Iniisip ko pa rin kung sino yung lalaki. Kilala niya kaya si Mama? O si Tita?
Pero grabe nalang yung reaksiyon niya ng makita ako.
Pangit ba ako?
Mukha bang nakakagulat itsura ko?
"SABIHIN MO NA!"
Napapitlag ako ng makarinig ako ng sigaw na nanggagaling sa kwarto ni Mama. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o mananatali nalang dito sa puwesto ko?
Nang makarinig ng kalabog ay hindi na ako nagdalawang isip na puntahan sila.
Nadatnan ko ang pagkaing nasa sahig, na kanina lang ay bitbit ko. Naka awang ang pinto sapat na para makita sila kung kaya't hindi nila napansin ang presensiya ko.
"Stasy. Sinasabi ko sayo. Huwag mo akong pangunahan." Matalim na saad ni Mama, makikita sa mukha niyang kaunti nalang ang pasensiya.
"At kapag sinabi ko? Wala ka ng magagawa. Tinutulungan lang kita. Nahihirapan din ako sa sitwasyon mo, Ate." Nanghihinang sambit ni Tita at dahan dahang inalis ang tingin kay Mama.
"Magbalot balot ka na ng gamit mo, Stasy. At hindi ko kailangan ng tulong mo."
"Ate? Pwede ba? Kahit ngayon lang? Ibaba mo naman yang pride mo." Maririnig ang sakit sa boses ni Tita.
Habang ako?
Naguguluhan.
Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag uusapan.
"Ate. Hayaan mo akong sabihin kay Bream. Kahit sa kaniya lang. Naaawa na ako sa kaniya."
"Ilang ulit ko pa bang sasabihin na hi-"
"Narinig ka niya kagabi. Hindi ko alam kung bakit pero umiiyak siya. Nang binuksan ko yung pinto ng kwarto ko nandito na siya sa tapat ng kwarto mo. Ate? Gustong gusto ka niyang tulungan pero pinipigilan niya yung sarili niya dahil sa trato mo sakaniya. Dahil kahit ano pang trato mo sa anak mo hindi pa rin maalis yung pag aalala at pagmamahal niya sayo. Habang ikaw? Wala ka ng ginawa kundi ang pagsalitaan siya ng masama, masasakit at pagkatapos ay itutulak mo palayo. May pakiramdam siya. Nasasaktan, kalinga lang ng Ina ang kailangan."
Nangilid ang luha ko.
Nakita ko ang gulat at sakit na rumehistro sa mukha ni Mama. Napaupo siya at nangatal ang kaniyang labi na para bang may sasabihin pero itinikom nalang.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita si tita.
"Ate. Napag isipan ko na, tama ka. Hindi dapat ako makialam. Aalis muna ako dito. Para ikaw na yung magsabi sa anak mo. Kailangan niyang malaman ang totoo. Hindi mo kailanman pwedeng itrato siya na parang wala lang. Hahayaan ko muna kayo." Pagkatapos sabihin ni tita ay niyakap niya si Mama at akmang aalis na ng magsalita si Mama.
"Maraming salamat. Stasy."
Agad tumango si tita at inayos na ang kalat sa sahig na agad namang dinaluhan ni Mama.
Hindi ko maioproseso ang mga narinig ko.
Alam kong masama ang makinig ng usapan ng iba pero hindi ko mapigilan ang sarili kong makinig sa usapan nila.
Naguguluhan man ay pumunta ako sa aking kwarto at inalala ang narinig na usapan.
Sasabihin ang totoo?
Anong totoo?
Tungkol ba sa tatay ko?
Ampon ba ko?
Agad akong napahawak sa aking ulo dahil sa pagkirot nito.
May bumukas ng aking pinto. Tiningnan ko ito at nakitang si Tita yun. Nakakunot ang kaniyang noo.
"Bream? Ayos ka lang?" Lumapit siya at agad akong hinawakan sa balikat. Ngumiti nalang ako para hindi na siya mag alala.
"Ah. Opo. May kailangan kayo?" Sagot ko.
"Sumama ka sa akin sa kwarto." Nginitian niya ako at hinila na ang aking kamay.
Nang makapasok sa kwarto ay agad niyang pinakita ang pulang bagahe.
"Tita? Aalis ka?" Kunwari ay nagulat ako.
"Oo pamangkin eh. Panahon na sigurong maghanap naman ako ng jowa." Seryoso niyang saad at nagsimula ng mag impake. Tumawa ako ng malakas at agad ko nalang siyang dinaluhan.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko? Aba! 25 years old palang ako, at may limang ex na gago kasama na doon si Natoy! Kung makatawa ka parang ang tanda tanda ko na!" Tiningan niya ako ng masama at umambang sasapakin ako.
Napailing nalang ako.
Nang matapos ko siyang tulungan ay aalis na sana ng may sinabi si tita.
Napatigil ako.
Agad akong nanginig at natakot.
"Bream. Alam kong nandoon ka kanina at nakikinig sa usapan namin ng Mama mo."
BINABASA MO ANG
Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)
Short StoryWala akong ideya kung bakit iba ang trato sa akin ng sarili kong Ina. At wala akong magawa para baguhin ito. Pagkamuhi niya agad ang natanggap ko simula ng magka-isip ako. At mas masakit makatanggap ng mga salitang kailanman ay hindi ko inaasahan na...