Pinakatitigan kong maigi ang litrato. Nakangiti silang pareho at may mga kislap sa kanilang mga mata.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Kailan ko kaya makikitang nakangiti si Mama?
Ilang beses ko ng tinitingnan ang litrato simula ng ibigay sa akin ni tita ang regalo niya. Pero hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Matutuwa ba?
Dahil sa wakas nakita ko na yung ama ko?Magagalit ba?
Dahil sa kaniya ganito na lang ako itrato ni Mama?Sa totoo lang, parang mas ayos na sana kung hindi ko siya nakita. Oo, ama ko siya pero may parte sa akin na gusto ko siyang makita lalo na't kapag tinatrato na ako ni mama na parang hindi niya anak. Gusto kong maramdaman manlang na may matatakbuhan kapag naiiyak na, at kapag masayang masaya.
Pero iyon ang pinagkait sa akin.
Wala na akong magagawa.
"Stasy. Pumasok ka ba sa kwarto ko?"
Napalingon ako sa puwesto ni Tita.
Nang tingnan ko naman si Mama ay nakakunot ang kaniyang noo at may bahid na inis sa kaniyang mga mukha.
"H-huh? Ano namang gagawin ko diyan sa kwarto mo? Duh?" Agad nag iwas ng tingin si Tita at kinagat pa ang kaniyang labi na para bang kinakabahan.
"Sigurado ka? Pakialamera ka pa naman."
Tinaasan ng kilay ni Mama si Tita at pumasok ulit sa kaniyang kwarto.
"Tita! Ano ng gagawin natin?" Agad kong tanong at dahan dahang pumunta sa kaniyang puwesto.
"Huwag kang mag alala pamangkin. Huwag mo lang ipakita sa kaniyang nasayo yung litrato. At patay tayong dalawa diyan kapag nagkataon." Humagikhik pa siya pagkatapos niyang sabihin yun.
"Ta. Paano kapag pumasok siya sa kwarto ko? Tapos makita niya?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.
"Bebe. Don't worry I got your back!" Tinaas taas niya pa ang kaniyang kilay at hinawakan niya pa ang likod ko.
"TITA NAMAN EH!"
"Ay pucha!"
Nanlaki ang mata niya sa biglaan kong pagsigaw at hawak hawak pa ang kaniyang dibdib. Nagulat talaga siya.
"Hoy pamangkin naman! Papatayin mo ba ako sa gulat?"
"Hala? Patay agad?"
"Chichay?!"
Napatakip pa ng bibig si Tita na parang tanga.
"Ta, ako lang to. Si Natoy na mahal na mahal ka" tumawa ako ng malakas dahil sa reaksyon ni tita. Para siyang maiiyak na ewan.
"Bebe? Alam mo bang may ex ako?" Nakatingin si tita sa malayo habang tinatanong ako.
"Ahm. Opo? Ata?" sagot ko.
"Di ka talaga nakikinig sa akin kapag nagkukwento ako." May halong tampo ng sabihin niya.
"E diba? May ex nga ako. Alam mo yung pangalan niya?"
"Ha? Pano ko naman malalaman pangalan niya? Ta?" Naguluhan kong tanong.
"Natoy. Yun yung pangalan niya. Kaya naiinis ako kapag naririnig ko yung 'Ako to si Natoy na mahal na mahal ka'"
Agad akong tumawa ng malakas dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nantitrip nanaman.
"Hoy pamangkin! Nakaka offend ka naman. Kung tumawa ka parang wala ng bukas ah? Saya ka?" Tiningnan niya ako na parang ang laki ng kasalanan ko.
"Ahm. Hindi naman po sa ganon tita. Akala ko kasi nagbibiro ka lang eh. Sayang benta pa naman" tumawa nanaman ako ng malakas pero sa pagkakataong yun ay hinampas na ako ni tita ng malakas.
"Tita! Aray ko naman!"
"Pamangkin. Seryoso nga kasi. Pero hayaan na natin yung gagong yun. Maliit naman yung kaniya" Naguluhan ako sa sinabi niya at unti unting nanlaki ang mata ko ng makuha ko yung sinabi niya.
"Tita!"
Humalakhak siya pagkatapos niyang makita ang reaksiyon ko.
"Tara na nga. Kakain na tayo. Tawagin mo na yung Ina mong pabebe"
Napailing na lang ako habang tinitingnan si tita na nagsisimula ng maghain sa hapag.
Dahan dahan na akong umakyat para tawagin si mama. Nang nasa tapat na ako ng kwarto niya ay agad kong inilapit ang aking tainga sa pinto.
Nakarinig ako ng kaluskos kaya agad kong inilayo ang aking tainga.
Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ko ulit idinikit yung tainga ko sa pinto.
Pero sa pagkakataong yun ay hindi na kaluskos ang aking narinig.
Mga hikbi.
Hikbi ng taong nangungulila.
BINABASA MO ANG
Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)
Short StoryWala akong ideya kung bakit iba ang trato sa akin ng sarili kong Ina. At wala akong magawa para baguhin ito. Pagkamuhi niya agad ang natanggap ko simula ng magka-isip ako. At mas masakit makatanggap ng mga salitang kailanman ay hindi ko inaasahan na...