JOAQUIN's POV
"Bro sorry late ako!"-ako-
Nakita ko si Shar na nasa may pinto na nila.
Intrams namin ngayon! Yehey! Nakakaexcite.
Pagdating namin sa may gate ay nakita na namin ang barkada.
"Shar! Manonood ka ng game mamaya diba?"-Nash-
"Oo naman! Susuportahan ko kayong lima! May banner pa nga ako e!"-Shar-
Napangiti ako ng itaas nya yung banner nya. Ang cute talaga ni Shar.
Buhat ko ang bag ni Shar at sabay kami naglalakad. Parang may kakaiba kay Shar. Kasi titignan nya ako minsan tas pag tumingin ako, naiwas naman sya ng tingin. Weird!
SHAR'S POV
Bakiy ba ganito? May gusto na nga ba ako kay Joaquin? Pero bestfriend ko sya e!
Game time na! Nakapwesto ako sa bleachers kasama ang ibang kasection namin.
"Go Gimme 5!"-ako-
Todo cheer ako, mga friends ko e!
Nang magbreak ay nakita ko si Mika na nandun sa may bench!
Parang nawasak ang puso ko sa nakita ko. Pinunasan ni Mika yung pawis ni Joaquin! Nagseselos ako! Sobra!
Gusto ko na sana umalis ng may biglang tumugtog sa court.
~Ngiti- Ronnie Liang~
Biglang lumapit sakin yung mga players at binigyan nila ako ng red roses! Anong meron?
Pagkatapos nila akong bigyan ay bumalik sila sa court at pumwesto na nakaheart- shaped.
Nasa gitna si Nash! Kumakanta! Ano ba talaga nangyayari?!
Pagkatapos kumanta ni Nash ay lumapit sya sakin. Nahawi yung mga tao sa paligid namin.
Lumuhod si Nash! Grabe, ang bilis ng tibok ng puso ko!
"Shar! Will you be my gf?"-Nash-
Biglang nang- asaran yung mga tao sa court. Nagtitilian sila sa kilig.
Natataranta ako! Ano ba isasagot ko? Diba gusto ko naman si Nash?
Napatingin ako kay Joaquin, hindi sya nakatingin samin! Nakangiti nyang kausap ni Mika!
Sobrang nagselos ako! Napatingin naman ako kay Nash.
Nakangiti sya at hinihintay ang sagot ko.
Ngumiti ako at hinarap sya! Si Nash naman talaga gusto ko nung una pa lang diba?
"Yes!"-ako-
Lalo nang- asar yung mga tao sa court! Ang ingay grabe!
Pagkatapos nung ganap na yun ay nagpatuloy yung game at nanalo kami!
MVP si Nash kaya nagspeech sya!
"I dedicate this game to my girlfriend, Sharlene San Pedro!"-Nash-
Pumunta naman ako sa may court, pinagtutulakan na din ako ng mga kaklase namin e.
Masaya ba ako sa mga nangyayari? Ewan ko naguguluhan ako!
JOAQUIN's POV
Kasama ako ni Nash ng planuhin namin ang pag- amin nya kay Shar.
Bakit ganun? Bakit ako nagseselos? Gusto ko naman na sumaya si Shar diba?
Hindi ko sya kayang tingnan habang nangyayari yung kanina kaya inentertain ko na lang si Mika.
At ng mag YES si Shar! Parang dinurog ang puso ko!

BINABASA MO ANG
SharQuin Love Story
Ficção AdolescenteSharlene San Pedro and Joaquin Red Reyes fan fiction! May bonus na NASHLENE! :) Gimme 5 din! :)