Bre-am

104 6 0
                                    

Tumingin ako sa harap ng salamin ni Mama at dahan dahang pinunasan ang aking mga luha. Agad akong napangiwi ng kumalam ang aking sikmura.

Hindi pa ba ako kumakain?

Napatapik nalang ako sa aking ulo dahil sa nakaligtaan. Pinulot ko muna ang drawing na nahulog ko bago ako lumabas sa kwarto ni Mama.


Habang naglalakad ay pilit kong inalala ang sinabi ni Mama. Ano daw ang gagawin ko? Ang natandaan ko lang maliwanag eh.

Baka yung sinampay? Dahil maliwanag na?

Baka sira yung ilaw?

Mabilis kong kinurot ang aking kamay dahil sa katangahan. Dapat tinandaan ko muna yung sinabi niya. Baka magalit nanaman siya.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina, kung pwede lang ulitin yung nangyari.

Nadaanan kong bukas ang pinto ng kwarto ko kaya pumasok na muna ako at inayos ang higaan ko. Naalala ko yung litratong hawak ni Mama! Hindi niya ibinalik sa akin dala dala niya dahil sa pagmamadaling makaalis kanina.

Kanino kayang mga yabag yun? Posible bang kay Tita yun? Bakit naman sinarhan ni Mama? Magkagalit ba sila? Kaya papaalisin niya si Tita ulit? Agad akong napabuntong hininga. Mamimiss ko si Tita kapag nagkataon.



Napagdesisyunan ko ng lumabas dahil sa gutom na gutom na ko. Nang makababa ako ay wala akong naabutan.

Nasaan si Mama?

Pumunta nalang ako ng kusina at naghanap na ng makakakain. Habang kumakain ay inisip ko ang nangyari ngayong araw.


Nagkaroon ako ng lakas na tanungin si Mama.


Hindi ko alam kung paano pero natagpuan ko nalang ang sarili ko sa kwarto.

May mga ala-alang hindi malinaw.

At ang huli ay ang paghawak sa kamay, at pagtawag ng pangalan ko ni Mama.

Nakakastress.

Hindi ko malaman kung ano bang iisipin sa mga kaganapang nangyari ngayon.




Nang matapos kumain ay agad kong hinugasan ito at nagpunta na sa sala. Nakakita ako ng isang jacket na itim. Nangunot ang noo ko dahil wala namang lalaki dito at lalong lalo na walang ganyang jacket si Mama.

Kinuha ko ito para suriin, magandang klase. Mukhang mayaman ang may-ari, malayo man ay amoy na amoy ko ang pabango.

Panlalaki.

Namilog ang mata ko sa naisip.

Posible kayang may boyfriend si M-mama?

Kaya ba parang ayaw niyang makita ko kung kaninong yabag ang narinig kanina?



Hirap mang paniwalaan ay dahan dahan akong naglakad palabas. Nagbabakasakaling naroon pa ang may-ari ng jacket.

Tita! Naunahan ka pa ni Mama!

Nang malapit na ako sa labas ay nakarinig akong bulungan. Hindi muna ako dumiretso sa labas dahil sa pagkakuryuso.


"Umalis ka na."

Hindi ko masiyadong marinig ang sinasabi nila kaya lumapit pa ako lalo.


"Nakiki-usap ako sayo. Umalis ka na" boses ni Mama na parang takot na takot na mahuli.


"Hindi. Charm. Mananatili ako." Agad akong namangha sa boses na kausap ni Mama. Ang ganda ng boses niya. Parang ang gwapo.


"Ano pa bang gusto mo?" Mababakas ang lungkot sa boses ni Mama.


"Bumalik na kayo. Wala na siya." Mariing sagot naman nito.



Dahan dahan kong nilabas ang aking ulo para makita kung sino ang kausap ni Mama. Pero nanlaki ang aking mga mata ng makitang nakatingin ang lalaki sa banda ko.

Hindi ko alam kung magtatago ba ulit ako o lalabas na?

"Bre-am"

Napatingin ako sa lalaki ng sambitin niya ang pangalan ko.

Agad kong nakita ang pagbaling ng tingin ni Mama sa pwesto ko. Namutla siya pagkakita sa akin.

"Bre-am" ulit na sambit ng lalaki. Lumabas na ako at nakayukong nakatingin sa paa ko.

Pero napagpasiyahan kong tingnan ang lalaki, napagtanto kong parang pamilyar siya. Nakasuot ng itim na damit at itim na pantalon.


Namumukhaan ko na siya!

Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon