Dalawang buwan na ang nakalipas ng mamatay si Nanay. At sa dalawang buwan na yun ay hindi ko na alam ang gagawin para mahanap si Stasy. Kahit anong gawin namin ay hindi sapat para mahanap siya. Alalang alala ako."Bre-am. Baby!" Sigaw ni Bremour. Kasalukuyan namin siyang tinaguan ni Bream. Sinenyasan kong huwag maingay si Bream, agad siyang napahagikhik.
Napatili ako ng may sumigaw sa bandang tainga ko. Sinamaan ko ng tingin si Bremour habang tawa naman siya ng tawa at kinuha si Bream.
"Ang hilig niyong magtago." Naiiling niyang sambit. Agad naman akong sumunod sa mag-ama ko ng makabangga ako sa likod ni Bremour.
"Ano ba yan Bremour!" Sigaw ko sakaniya. Nang tingnan ko siya ay nakaawang ang kaniyang mga labi habang nanlaki ang matang nakatingin sa labas ng bahay. Napakunot ang noo ko dahil sa reaksiyon niya. Tiningnan ko ito at napahawak ako sa dibdib ng malakas itong tumibok.
Jusko!
"A-ate." Naluluha niyang sambit.
"STASY!" Agad akong lumapit sa puwesto niya at mahigpit siyang niyakap.
"Bumalik ka! Jusko!" Napasigaw ako dahil sa kagalakan.
"S-sor-ry." Umiyak siya ng malakas at gumanti ng yakap sa akin.
Pinapasok ko na siya sa bahay pero may tinitingnan siya sa likod niya. May nakita akong lalaki, maangas ang dating. At may hawak pang sigarilyo na walang sindi. Agad akong kinabahan ng ngumisi siya sa akin.
"Ate. Si Bernardo. Kaibigan ko. Siya ang tumulong sa akin ng wala akong matirahan." Napatingin ako kay Stasy. Tiningnan ko ulit ang lalaki, nakakakilabot ang pagngisi niya. Nakakabastos ang paghagod niya ng tingin sa katawan ko.
Nakaramdam ako ng kaba, napapitlag ako ng may umakbay sa akin.
"Charm. Pasok na sa loob." Matigas niyang sambit habang nakatingin sa lalaking kanina pang nakatingin sa akin.
Hindi nawala ang ngisi sa labi ng kaibigan ni Stasy.
"K-kuya. Kaibigan ko, si Bernardo." Pagpapakilala ni Stasy, agad naman tumango si Bremour.
"Salamat sa pagtulong kay Stasy." Sambit ko, habang nakatingin sa lalaki. Naramdaman ko ang paghihigpit ng hawak sa balikat ko ni Bremour.
"Walang anuman. Charm." Nangilabot ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Tumingin ako kay Stasy, ngumiti siya.
"Sta. Alis na ko. Bibisitahin nalang kita dito." Pagpapaalam ng kaibigan ni Stasy. Agad siyang tumingin sa akin.
"Nice to meet you, Charm." Nakapaplaster ang ngisi sa labi niya at dahan dahang tumalikod.
Nang tingnan ko si Stasy ay para siyang kinakabahan.
"Stasy. Pasok na sa loob. Nandoon si Bream." Nakangiti kong saad dahilan ng pagbaling niya sa akin.
Dahan dahan siyang naglakad habang sumunod kami ni Bremour.
"Huwag mong papapasukin yun, kapag wala ako." Nakatitiim bagang na sabi ni Bremour. Napatingin ako sa kaliwa niyang kamay na nakakuyom. Inabot ko ito at hinawakan.
"Oo naman, Bremour." Hinalikan niya ang noo ko.
Pumasok na kami sa Bahay, nadatnan naming nakayakap si Stasy sa pamangkin niya, habang may ngiti sa mga labi niya.
"Mag-usap kayo. Punta kami ni Bream sa kwarto." Napatango ako sa sinabi niya.
Dahan dahang nag-angat ng tingin si Stasy ng wala na sina Bremour.
"Ate. Sorry." Nangilid ang luha niya.
"Alam mo bang wala na si Nanay?" Malumanay kong saad. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya.
"Oo, A-ate." Napasinghap ako.
"Alam mo? Pero hindi ka manlang nagpakita? Kahit burol lang?" Pinipigilan kong magalit.
"A-ate. Sorry. Nadala lang ako sa emosiyon ko. Hindi ko lang matanggap na a-am-mpon a-ako." Tuluyan ng bumuhos ang luha niya.
"Stasy. Kahit kailan hindi ka namin trinatong iba. Mahal na mahal ka nina Nanay."
"S-sor-ry talaga ate." Umiyak siya ng umiyak, lumapit ako sakaniya at niyakap siya.
Makalipas ang ilang minuto, Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ate. Ipangako mong hangga't maaari huwag kang lalapit kay Bernardo."
BINABASA MO ANG
Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)
Kısa HikayeWala akong ideya kung bakit iba ang trato sa akin ng sarili kong Ina. At wala akong magawa para baguhin ito. Pagkamuhi niya agad ang natanggap ko simula ng magka-isip ako. At mas masakit makatanggap ng mga salitang kailanman ay hindi ko inaasahan na...