Kapalit

108 6 4
                                    

Ilang araw ng hindi pumapasok sa trabaho si Bremour, dahil sa nangyari noong nakaraan. Naghire din siya ng mga bodyguard para masigurong ligtas kami. Kahit ako napaparanoid, sa simpleng kaluskos lang ay sinasabi ko kaagad kay Bremour.

"Kailangan ba talaga ako diyan?" Nakakunot ang noo ni Bremour habang nakatingin sa akin.

"Sige. Papunta na ako." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Charm, kailangan ako sa stasyon, may pinag-uutos ang hepe." Naiinis niyang sambit, hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya.

"Mour, ayos lang kami. May mga bodyguard naman na diba?" Nakangiti kong saad para mabawasan ang pagkunot ng noo niya.

"Mag-iingat pa rin kayo. Tawagan mo ako agad kapag may naramdaman kang kakaiba." Paalala niya, kaagad naman akong tumango.

Maghahapon na pero wala pa din si Bremour, nakatulog sa paglalaro si Bream habang katabi ko naman si Stasy.

"Ate. T-tumawag sa akin si Bernardo." Napabaling ang atensiyon ko sakaniya.

"Humihingi ng tawad dahil sa nangyari, wala daw siya sa sarili niya." naninimbang ang tingin niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Napalingon kami sa labas ng kumulog ng malakas at unti unting bumuhos ang ulan. Napabuntong hininga ako dahil wala pa si Bremour.

"Papasukin mo muna yung mga Bodyguard, Stasy." Agad naman siyang tumango at tumayo na.

Nagtaka ako dahil ilang minuto na ang nakalipas ng hindi pa bumabalik si Stasy. Dahan dahan kong nilapag si Bream sa sofa at nagtungo na sa labas.

"HINDI AKO PUMAYAG!" Sigaw ni Stasy ang nakapagpatigil sa akin.

"HUWAG NA HUWAG MONG IDADAMAY SILA ATE!" Agad akong nagtungo sa direksiyon ni Stasy, nakatalikod siya sa akin at kitang kita ko kung sino ang kausap niya. Nanlamig ako.

"Oh? Nandito na pala siya." Natulos ako sa aking puwesto. Napalingon sa akin si Stasy, nanlaki ang mata niya habang umiiling.

"A-ate, umalis ka na. Isama mo si B-bream." Napatili ng malakas si Stasy ng hilahin ni Bernardo ang buhok niya.

"Hi Charm, ikaw nga pala yung kapalit sa pagpapatuloy ko sa kapatid mo." Humalakhak siya habang mariing nakahawak sa buhok ni Stasy.

"Huwag mong saktan si Stasy. Bitawan mo siya." Galit ang namayani sa aking sistema.

"Palaban. Yan ang gusto ko." Binitawan niya na si Stasy, habang humakbang papalapit sa akin. Nakita kong tumayo si Stasy at tinulak si Bernardo.

"ATE TAKBO!" Napatakbo ako at kinuha ko agad si Bream, ng akmang aakyat na ako sa kwarto ay may humawak sa paa ko.

"Saan ka pupunta?" Nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. Para siyang demonyo. Sinipa ko ng malakas ang mukha niya dahilan ng pagkahulog niya sa hagdan.

"ATE DITO!" Nasa taas na si Stasy, tumakbo ako agad para ibigay sakaniya si Bream. Hinulog ko lahat ng gamit sa hagdan dahil tumayo si Bernardo.

Nang makapasok na kami sa kwarto ay dali dali ko itong nilock, kasabay noon ang pag-iyak ni Bream. Nakita kong pinapatahan ni Stasy, habang ako naman ay kinakabahang tinawagan si Bremour.

Bremour! Sagutin mo!

Nagring pero agad ding naputol ang linya. Tiningnan ko ang cellphone ko, patay na.

"Stasy? Asan cellphone mo?" Umiling siya

"Nasa baba ate." Napayakap ako sa tuhod ko.

Bremour, Umuwi ka na. Pakiusap.

"Anong nangyari sa mga Bodyguard, Stasy?" Apat na bodyguard ang kinuha ni Bremour kaya nagtaka ako kung bakit nakapasok pa ang tarantadong yun.

"P-patay na, Ate. Naabutan k-kong may hawak na patalim si Bernardo habang walang awang sinaksak ang mga bodyguard." Nanginginig na sambit niya.

Jusko!

Napatingin ako kay Bream ng makitang nakatingin sa akin, kinuha ko siya at walang tigil na hinalikan. Napatigil lang ako ng may marahas na kumatok sa pinto.

"Gusto niyo ng taguan ha?" Nasundan pa ng ngisi ng demonyo.

Nanginginig ako, pero tinatagan ko ang loob ko.

Pakiusap, Ang anak ko.

Napasigaw kami ni Stasy ng bumukas ito, may hawak na patalim si Bernardo habang nakangising nakatingin sa akin.

"Ikaw lang naman kailangan ko, Charm."

"Bernardo! Baliw ka na!" Sigaw ni Stasy, dahilan ng pagbaling sakaniya ng lalaki.

"Huwag ka ng makisali, Sta. Ate mo ang kapalit sa pagkupkop ko sayo." Nanginig ako.

Bakit ako? Anong ginawa ko?

"A-ate. Hindi ako pumayag, pero pinipilit niyang ikaw ang kapalit . Akala ko nagbibiro lang siya, kaya pinabayaan ko na." Nangilid ang luha ni Stasy. Hindi ko nilingon si Stasy.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" Mariin kong sambit.

Tumawa siya at hinagod ako ng tingin.

"Punta tayong langit, hindi ka magsisisi."

Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon