Hindi

98 7 0
                                    

Siya yung lalaking nakaitim rin noong nakaraan!

Yung tumakbo agad pagkatapos akong makita!

Pero sino ba siya?

At bakit alam niya ang pangalan ko?

Biglang sumagi sa isip ko ang paraan ng pagtawag niya at ang pagtawag ng taong nasa ala-ala ko.

Bre-am.

Posible kayang?

Dahil sa kalituhan ay unti unti akong humakbang papunta sa lalaki. Hindi ko na pinansin ang presensiya ni Mama dahil sa may gusto akong malaman.

Hindi pa man ako nakakalapit ay agad na hinila ni Mama ang aking kamay at itinago sa kaniyang likod.

"Diba? Sinabi ko sayong huwag kang lalabas?" Nagtatagis ang bagang na saad ni Mama.

Bigla akong napatingin sakaniya. Galit ang mata pero mapapansin mo rin ang kaba. Napaiwas ako ng tingin sakaniya at itinuon nalang ito sa lalaking kanina pa nakamasid sa amin.

Ngumiti siya sa akin at nangilid ang kaniyang luha. Naputol lang ang aming tinginan ng biglang naglakad ng mabilis si Mama papunta sa lalaki at itinulak ito paalis, dahil na rin sa gulat ng lalaki ay bigla itong nabuwal sa puwesto dahilan para matumba ito, pero ang hindi inaasahan ni Mama ay pati siya masasama sa pagkatumba dahil nahila ng lalaki ang kamay niya.

Napatili si Mama, dahilan ng paglaki ng mata ko.

Shet. Tumitili rin si Mama?

"Punyeta ka Brem!" Nagulat ako ng pagsasapakin ni Mama yung lalaki at dahan dahang tumayo.

Brem?

Magkatunog ba pangalan namin ng lalaki o ako talaga yung minura ni Mama?

Humalakhak ang lalaki dahilan ng pagbaling ng tingin ko sakanila.

Matalim ang titig ni Mama sa lalaki habang tumatawa pa rin ito at dahan dahan na ring tumayo.

"Ikaw kasi. Ginulat mo ako." Tumingin ito kay Mama pero nakangisi pa rin.

Ay, sana ol.

Tita! Kailangan mo ng umuwi! Dapat mong makita ito!

Nawala ang ngisi ng lalaki ng tumingin ito sa baba at dahan dahang pinulot ang bagay  na tinitingnan.

Yung litratong hindi ibinalik sa akin ni Mama!

Pero sa kaniya naman yan. Kinuha lang ni Tita.

"Sabi mo sinunog mo na lahat ng gamit na may kaugnayan sa akin." Dahan dahan itong lumingon kay Mama at bahagyang nagulat pagkakita sa akin. Akala siguro nila wala na ako dito.

"Bream. Pasok sa loob." Mariing utos ni Mama. Napatingin siya sa hawak ko, yung Jacket. Kinuha niya iyo at itinapon sa mukha ng lalaki.

"Umalis ka na. Huwag ka ng babalik." Matapos sabihin yun ay hinila ako ni Mama papasok sa loob at dali daling isinara ang pinto. Hindi ko manlang nakita sa huling pagkakataon yung  lalaki.

"Diba malinaw na sinabi ko sayo na huwag kang lumabas?!" Napabaling ang tingin ko kay Mama. Madilim na madilim ang kaniyang mukha at mariin ang pagkakatitig sa akin.

"N-na-agugutom na po ako." Mahinang sambit kong nauutal habang nakatingin sa magkahawak kong kamay.

"Nasa kusina yung pagkain! Wala sa labas!" Pinipigilan niyang sumigaw pero kitang kita ang pagkapula ng kaniyang mukha.

Hindi ko magawang sagutin ang sinabi niya dahil tama siya. At takot ako. Sabi na, magagalit nanaman siya sa akin.

"Yung lalaki, Ma." Pagsisimula ko.

"Kalimutan mo na yun." Dahan dahan siyang naglakad para siguro makaalis na dahil ayaw masagot ang tanong ko.

"Siya ba yung dahilan kung bakit ganito ang trato mo sa akin?"

Napatigil siya. Hindi ako nilingon.

Ilang minuto ang nakalipas ng magsalita siya.

"Hindi." Tuluyan na siyang umalis, habang ako ay naguguluhan.

Hindi?




Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon