumunta roon si Carallel" pagsisisi ni Kervie kay Ryker.

"Anong ako?! Eh basul na mut lang! Ang kulit niya kasi." Depensa naman ni Ryker "O, ikaw naman Carallel? Ba't mo sinampal iyong lalake?" tanong ni Ryker.  Eh kasalanan niya rin naman

Napayuko na lamang si Cara at napakamot "Akala ko kasi siya iyong lalake na lagi kong nakikita pag nag mimisa tayo. Hindi pala. Namalikmata lang ako." Pag eexplain ni Carallel.

"Aysus ang sabihin mo crush mo lang kasi si Declan!" panunukso ni Ryker

Nairita naman si Kervie sa pang aasar ni Ryker kay Carallel "Tumigil ka nga Ryker!"

Namula naman ang pisngi ni Cara ng sabihin iyon ni Ryker

"Oh diba! Sabi ko na nga ba eh! Hoy hindi ka pa pupwedeng magkacrush! Bata ka pa!" wika naman ni Ryker

"Isa pa Ryker, babatukan na talaga kita!" banta ni Kervie.

Napakamot si Ryker sa ulo niya
"Oo na oo na! Sorry na po sisters, hindi ko nap o uulitin. Last na po iyon at tsaka Carallel, huwag na kasing pasaway. Nadadamay tuloy ako!" pamang-asar na wika ni Ryker

"Ang feeling mo naman Kuya Ryker! Hmp!" tugon ni Cara.

Bumuntong hininga naman si Sr. Rosario at pinagmasdan sina Carallel at Ryker
"O, siya. Sana hindi na maulit ito. Carallel, huwag mo na uli iyon gagawin. Hindi mo kilala 'yong tao pero sinampal mo. Ano na lang ang sasabihin nila diba? Nag sorry ka ba kanina? Kervie nag sorry ba kayo kanina?" tanong ni Sr. Rosario

"Opo, Sister Rosario. Mukhang badtrip na badtrip nga po yung lalaki dahil nahulog yung cellphone niya dahil nabangga siya ni Cara."

Napayuko naman si Cara. "Buti naman. Sige, umakyat na kayo at magdadasal pa kami. Good night." Wika ni Sr. Rosario tumango naman sina Ryker at isa-isang niyakap ang mga madre.

"Carallel Ellis, huwag mo na ulit iyon gagawin ha? Hindi magandang asal iyon." Wika ni Sr. Tere

"Opo, Sr. Tere, sorry po. Nabigla lang po ako hindi na po mauulit. Good night po." At niyakap naman ni Sr. Tere si Cara at ngumiti.

Akmang bubuksan na ni Carallel ang pinto ng kwarto nila nang bigla siyang tawagin ng Kuya Kervie niya "Carallel, pag pasok mo. Pwede bang pakitawag si Ate Recca at Ate Zara mo? May pag uusapan lang kami tungkol sa activity namin sa school. Pasabi pumunta sila sa study room, Good night." 

Tumango naman si Cara at pumasok na sakanilang kwarto. "Ate Recca at Ate Zara punta daw po kayo sa study room sabi ni Kuya Kervie, may pag uusapan daw po kayo."

Tumayo naman na sina Recca at Zara at nagtungo na sa study room. Samantala, ginawa naman na ni Carallel ang kaniyang mga takdang aralin.

Dapat nga sa study room niya ito gagawin ngunit dito na lamang niya sa kanilang kwarto gagawin ito dahil ayaw niyang makaistorbo sa kaniyang mga nakakatandang kapatid.

Just The Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon