Wakas

185 6 5
                                    

Naliwanagan na ako.

Nakakahinga na ako ng maluwag.

Napangiti ako ng makitang nakahawak si Papa sa umbok ng tiyan ni Mama. Ang saya lang dahil yung pangambang matagal ko ng kasama ay tuluyang napalitan ng kasiyahan.

"Bream? Kailan ka magboboyfie?" Nagulat ako ng magsalita si Tita sa tabi ko. Napalingon si Papa sa direksiyon ko at mataman akong tiningnan, nginisihan ko siya. May naisip na kalokohan.

"Meron na Ta. Di lang nakakapunta dahil bantay sarado daw kasi ako." Namilog ang mata ni Tita habang hinampas ako ng malakas. Tumawa ako ng malakas ng sinamaan ako ng tingin ni Papa.

"Pakilala mo sa akin yan, Bream Angel." Kinabahan ako, seryoso talaga siya dahil tinawag niya ako sa buong pangalan ko.

"Pa! Joke lang!" Malakas akong tumawa pero hindi siya natinag. Napasimangot ako ng humalakhak si Tita sa tabi ko.

"Lagot ka. Papaluin ka ni Kuya." Pananakot ni Tita. Tumingin ako kay Mama na masama ring nakatingin sa akin.

"Ma! Biro lang! Wala naman akong boyfriend!" Pagtatanggol ko sa sarili ko. Nagkatinginan sila ni Papa at umiling iling pero kalaunan ay tumawa sila. Lumapit ako at niyakap sila, habang ang kaliwa kong kamay ay hinimas ang umbok na tiyan ni Mama. At napangiti ako ng maalala ang iyakang naganap sa pagitan namin.

"B-bream, Sorry. Alam kong hirap na hirap kang intindihin ang ugali ko. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi kita Mahal. Sising sisi ako dahil sa nangyari noon. Halos gabi gabi akong nagigising at tinatanong sa sarili na, Bakit ako? Bakit pati ang anak ko? Gustong gusto kitang yakapin pero wala akong lakas ng loob. Na kapag ayos na tayo, ay baka mayroon nanamang mangyari at hindi ko na mapapatawad ang sarili ko. Patawad sa mga masasakit na salitang naibato ko sayo. Patawad sa mga kilos kong nakakasakit sayo. Sana mapatawad mo ako." Umiyak ako, ito yung hinihintay kong pagkakataon. Ang paliwanag, para maliwanagan ako. At ang paghingi ng tawad na handa naman akong ibigay ang kapatawaran ko.

Niyakap ko si Mama, patuloy siyang humihingi ng tawad sa akin. Napatingin ako Kay Papa, nagpupunas ng luha habang nakatingin sa amin. Agad ko siyang sinenyasan na lumapit sa amin. Dahan dahan siyang lumapit at gayon na lamang ang gulat ko ng yumugyog ang kaniyang mga balikat.

Nag-iyakan kaming tatlo, hindi ko alam kung ilang minuto o oras pero nahimasmasan ako. Ako na ang kumalas ng yakap at nginitian silang pareho.

"Ma, inaamin ko. Nagalit ako sayo dahil hindi ko alam kung bakit hindi mo ako kayang samahan o ngitian man lang. Pero ng marinig ko lahat lahat sayo. Dapat inintindi kita, dapat inalala rin kita hindi puro nararamdaman ko. May pinagdaanan ka. At alam kong hirap na hirap ka. Ma, kahit hindi ka humingi ng tawad napatawad na kita. Na kahit itrato mo akong iba ay papatawarin pa rin kita. Dahil Nanay kita, ikaw ang nagbigay ng buhay sa akin. Kayo ni Papa." Tiningnan ko si Papa, namumula ang mata niya.

Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon