Simula

566 13 0
                                    


"Ma? Maaari ba kong sumama kay tita? Papuntang palengke, mamimili lang ho sana kami ng mga gu-"

"Hindi pwede. Huwag na huwag kang lalabas kapag hindi naman kailangan."

Pinutol niya ang aking sasabihin. At may pinalidad sa kaniyang boses, habang nakatingin sa pa rin sa labas ng bahay.


Agad akong napatungo. Gaya ng aking inaasahan, walang pakialam sa aking nararamdaman.

"Bream! Tara na! Magkakaroon nanaman ng sayawan doon sa tapat ng palengke!" Masayang sigaw ni tita, habang papalapit sa aking puwesto. Agad akong napangiti pero  kalaunan ay nawala rin agad dahil sa tingin ni Mama.


"Stasy. Hindi siya sasama sayo." Malumanay na saad ni Mama kay Tita.

"Sasama siya sa akin. Ako naman kasama niya hindi ikaw." Sagot naman ni tita.

"Bakit ba nangingialam ka nanaman?"

"Ate Charm. Pamangkin ko siya. Minsan lang lumabas si Bream. Eskwelahan at bahay lang. Laging sunod sunuran pa sa mga utos mo. Kahit nga palengke di pa nakakapunta yan. Ano ka ba naman?
Ayaw mo pang magkaroon ng kaibigan ang anak mo. Anong buhay ang gusto mo sa anak mo?" Mahabang litanya ni Tita. Agad akong napatingin kay Mama dahil nanlilisik ang kanyang matang nakatingin sa akin.


"T-ta. H-hindi na-alang po ako sasama. Dito na lang po ako sa bahay." Nauutal kong saad habang nakayuko ang aking ulo.

"Ate! Ano ba? Parati ka nalang ganyan! Ang higpit higpit mo sa anak mo!" Galit na saad ni tita.

"Stasy. Wala kang pakialam. Umalis ka na. Huwag mong isama yan." Agad na umalis si Mama, pagkatapos niyang sabihin yun.

Tiningnan ako ni Tita, awa ang nakaukit sa kaniyang mukha. Agad ko siyang nginitian at dahan dahang kinaway ang aking mga kamay.

"Tita! Bilhan mo na lang po ako ng Sneakers! Ingat po kayo!"

Dahan dahan na akong tumakbo papunta sa banyo, hindi ko na kayang pigilan ang pa ang aking mga hikbi.


Ma? Bakit ganito?

Nakakapagod ng intindihan yang ugali mo, pero hindi ko magawang magalit sayo.

Pwede bang sabihin mo ang rason mo?


Nakakasawang umiyak.


Nakakapagod na.


Kaya ko pa ba?

Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon