Anak lang

142 7 0
                                    

Simula pagkabata, hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit iba ang trato ni Mama sa akin.

Nakakainggit lang.

Yung ibang kagaya ko. Wala ring tatay pero yung mga Ina nila halos ibigay na yung lahat lahat para mapasaya lang sila.

Samantalang ako?

Nanlilimos ng pagmamahal at atensiyon sa sarili kong Ina.

Hindi ko kailanman tinanong si Mama kung bakit iba ang trato sa akin.

Kapag nagkakalakas ako ng loob na tanungin siya ay bigla bigla na lamang niya akong titingnan ng matalim.

"Ma, Bakit? Anong ginawa ko?"

Patuloy kong pinagmamasdan ang lumang litratong binigay sa akin ni Tita. Nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Muntik na akong mapasigaw ng makita ko si Mama na nakatayo at nakakunot ang noong nakatingin sa akin kaya agad kong nailagay ang litrato sa aking bulsa.

"M-ma. Ano pong kailangan niyo?" Kinakabahan kong tanong

Tumingin pa muna siya sa bulsa ko bago ako tiningan ng matalim.


"Tawag ka ng Tita mo. Kanina pa. Bingi ka ba?" Tinaasan niya ako ng kilay at umalis na.

Nakahinga ako ng maluwag at itinago na sa aparador ang litrato. Bumaba na ako para puntahan si tita


"Ta? Bakit po?" Agad kong tanong.


"Maupo ka. Nakapag isip ka na ba kung saan ka mag-aaral ng kolehiyo?" Ipinakita niya sa akin ang mga larawan ng mga paaralan.


"Sa ngayon, wala pa po. Hindi ko pa alam" pagsasabi ko ng totoo.

Tumingin si Tita sa likuran ko kaya lumingon rin ako.

Si Mama.


"Ate Charm. Saan mag-aaral ng kolehiyo si Bream?" Nagulat ako ng tanungin niya si Mama.

Tiningnan ako ni mama.

Naghihintay ako ng sagot niya ng umalis siya. Diretsong pumunta sa kusina ng walang sagot sa tanong ni Tita.

Napabuntong hininga ako.

Nagulat ako ng tumayo si Tita habang nanlilisik ang matang nakatingin kay Mama.



"Narinig mo ba yung tanong ko? O bingi ka na?" Mababakas ang iritasyon sa boses ni tita.

Tiningan lang siya ni Mama at binalik na ang atensiyon sa iniinom na tubig.


"Ano bang ipinuputok ng butsi mo? Ikaw na magdecide." Walang emosiyon niyang sambit.


"Wala ka bang plano talaga sa anak mo?"


"T-tita" naiusal ko nalang


"Wala. Buhay niya naman yan. Bahala na siya." Umalis siya at malamig pa muna akong tiningan bago siya nagpatuloy sa paglalakad.

Tiningan ako ni Tita at hinabol si Mama.


"Wala ka na ba talagang puso? Anak mo yan! Kaya nararapat lang na ikaw yung sumuporta at gumabay sa anak mo. Paano kapag umalis ako dito? Paano si Bream? Hahayaan mo lang? Sa panahong ito kailangan niya yang suporta mo! Pag aalaga mo! Hanggang kailan ka magiging ganyan sa anak mo?!" Rinig na rinig ko ang sigaw ni tita.

Biglang tumulo ang aking luha.


"Sino bang nagsabi na suportahan mo siya? Sino bang nagsabi na alagaan mo siya? Wala naman diba? Kagustuhan mo. Hindi kita pinilit. Hindi kita pinaki usapan"

Nanlambot ang aking tuhod sa narinig.


"Nag iisip ka ba? Anak mo yan!" Galit na sigaw ni Tita.


"Oo. Anak ko. Anak ko lang."

Napaangat ako ng tingin at saktong nakatingin sa akin si Mama.


"Kaya huwag mo ng ipilit yang kagustuhan mo, Stasy. Ikaw yung gumawa ikaw naman yung may gusto"

Ibinalik niya na ang tingin kay tita. At dahan dahang tumingin ulit sa mga mata ko.


"Pag-aalaga? Pagsuporta? Paggabay? Huwag ka ng umasa pa." Matagal bago niya inalis ang tingin niya sa akin at umalis na.

Bakit?


Bakit ang sakit?

Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon