Graduation Gift

221 10 0
                                    

Napaharap ako sa pinto ng aking kwarto ng makarinig ng mahinang katok.


"Bream. Si Tita mo to. Ready ka na ba?"


Agad akong napangiti ng mapait. Wala akong aasahan kundi si tita lang. Kinalma ko muna ang aking sarili bago lumabas.


"Tara na po Tita." Aya ko sa kaniya ng makitang ready na siya.


"Ang ganda naman ng pamangkin ko!"


"Ta, nakakahiya. Mas maganda ka pa sa akin" sagot ko naman.


"Hala pamangkin! Di ka pa ba nasasanay? Araw araw mo na tong nakikita. Kahit hindi mo sabihin alam ko na yun" tumawa siya pagkatapos niyang sabihin yun.

Agad gumaan ang aking pakiramdam.

Salamat tita.



Papalabas na kami nang matanaw ko si Mama, nakatingin sa amin.

Nang mapansin ko yun ay agad niyang iniwas ang tingin at dali daling umalis sa pwesto.


Napabuntong hininga na lamang ako.



"AVLESA, BREAM ANGEL,
OUR BATCH VALEDICTORIAN"

Naglakad na ako papuntang entablado at pinipilit na ngumiti.


Nahagip ng aking paningin si tita na
nagpupunas ng luha pero nakangiti.
Habang dahan dahan siyang naglalakad sa aking puwesto.



Isinabit na sa akin ang medalya at pilit na ngumiti sa mga kumukuha ng litrato.


"Magandang Araw sainyo! Sa wakas!
Natapos na natin ang High School!
Alam ko na ang iba sa atin ay hindi pa handa sa susunod na kabanata. Pero ano bang pinagkaiba? Harapin nalang natin ang mga pagsubok sa buhay, huwag kalilimutang ngumiti at laging magpasalamat sa mga taong nagmamahal sainyo. Good luck to our next journey! Happy Graduation Guys!"


Nagsigawan ang lahat, nagkakagulo na.

Habang ako nakamasid lang sa kanila at

Hindi magawang magsaya.

Naiinggit ako.

Yan ang aking nararamdaman habang nakatingin sa kanila.


Ang saya nila, para bang walang problemang dinadala.

Masuwerte sila.
Kasama nila ang kanilang pamilya.

Habang ako?

May Ina nga, pero kung itrato ako parang hindi kanya.

Napahawak sa aking mga pisngi.

Luha.

Parati mo nalang akong dinadamayan.



Agad na may humarang na panyo sa aking paningin. Napakunot ang aking noo.


Isang batang lalaki.


"Ate. Bad iyak. Dapat po happy lang ikaw. Sabi ni Mama at Dada smile daw palagi ganito po" Ngumiti siya sa akin at sinubukang hawakan ang aking mukha gamit ang kaniyang mga maliliit na kamay at pinipilit hawakan ang magkabilang gilid ng aking mga labi.


"Ganyan po ate. Babye po. Love you po!"


Agad na siyang tumakbo sa kinaroroonan ng pamilya niya. At sa huling sandali ay kinaway niya ang kaniyang mga kamay at nagflying kiss pa.

Tiningnan ko ang panyong binigay niya at dahan dahan kong ipinunas sa aking mga luha.

Agad akong napangiti.


Maraming salamat bata.




"Hay! Bream! Pasensiya na. May kinausap lang ako doon. Tara na at alam kong gutom ka na!" Sigaw ni tita sa akin.

Pumunta kami sa isang mamahaling restaurant. Si tita ang pumili dahil graduation ko daw.


"Ay pamangkin! May gift ako sayo! Congratulations!" Niyakap niya ako habang inaabot ang regalo sa akin.

"Salamat po. Hindi ka na dapat nag abala pa."

"Ano ka ba? Favorite kitang pamangkin kaya may gift ako." tumawa siya ng malakas.

Dahan dahan kong binuksan ang regalo, Isang notebook na maliit at mayroong litrato ko sa harapan simula baby ako hanggang ngayon.

Inilipat ko ang pahina ng dahan dahan, at nanlaki ang aking mga mata sa gulat.

Isang lumang litrato ng dalawang tao.


Si Mama.

Hindi ko kailanman nakita ang kasama niya sa litrato.


Tiningin ko si Tita, nakangiti siya at nangingilid ang mga luha.


"Kinuha ko yan sa gamit ni Ate. Bahala na kung magalit nanaman siya. Basta ang mahalaga makita mo man lang siya kahit sa litrato lang."

Ang dahilan kung bakit para akong itrato ni mama na parang basura.

Ang aking ama.

Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon