Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Stasy.
"B-bakit?" Naiusal ko nalang.
"Basta, Ate. Alam kong mabait siya pero napakamisteryoso niya masiyado. Kahit ako hindi komportable sakaniya."
"Wala naman akong dahilan para lapitan siya." Napangiti siya sa sinabi ko at niyakap ako ulit.
Masaya kaming naghapunan, panay ang tawanan namin sa hapag ng magsimulang magkuwento si Stasy ng mga karanasan niya. Napagkamalan daw siya na nagbebenta ng mga lotion, pabango at iba pa dahil sa bag na dala niya.
"At inis na inis ako sa mga matatandang ale ng sabihin nila sa akin na 'aba'y tumatalab talaga ang mga binebenta mo sa katawan mo, ang ganda ng kutis mo, pabili nga kami Ineng." Napairap pa siya na para bang ayaw niya ng pag-usapan yun.
"Bakit ba kasi yung bag na Personal Collection yung dinala mo?" Natatawang tanong ni Bremour dahilan ng pagtawa ko.
"Duh. Nagmamadali ako."
Napakagaan sa pakiramdam, bumalik na ang kapatid ko pero parang may panganib na nakaabang. Hindi ko matukoy pero yung kaba ko nandito.
Nasa kwarto na kami, handa ng matulog. Pinaki-usapan ako ni Stasy na kung pwede ay tabi sila ni Bream, agad naman akong pumayag dahil matagal niyang di nakasama ang pamangkin niya.
"Charm. Sundan na natin si Bream." Napabaling ako kay Bremour na kasalukuyang nakangisi habang nasa likod ko.
"Sundan mong mag-isa, ikaw nakaisip." Pairap kong sagot dahilan ng pagtawa niya. Hinila niya na ako sa tabi niya.
"Biro lang. Alam ko ang dinanas na hirap mo noong iniwan kita. At kahit hindi mo sabihin ay alam kong nahihirapan ka pa rin." Seryoso niyang saad, nalungkot ako bigla.
"Mour." Nanlaki ang mata niya, nabigla siguro dahil tinawag ko ulit siya ng pangalang iyon.
"Alam kong malalim ang dahilan ng pag-iwan mo sa akin at napatawad na kita roon. Bumabawi ka ngayon pero hindi pa rin maalis sa akin na hanggang kailan ka? Iiwan mo ba kami ulit?"
"C-charm pa-" pinutol ko na ang sasabihin niya.
"Huwag. Gaya nga ng sabi ko, napatawad na kita. At ang palaisipan lang sa akin kung bakit hindi mo masabi ang dahilan kung bakit mo ako iniwan." Mariing titig ko sakaniya.
"Kapag ayos na ang lahat, Pangako. Sasabihin ko sayo. Sa ngayon, hindi pa. Charm." Doble ang lungkot na naramdaman ko.
BINABASA MO ANG
Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)
Short StoryWala akong ideya kung bakit iba ang trato sa akin ng sarili kong Ina. At wala akong magawa para baguhin ito. Pagkamuhi niya agad ang natanggap ko simula ng magka-isip ako. At mas masakit makatanggap ng mga salitang kailanman ay hindi ko inaasahan na...