Tita

98 6 0
                                    

Palaisipan pa rin sa akin ang isinagot ni Mama.

Hindi?

Kung hindi yung lalaki ang dahilan, Sino?

Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin mawala wala ang isinagot ni Mama. Sa loob ng tatlong araw ay hindi ko magawang tanungin ulit si Mama. Kapag kakain kami mauuna siya, minsan naman ay kapag nakikitang ako kumakain na, ay basta basta nalang siyang aalis.

Napabuntong hininga ako.

Namimiss ko na si Tita. Wala akong makakwentuhan. Alangan namang si Mama? Eh galit na nanaman sa akin.

Naputol lang ang pag-iisip ko ng may kumatok sa aming pinto, dahil kasalukuyan akong nasa sala habang nanonood. Tiningnan ko pa muna ang direksiyon ng kwarto ni Mama dahil baka narinig niya, pero wala siya.

Agad na akong tumayo para tingnan kung sino ang kumakatok. Nang buksan ko na ito, ay bahagya akong nainis.

Wala namang tao.

Akmang isasara ko na ang pinto ng biglang may humila sa kamay ko. Napatili ako dahil sa gulat, Hindi ko rin makita kung sino ang nasa likod nito.

Nanginginig na ako sa takot.

Nangingilid na ang luha ko.

"Huwag! Paki-usap!"

"Bream! Takbo!"

"Huwag!"

Bigla akong nanghina. Napahawak ako sa aking ulo ng bahagya itong kumirot.

"Huwag! Parang awa mo na!"

"BREAM!"

Napariin na ang hawak ko sa aking ulo ng pumasok ang mga pangyayaring ngayon ko lang nakita. Malabo, hindi ko alam kung sino sino ang sumisigaw.

"BREAM!"

Napadilat ako ng aking mga mata, habol ko ang aking paghinga ng mag-angat ako ng paningin.

Si Tita.

Agad akong napatakbo sakaniya at niyakap siya. Umiiyak ako, hindi ko alam kung dahil ba sa mga ala-ala o sa pagbabalik ni tita.

"Anong nangyari Bream?" Mababakas ang pag-aalala niya sa boses.

Hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sakaniya at tiningnan ko ang paligid.

Maliwanag.

May mga tao sa labas.

Hindi tulad ng nasa ala-ala ko.

Madilim.

At tanging mga sigaw lang ang maririnig.

"Bream, nagulat ba kita?" Nag-aalalang tanong ni Tita ng hindi ko pa rin siya magawang sagutin.

"Gusto lang naman kitang sorpresahin, nagtago ako. At hinila ko bigla yung kamay mo ng isasara mo na ang pinto. Pero akala ko matutuwa ka, kabaliktaran ang nasaksihan ko. Nanginginig ka, para bang takot na takot ka, habang nakahawak ka pa sa ulo mo." Mahabang paliwanag ni Tita.

Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap sakaniya, at bahagya ng kumalma.

"May nangyari ba?" Punong puno ng pag-aalala ang mababakas sa mukha niya habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking mga balikat.

"T-ta." Naiusal ko nalang.

Niyakap niya ako habang hinahagod pa ang aking likod na para bang huwag akong matakot.

"Bream, nandito na ako. Hindi na ako aalis. At badtrip ako, kasi nakita ko si Natoy."

Agad akong napangiti sa sinabi niya at kumalas na sa yakap. Nakita ko ang pagsilip ng ngiti sa mga labi ni tita.

"Alam mo pamangkin, nakakagigil. Dahil sa dami dami ng ex ko siya pa yung nakita ko." Nanggigigil na sambit ni tita.

Agad naman akong tumawa. Nawala bigla ang mga ala-alang kanina lang nagpakita.

"Tita, Destiny tawag diyan." Tiningnan ko ang reaksiyon niya na parang nasusuka. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Alam mo pamangkin, ang sarap tapikin ng bunganga mo minsan." Napatawa na ako ng malakas at pinunansan ang mga natirang luha kanina.

"Wala ba kayong planong pumasok sa loob?" Natigil ang aming tawanan ng biglang may nagsalita galing sa bahay.

Si Mama.

Nakitaan ng pagka-irita ang kaniyang mukha. Habang nakatingin sa mga kamay ni Titang nakahawak sa balikat ko.

"Hi Ate, I'm back!" Masiglang bati ni Tita kay Mama, pero agad na tumalikod si Mama.

"Anong problema nun?" Bubulong bulong na sambit ni Tita. Habang ako nakatingin pa rin sa papalayong bulto ni Mama.

Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon