Bisita

95 7 2
                                    

Kumakain na kami ng hapunan pero hindi pa rin kinikibo ni Mama si Tita.

"Ate. Ba't ayaw mo akong pansinin?" Nakangusong tanong ni Tita kay Mama.

"Ang pangit mo." Sa ilang subok na tanong ni Tita yan ang tanging sagot ni Mama.

Pinigilan kong humalakhak ng makita ang namumulang itsura ni Tita na parang iritang irita sa sinabi ni Mama.

"Wow? Coming from you? Mas pangit ka kaya sabi ni Nanay sa akin." May hinanakit sa tono ni Tita habang masama ang tingin kay Mama.

"Alam mo namang sinungaling si Nanay. Nagpapaniwala ka masiyado." Hindi pa rin tinatapunan ng tingin ni Mama si Tita.

Hindi ko na magawang pigilan pa ang halakhak ko ng makitang naiiyak na si Tita.

"Pati ikaw? Pinagtatawanan mo na rin ako!" Masama ang tingin niya sa akin habang nakaturo pa sa akin ang tinidor niya.

"Pinagtutulungan niyo akong mag-ina!" Padabog na umalis si Tita sa hapag at nagmartsa na papuntang sala.

Agad akong tumawa ng malakas sa inakto niya. Para siyang batang hindin nabilihan ng lollipop. Nawala lang ang ngiti ko ng makitang nakatitig sa akin si Mama. Tinuon ko nalang ang atensiyon sa aking pagkain.

Tumayo na si Mama at sumunod na rin ako, Nang matapos magligpit ng kinainan ay nadatnan ko si Tita, nakanguso habang nakatutok ang mata sa cellphone.

"Tita? Comeback kayo ni Natoy?"

Nabitawan niya ang cellphone dahil sa gulat kaya napatingin ito sa akin ng masama.

"Papatayin mo talaga ako sa gulat? Ano?" Nakahawak pa siya sa dibdib niya at kinuha na ang cellphone. Nakita kong may tumatawag, Agad akong tumawa ng malakas ng "Natoy Gago" ang nakapangalan.

"Yie. Baby comeback" Sinamaan niya ako ng tingin. Hindi niya sinagot ang tawag at pinatay na ang cellphone.

"Tumahimik ka diyan pamangkin. Naiinis pa rin ako sayo." Hindi niya ako nilingon habang nanonood siya sa Telebisiyon.

Akmang sasagot na ako ng biglang may kumatok sa pinto. Nakatinginan kami ni Tita, hahakbang na sana ako pero pinipigilan ako ni Tita.

"Ako na, Bream." Napatango nalang ako at pinagmamasdan si Tita.

Nang mabuksan niya na ang pinto ay agad kong nakita ang panlalaki ng mga mata niya. Para siyang nakakita ng multo, nakaawang pa rin ang labi niya.

Dahan dahan na akong lumapit sa puwesto niya, hindi pa rin maalis ang tingin niya sa kumatok.

"ATE CHARM!" Napahinto ako sa paglalakad ng sumigaw si Tita. Dali dali namang lumapit si Mama, hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala.

"Ano ba yan Stasy. Bakit sumisigaw ka?" Naiinis na tanong ni Mama pero lumapit pa rin siya.

"May bisita tayo." Hindi rin nakagalaw si Mama ng makita kung sino ang kumatok. Agad siyang napabaling sa puwesto ko.

"Kuya Bremour." Mahinang sambit ni Tita pero sapat na para marinig ko.

Sino raw?

Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon