Bata

140 7 0
                                    

Natigilan ako.

Bahagyang nagulat sa narinig.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Aalis ba ko? O tatawagin ko siya?


Akmang kakatok na ako ng bilang bumukas bigla ang pinto.

Pareho kaming nagulat pero di nagtagal ay matalim niya akong tiningnan.


"Anong ginagawa mo dito?" Malamig niyang tanong sa akin.


"Ahm. A-ano p-po. Kakain na po." Nauutal kong sambit dahil sa kaba.


Tiningnan niya ako at dahan dahan niyang isinara ang pinto. Tinalikuran niya na ako at naglakad na papuntang hapag. Sumunod na ako habang iniisip ko pa rin ang aking narinig.


Guni guni ko lang ba yun?


Pero hindi naman mugto ang mga mata niya?

Pero parang namumula yung gilid ng mata niya?

Napabuntong hininga nalang ako.



"Pamangkin. Lalim ng iniisip ah? Pang ilang buntong hininga na yan?" Tinaasan ako ng kilay ni tita habang umiinom ng tubig.

Agad akong napatingin kay Mama ng tumingin siya ng diretso sa puwesto ko.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. At nginitian nalang si tita.



"Stasy. Talaga bang hindi ka pumasok sa kwarto ko?"


Nanlamig bigla ang aking kamay. Agad kong tiningnan si Tita na nanlalaki ang mga mata.


"H-huh? Hindi nga. Paulit ulit ka gurl?" Pilit na itinatago ni tita ang kaba niya. Habang nakatingin pa kay Mama.


"Bakit pinagpapawisan ka na riyan? Guilty ka?" Nangunot ang noo ni Mama habang tiningnan ang reaksiyon ni tita.


"D-duh? A-ang init init kaya." Pagpapalusot pa ni tita habang kagat kagat ang labi.


Inabutan ko siya ng panyo at dali dali niya namang kinuha ito.

Tumayo na si Mama at iniwan kami.


Nagulat ako ng may sumipa sa aking paa

Tiningnan ko si tita na parang natatae na.

Agad akong tumawa sa reaksiyon niya at dahan dahang pumunta sa puwesto niya.


"Ayos lang yan tita. Wala namang tao sa Cr. Ikaw na gumamit." Bulong ko sakaniya.

Mabilis akong tumakbo ng akmang hahampasin niya ako ng plato. Tatawa tawa ako ng makarating sa labas ng bahay.


Natigilan ako ng makita ko si Mama.

Nakatingin siya sa isang pamilya.

Isang batang karga ng ama at Isang ina na pilit inaabot ang mukha ng asawa.

Masaya sila. Masayang masaya.


Napatingin sa puwesto ko yung bata. At dahan dahang nanlaki ang mata ko.

Siya yung bata!


"Hi Ate!" Malakas niyang tawag sa akin. At dahan dahang itinaas ang kaliwang kamay.

Napatingin ang mag asawa sa puwesto ko na parang naguguluhan. Nang may sinabi yung bata sa kanila ay agad silang ngumiti sa akin.

Agad akong kumaway sa kaniya. Bumaba siya sa pagkakakarga sa ama niya. At sinenyasan akong lumapit sa kaniya.


"Ate! Musta po? Di ka na iyak ha? Para ganda ka na." Bumungisngis siya matapos niyang sabihin yun. Agad akong napangiti sa sinabi niya.


"Hala!"

Nagulat ako sa sigaw niya habang nakatingin sa puwesto ni Mama.


"Hi po! Parang nakita na po kita! Hala? Magkamukha kayo ni ate?!" Namilog pa ang kaniyang mga mata at itinuro si Mama.


Agad akong naguluhan.

Nakita niya?

Hindi naman lumalabas si Mama sa bahay.


Tiningnan ko si Mama.


Nakatingin siya sa bata.



"Alam niyo po. Si ate po. Umiiyak po siya nung nakita ko siya. Tas binigyan ko po siya ng panyo kasi po bad daw iyak sabi ni mama at dada. Di ko po alam kung sinong kaaway niya pero dapat po nandoon ka lang po sa tabi niya po. Ay alam ko na! Baka hindi ka nakita ni ate kaya po umiyak po siya. Dapat po huwag mo na po siyang iwan. Babye po. Love you ate. Huwag ka iyak ah?" Matapos niyang sabihin yun ay kumaway pa siya kay mama at sa akin. Tumakbo siya papunta sa mga mga magulang niya at kumaway ulit.


"Pakisara ng pinto." Malamig na sambit ni Mama at umalis na.


Napangiti na lang ako ng mapait.


Ano pa bang aasahan ko?

Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon