Trahedya

125 5 0
                                    

Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinila niya ako ng marahas habang mahigpit naman ang pagkakayakap ko kay Bream.

"Hayop ka! Ang baboy mo! Demonyo!" Sigaw ng sigaw si Stasy habang pilit niyang inaabot ang kamay ko.

Napasinghap ako ng sampalin ng malakas ni Bernardo si Stasy, napaigik ang kapatid ko dahil nakatama siya sa mesa. Hindi ko alam kung bakit pero parang namanhid ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Nagising lang ako ng tuluyan ng umiyak si Bream. Pilit siyang hinihila ni Bernardo.

"Walang hiya ka!" Agad ko siyang sinipa ng malakas kaya nawalan siya ng balanse at napaupo siya.

"Stasy. Lumayo na kayo ni Bream. Ako ng bahala dito." Pinuntahan ko si Stasy na namumutla at agad ibinigay sakaniya si Bream.

"A-ate p-paano ka?" Hindi ko na nasagot si Stasy ng may humila sa buhok ko. Kahit nasasaktan ay pilit akong naghahanap ng bagay na pwedeng panlaban sakaniya. Nakita ko ang patalim na malapit sa kama.

"Stasy! Umalis na kayo! Humingi ka ng tulong!" Malakas kong sigaw dahil naaawa na ako sa anak ko. Palakas ng palakas ang iyak niya.

Patawad, Bream. Anak.

Tinulak ako ni Bernardo sa kama at nakita ko ang ngisi niyang nakakasuka.

"Matitikman rin kita." Humalakhak siya at nagsimulang maghubad. Kinuha ko ang pagkakataong yun na kunin ang patalim na nasa ibaba ng kama at itinutok sakaniya.

"Sige! Subukan mong lumapit." Banta ko sakaniya, nakitaan ko ng gulat ang mga mata niya pero napalitan din ng ngisi kalaunan. Humakbang siya papalapit, nataranta ako kaya sinalubong ko siya. Napahinto siya.

"Palaban ka talaga. Wala namang patutunguhan yan. Magiging akin ka rin ngayong gabi, Charm." Nagsimula ulit siyang humakbang kaya walang pag-aalinlangan kong natusok ang braso niya. Nagulat ako, nabitawan ko ang patalim.

Nanlilisik ang mata niya, walang sinayang na sandali kinuha niya ang patalim. Nang handa na akong tumakbo, ay nakalapit agad siya sa akin, Hindi ininda ang sugat na ako ang may gawa.

"Nagtitimpi ako kanina pa, at nauubos na ang pasensiya ko." Natulak niya ulit ako sa kama at mabilis niyang pinatungan.

"Pakiusap!"

"Huwag!"

"Tulong!"

Tila bingi sa mga sinasabi ko, nahubad niya na ang saplot niya at napasigaw ako ng sirain niya ang damit ko.

"Huwag!" Nakangisi siya habang nakatingin sa mukha ko.

"Ang ganda mo talaga, napakaswerte ng kapatid ko." Naguluhan man sa sinabi niya ay inipon ko lahat ng lakas ko para itulak siya, pero walang nangyari. Pilit niya akong hinahalikan pero iwas na iwas ako.

Nandidiri ako.

Hindi ko lubos maisip na nangyayari ito sa akin.

Sinampal ko siya ng malakas ng pakawalan niya ang kamay ko, nahulog siya sa kama. Wala akong sinayang na oras, kinuha ko ang patalim at tumakbo na palabas. Hindi na nag abalang humanap pa ng damit dahil suot pa ang panloob ko, tanging damit lang ang sinira ng demonyo.

Nakita ko si Stasy sa labas tila aligaga, ng makita ako ay agad niya akong nilapitan.

"A-ate. Natawagan ko na si Kuya." Umiiyak na sabi niya. Agad akong napahinga ng maluwag pero nangunot ang noo ko ng hindi ko makita si Bream.

"Nasaan si Bream?"

"A-ate. K-kasi, habang hinahanap ko yung cellphone ko i-ini-iwan ko siya sa sofa, nawala sa isip ko. Hinanap ko siya, akala ko nakalabas kaya nandito ako." Napapikit ako ng mariin.

Jusko. Ang anak ko.

Napatigil kami ng makarinig ng iyak.

Si Bream!

Pumasok ulit kami sa bahay, ramdam kong nakasunod si Stasy.

"Kawawa naman ang anak mo. Iniwan niyo siya." Karga niya si Bream na lumalakas ang iyak.

"Huwag mong idamay ang bata. Pakawalan mo siya." Mariin kong sambit, hawak ko ng mariin ang patalim.

"Hindi ko sana idadamay ang anak mo kung pumayag ka lang sa gusto ko" Tumawa siya. Nakakainsulto.

"Hinding hindi ak--" napatigil ako sa pagsasalita ng makarinig ng putok ng baril.

Pati si Bernardo ay nagulat kaya tinakbo ko ang distansiya para kunin ang anak ko. Tila natauhan siya dahil nabitawan niya si Bream, tatakbo na sana ako  ng mahawakan niya ang buhok ko.

"BREAM TAKBO!" naisigaw ko nalang sa anak ko. Kumilos na si Stasy, at agad niyang kinuha ang anak ko.

Kinuha ni Bernardo ang patalim na hawak ko at itinutok ito sa leeg ko.

"Kung sumunod ka lang sa gusto ko, walang magaganap na sakitan."

"Huwag! Paki-usap!"

"Parang awa mo na!"

Sa pagkakataong ito, umiyak na ako.

Bakit nangyayari sa amin ito?

Napatigil kaming pareho ng may mga nakatutok na pulang ilaw sa buong katawan ni Bernardo. Agad akong humarap sakaniya at tinuhod ang pagkalalaki niya.
Namimilipit siya sa sakit kaya tumakbo na ako agad.

Ang anak ko, kailangan ko siyang makita.

Hindi pa man ako nakakalapit sa pinto ay nakarinig ako ng sunod na sunod na putok.
Napaiyak ako.

Pakiusap. Tigil na.

Umiyak ako ng malakas, ng wala ng putukang narinig ay nakarinig ako ng yabag. Agad akong kinabahan, tatayo na sana ako ng naramdaman kong may pumatong na bagay sa katawan ko.

"P-p-pata-awad, Ch-harm." Nanghina ako. Umiiyak siya. Nag-angat ako ng paningin.

Si Bremour.

Akmang hahawakan niya ako ng agad akong lumayo sa kaniya, nanginginig ako at tila'y walang naramdaman.

Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ang trahedyang ito.

Sana panaginip nalang ang lahat.

"CHARM!" Huli kong narinig bago nawalan ng ulirat.


Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon