Chapter 25.

1K 50 0
                                    

JOAQUIN'S POV

Naiinis ako kapag sinasabi o pinapahiwatig ni Shar na malapit na syang mamatay.

Nasa may balcony ako ngayon at nagaalis ng pagkabadtrip. Dumating bigla si Shar.

"Anong problema mo? Bakit ka nag walk out?"-Shar-

Seryoso pa rin ako.

"Alam kong alam mo kung bakit."-ako-

"Sorry po!"-Shar-

"Ayan ka na naman Shar. Dinadaan mo na naman ako dyan kasi alam mong di kita matiis pero paulit ulit mo namang ginagawa."-ako-

Yumuko sya.

"Sorry na talaga! Gusto ko lang sabihin yun kasi gusto na kapag nilibing na ako ay di lang puro malungkot na bagay ang maaalala ng mga tao."-Shar-

Hinawakan ko ang balikat nya.

"Shar nahihirapan ako! Di ko kakayanin pag nawala ka kaya please! Wag mo akong iwan!"-ako-

"Kailangan mong kayanin Joaquin! Pero kung kaya ko, hindi naman ako aalis e. Mas gusto pa kita makasama."-Shar-

Niyakap nya ako at niyakap ko sya.

"Eto na ang huling beses na babanggitin mo ang tungkol dun okay?"-ako-

"Opo! Promise!"-Shar-

Pumasok na kami sa loob at naabutan namin na nagpi pillow fight sina Nash.

"Sali kami!"-ako-

At nakisali nga kami ni Shar.

Masayang- masaya si Shar. Nakikita kong ang laki ng ngiti nya. Masaya din naman ako.

Nang mapagod kami ay sabay- sabay kami nahiga sa sahig. Magkakadikit yung ulo namin.

"Ang saya naman! Sana wag na matapos to!"-Shar-

Kinurot ko ang ilong nya.

Maya- maya ay napansin ko na nakatulog na sila. Ako na lang pala ang gising.

Tinitigan ko lang si Shar at hinawakan ko ang kamay nya.

Masaya akong tuwing ginagawa ko to.

"Wala akong sasayanging oras. Lagi kitang kasama."-ako-

Kinissan ko ang likod ng kamay nya. Dinama ko ang init ng kamay nya.

Tumayo ako at kinumutan ko sila isa isa ng mapansin ko na nagrerecord pa rin ang video cam.

Napagdesisyunan ko na panoorin ang mga videos.

Sinasak ko yun sa laptop ko. Natatawa ako habang pinapanood yun. Ang kukulit kasi nina Brace at Nash.

May nakakuha ng pansin ko. Si

Shar may video sya na kumakanta.

Habang kumakanta sya ay nakangiti sya pero ng makarating sya sa chorus ay naiyak na sya. Lalo syang umiiyak pag ang sinasabi nya na ay yung line na, 'O kay sarap isipin, kasama kang tumanda.'

Napaisip ako. Nalungkot din ako.

"Gusto ko din talaga na kasama kang tumanda Shar."-ako-

Pinanood ko pa ang video at naiyak ako sa napanood ko.

"Hi Joaquin! Hi babes! Hi Bro! Di ko alam kung kelan mo to mapapanood. Sana buhay pa ako. A gusto ko lang sabihin na dinedecate ko sayo tong kanta na to. Kasama kang tumanda. Gusto kasi na kasamaa kang tumanda. Magkasama tayong mangungulubot ang balat, puputi ang buhok, mawawalan ng ngipin in short, magkasama tayong papanget. Sayang lang kasi parang di ako aabot sa moment na yun. Gusto ko lang sabihin sayo na kahit anong mangyari, hinding- hindi kita malilimutan. Ikaw ang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay. Ayun lang sa ngayon! I love you Joaquin!"-Shar-

Naiyak ako sa napanood ko at napalingon ako kay Shar na natutulog pa rin.

Nilapitan ko sya at niyakap ng sobrang higpit.

"Oo Shar! Magkasama tayong tatanda!"-ako-

----------------

Hello po! :)
Salamat sa readers. I vote nyompo kung nagustuhan nyo! :)

SharQuin Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon