Ala-ala

114 8 0
                                    

"Bre-am! Baby!"

Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga dahil sa isang sigaw sa aking panaginip. Napalingon ako sa paligid ng nasa loob ako ng aking kwarto. Agad na kumirot ang aking ulo.

Napapansin ko ang madalas na pagkirot ng aking ulo. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kulang. Parang may nakaligtaan akong pangyayari na hindi ko alam kung ano.

Inalala ko ang nangyari kanina.


Hindi ba't nasa harap ako ni Mama? Hindi ko malaman kung bakit nandito na ako sa aking kwarto matapos ang nangyari kanina.

Ang huling natandaan ko bago matapos ang usapan namin ni Mama ay pagkirot ng aking ulo. Kaya bakit nandito ako sa aking kwarto? Baka nahimatay ako? Pero sino naman ang magbubuhat sa akin?

Imposibleng binuhat ako ni Mama. At imposible ring nagtawag siya ng tulong sa kapitbahay. Hinding hindi gagawin ni Mama yun.


Napapikit ako ng may ala alang pumasok sa aking isipan.

Karga ng isang lalaki ang isang batang babae habang nakangiti siya sa isang babae. Nilingon niya ang batang babae at hinalikan sa pisngi.

Saktong pagdilat ko ay tumama agad ang paningin sa aking harapan. Nangunot ang noo ko dahil nandoon ang aking litrato noong graduation. Sa pagkaka alam ko ay nakasabit ito sa pader.



Napahawak ulit ako sa aking ulo ng isa nanamang ala-ala ang agad na nagpakita.


"Bre-am! Baby!" Tawag ng isang lalaki. Habang ang batang babae naman ay hawak ng isang babae na sinisenyasan na huwag maingay. Agad napasigaw ang babae dahil sa pagsulpot ng lalaki. Tumawa ang lalaki at inakbayan ito.

"Ang hilig niyong magtago."


Hindi malinaw ang kanilang mga mukha pero hindi ako tanga para hindi malamang ako yung batang babae. At hula ko'y si Mama ang babae, dahil sa mga mata niya. Kumikislap ito habang tumatawang nakatingin sa lalaki.

Posible kayang Tatay ko yung lalaki?


Agad akong pumunta sa aparador para kunin ang litratong bigay sa akin ni Tita.


Tiningnan ko ito at nagulat ako dahil hawig ang kaniyang mga labi sa lalaking nasa ala-ala ko. Iniisip ko palang na siya yung Ama ko ay lumalakas ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung kaba o pagkatuwa ito.


Napagpasiyahan kong lumabas dahil gabi na rin, kumakalam na ang aking sikmura. Nang mapatingin ako sa kwarto ni Mama parang may nag uudyok na katukin ko siya at yayaing kumain. Abo't abo't ang kaba ko ng kumatok ako sa kaniyang pinto. Nakailang katok na ako pero walang sumasagot, huminga ako ng malalamim at dahan dahang binuksan ang pinto.

Agad akong nagtaka ng wala si Mama. Iginala ko nalang ang aking paningin ng mahagip ang isang drawing na nakapatong sa kama ni Mama. Nilapitan ko agad ito.


Ito yung nakita ko noong nakaraan. Drawing ng isang lalaki!


Tiningnan ko ng mabuti, pamilyar ang kaniyang ngiti parang nakita ko na.



Agad namilog ang aking mata ng mapagtantong kahawig niya yung lalaking nasa ala-ala ko! Hawak ko pa rin ang litratong binigay ni tita noong graduation, dahan dahan kong inangat ito at itinapat sa drawing.

Namangha ako. Siya nga! Maaaring may kabataan pa siya sa drawing pero siya itong kasama ni Mama sa litrato, parehong pareho ang kanilang ngiti.

Ang aking Ama.

Pinakatitigan ko pa ito at dahan dahang umupo sa kama ni Mama.



"Anong ginagawa mo dito?"


Nanlamig ako. Natulos ako sa aking puwesto. Gusto ko mang lumingon ay pinangungunahan ako ng takot.

Si Mama.

Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon