December 27
First time sumakay ni Carallel Ellis sa eroplano at sa totoo lang ay natatakot siya dahil first time niya lang itong mararanasan.
Hindi natuloy ang alis nila nung isa dahil naabutan na sila ng gabi kaya naman pinili na lamang nila Caramen na matulog na muna sa Bahay Ampunan. Kinailangan nilang i-re-sched ang flight nila. Nag stay pa sila ng isang araw doon dahil iyon ang kahilingan ni Carallel.
"Carallel?" Kanina pa kasi nakatulala si Carallel at nakatingin lamang sa may bintana ng eroplano. "Are you fine anak? " Lumapit si Caramen sakanya at hinaplos ang kanyang buhok.
"Do you need anything? Food? Drinks? Gusto mo tawagin ko ang daddy mo? " Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Carallel na mayroon na nga siya talagang mga magulang at palipad na sila patungong metro.
Naiilang parin si Carallel na tawagin sila Mrs. Caramen at Mr. Brandon ng Mommy at Daddy ngunit kailangan niya ng masanay dahil makakasama niya na ang mga to.
Umiling naman si Carallel at ngumiti sakanyang ina "Okay lang po ako mama, nagagandahan lang po kasi ako sa mga clouds at first time ko po kasing makasay sa airplane kaya po ay naninibago lang po ako. At saan po pala nag punta si Papa? " Hindi kasi nila kasabay na pumunta si Brandon dito Airport dahil mayroon pa daw itong inasikaso bago sila aalis.
Inayos ni Caramen ang unan na nakalagay sa ulunan ni Carallel "May inaayos lang ang daddy mo. Andito na siya sa airport. Hintayin na lang natin siya ha? " Tumango na lamang si Carallel bilang tugon sakanyang ina.
Ibinalik niya ang atensyon niya sa pag tingin sa mga ulap. Sa totoo lang ay iniisip niya ang mga kapatid niya at mga sisters. Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng lungkot dahil dumating na ang panahon na nahiwalay na siya sakanila. Magkahalo ang saya at lungkot na nararamdaman niya. Saya dahil excited siya at masaya dahil mayroon na siyang mga magulang. Malungkot dahil hindi niya na makakasama ang mga kapatid niya at kailangan niyanv mag adjust sa bagong environment niya.
Bata pa lamang si Carallel ay mulat na mulat na siya sa realidad at tanggap niya kung ano man ang mangyari sakanyang buhay.
"Anak, do you wanna sleep at your daddys shoulder? Baka mangalay ka jaan. " Nag take off na ang airplane na sinasakyan nila at nag simula na rin mahilo si Carallel.
"Ma, pwede po pabuhat na lang ako kay Papa? Takot po ako. " Hindi na kaya pang itago ni Carallel ang totoong nararamdaman niya dahil kanina pa talaga siya takot.
"Anak, hindi pwede yun but daddy will hug you. Is that fine with you? " Tumango naman si Carallel at umusog para rin yakapin si Brandon.
Sobrang saya ni Brandon dahil mayroon na siyang matatawag na "anak" Hindi sila nabibiyaan ng anak dahil may kumplikasyon ang kanyang asawa sa pagbubuntis kaya naman mas pinili na lamang nilang mag ampon dahil ayaw niyang mawala ang kanyang asawa.
Nang marinig nilang naghahanap sila ng potential parents para kay Carallel ay hindi sila nag dalawang isip at ngayon ay kasama na nila si Carallel.
Kinausap nila kagabi si Carallel kung gusto niya bang palitan ang kanyang pangalan ngunit ang sabi ng bata ay gusto niyang manatiling "Carallel Ellis" ang kanyang pangalan dahil iyon ang ipinangalan sakanya ng totoo niyang mga magulang at iyon na lamang ang natitirang ala-ala niya sa mga ito.
Nakatulog agad si Carallel Ellis sa balikat ni Brandon patuloy ang pag hahaplos niya sa buhok ng batang babae at hinalikan naman niya ang noo ng kanyang asawa. "Masaya na siya dahil kumpleto na ang kanyang pamilya."
Manghang-mangha si Carallel sa mga nakikita niya pagkatapos ng halos dalawang oras ay nakarating na sila sa Manila. First time niya rito at kada may nakikita siyang malalaking building ay tuwang-tuwa ang bata.
BINABASA MO ANG
Just The Feeling
Romance"Pagmamahal mo lang naman ang gusto kong maramdaman pero bakit pinagkakait mo pa!?" I feel so hopeless. They told me to never beg someone to love you. But here I am begging the man that I love to love me back. "Because we don't feel the same way. Yo...