Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Tita at masakit sa akin na nakikita siyang ganito. Sanay akong makita siya sa pagiging masiyahin at palabiro, pero hindi ko nahanda ang aking sarili na makita siyang lumuluha, nasasaktan.
Niyakap ko agad si Tita na agad niya namang tinugunan.
"Hindi ko matanggap Bream. Kaya ang ginawa ko."
Pinahid niya ang mga luha niya at kumalas sa pagkakayakap sa akin.
"Naglayas ako."
"T-tita."
"Iniwan ko kayo. At yun ang desisyon na pinagsisihan ko sa tanang buhay ko." Namuo ulit ang kaniyang luha.
"Naging selfish ako. Hindi ko inalala na kahit ampon ako, hindi ko kailanman naramdaman yun. Na, naiparamdam nila Ate na kadugo nila ako, kapamilya nila ako. Dapat nagpasalamat nalang ako. Dapat hindi ako nagalit. Dapat--" hindi niya na natapos sabihin ang sasabihin niya dahil napatakip na siya ng kaniyang mukha at hindi na napigilan ang umiyak ng todo.
Awang awa ako kay Tita, hindi ko alam ang sasabihin ko. At hindi ko alam na may naranasan siyang ganito. Hindi ko alam ang gagawin para mapatahan siya.
Napatingin ako agad sa pinto ng aking kwarto ng pabalang itong nabukas. Si Mama, galit siya ng pumasok pero agad napalitan ng lungkot ng makitang umiiyak si Tita.
"Stasy. Tumahan ka na. Matagal ko ng sinabi sayo na, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan yun." Mukhang narinig lahat ni Mama ang sinabi ni Tita. Dahan dahang nag-angat ng paningin si Tita, punong puno ng luha ang kaniyang mukha.
"Ate Charm, hindi ko mapigilan. Gustong gusto kong lumuhod sainyo at humingi ng tawad dahil sa nangyari noon." Umiyak ulit si Tita at agad namang dinaluhan ni Mama.
"Stasy. Matagal na panahon na yun. At napatawad na kita." Hinagod ni Mama ang likod ni Tita, at niyakap ito.
Parang hindi si Mama ang kaharap ko. Sanay ako na laging malamig at matalim ang kaniyang tingin, pero ngayon iba. Lungkot, awa, galit. Mga nakikita kong emosiyon sa kaniya.
Inilipat niya ang tingin sa akin, malambot ang kaniyang ekspresiyon. Malayong malayo sa araw araw na nakikita ko. Iiwas ko na sana ang paningin ko ng magsalita si Tita.
"Ate Charm. Si Kuya Bremour? Nasaan siya? Hihingi ulit ako ng tawad."
Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Tita.
Bakit siya humihingi ng tawad kay Mama?
At kay P-papa?
"Stasy. Matagal ka ng humingi ng tawad sakaniya. At tinaggap niya na yun. At lalong lalo na hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil hindi ikaw ang may kasalanan." Mariing sambit ni Mama, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
"Huwag kang mamuhay sa nakaraan. Tapos na yun, nangyari na. Kahit humingi ka pa ng tawad wala ng m-mab-babag-go." Nanginig ang boses ni Mama. Malungkot niya akong tiningnan.
"Bream." Agad akong napatingin kay Tita.
"Stasy." Mariing sambit ni Mama habang umiiling.
Naguluhan ako sa inaakto nila.
May dapat pa ba akong malaman?
"D-dahil s-s-sa a-kin" putol putol na sabi ni Tita.
Nangunot ang noo ko.
Hindi ko maintindihan.
"A-ako ang dahilan. K-kung bakit i-ba ang t-rato sayo ni A-a-te."
"STASY!" galit na sigaw ni Mama.
"A-at ako rin ang d-dahilan kung bakit n-nahihirapan si A-ate." Umiyak ng malakas si Tita.
Agad pumasok sa isip ko ang minsang narinig ko, ang mga ungol ni Mama na parang hirap na hirap, mga ungol na huumihingi ng tulong.
Si T-tita Stasy ang may kasalanan?
Bakit?
Anong nangyari?
Agad akong napahawak sa ulo ko ng kumirot ito.
Masakit na parang mabibiyak na.
Nahihirapan akong huminga.
"BREAM!" Sigaw ni Mama ang narinig ko bago ako napapikit ng mariin at nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)
Short StoryWala akong ideya kung bakit iba ang trato sa akin ng sarili kong Ina. At wala akong magawa para baguhin ito. Pagkamuhi niya agad ang natanggap ko simula ng magka-isip ako. At mas masakit makatanggap ng mga salitang kailanman ay hindi ko inaasahan na...