SHARLENE'S POV
FLASHBACK...
5 yrs old ako ng lumipat kami ng bahay. Mataba akong bata pero cute naman!
"Hoy batang mataba! Ang pangit mo! Bebebe! Amin na tong bola mo!"
Umiiyak ako ngayon kasi inaasar ako ng mga kapit- bahay namin na bata!
Bagong lipat lang kami kaya wala pa akong kaibigan.
"Masama kayo! Akin na yan!"-ako-
Tumakbo ako para habulin sila. Umiiyak ako habang pilit kong kinukuha sa kanila yung bola.
Naglalaro lang ako ng masaya ng bigla na lang kuhanin nila yung bola.
Nadapa ako sa kakahabol sa kanila. Kung andito lang sana ang hero ko.....
Umiyak ako lalo dahil pinalibutan nila ako at inaasar na lampa. Feeling ko tuloy wala talaga akong kaibigan.
"Hoy!"
Hindi ko makita ang nagsalita kasi madaming luha sa mata ko.
"Wag nyo nga syang awayin!"
At ayun! Nakita ko na sya! Ang aking hero! Si Joaquin!
"Bakit nyo pinapaiyak ang kaibigan ko?"-Joaquin-
Tinakot nya yung mga bata at nagtakbuhan naman sila.
Hinawakan ni Joaquin ang balikat ko.
"Nandito na ako Shar."-Joaquin-
Niyakap ko naman sya.
"Bakit ang tagal mo dumating? Inaway na nila ako!"-ako-
Natawa naman si Joaquin.
"Sorry na nga e!"-Joaquin-
"San ka ba galing? Sabi mo di mo ako iiwan?"-ako-
Ginulo nya ang buhok ko.
"Oo promise! Di na mauulit! Hinding- hindi na kita iiwan. Lagi kitang babantayan!"-Joaquin-
Ngumiti naman ako. Naglakad na kami pauwi. Napadaan kami sa isang bahay at nakita namin na may nagcecelebrate na bagong kasal. Nagandahan ako sa gown nung babae.
"Gusto ko pag kinasal ako, maganda ang gown ko. Madaming pagkain. Madaming bisita. Madaming bulaklak!"-ako-
Natawa naman si Joaquin.
"E kanino ka ba ikakasal?"-Joaquin-
"Ewan ko. Wala pa akong kilala."-ako-
"Edi tayo na lang magpakasal!"-Joaquin-
Ngumiti ako.
"Yehey! Sige tayo na lang magpakasal! Kaya lang paglaki pa natin!"-ako-
"Hindi a? Tara na!"-Joaquin-
Hinila nya ako papunta sa bahay nila. Magkalapit lang ang bahay namin nun. Pumunta kami sa garden nila. Pumitas si Joaquin ng mga rose at pinahawak nya sakin.
"Ikakasal na tayo ngayon pero di pa totoo. Pag malaki ba tayo tsaka na tayo magpapakasal ng totoo!"-Joaquin-
"Yehey!"-ako-
END OF FLASHBACK......
At ayun nga! Kinikilig ako pag naalala ko yun! Ibig sabihin, 2 beses na pala kaming kinakasal ni Joaquin. Una nung mga bata pa kami at pangalawa nung Valentines Day. Aabot kaya kami sa totoong kasal?
JOAQUIN'S POV
Bata pa kami ni Shar, may gusto na ako sa kanya. Siguro mahal ko na sya hindi ko lang alam.
Basta ang alam ko lang. Ayaw ko syang makitang nasasaktan. Ayaw ko syang makitang umiiyak. Gusto ko lagi syang masaya pag kasama nya ako. Pinangako ko sa sarili ko na hinding- hindi sya masasaktan ng kahit sino.
FLASHBACK....
7 yrs old ako ng malaman at maintindihan ko ang sitwasyon si Shar.
Meron syang sakit na walang gamot at maikli lang ang buhay nya.
7th birthday ni Shar at ako ang escort nya.
"Ang dami mong bisita Shar."-ako-
Naglalakad kami ngayon pababa ng hagdan. Nakatingin samin ang lahat ng bisita.
"Nakakahiya nga e."-Shar-
"Ang ganda- ganda mo kaya bakit ka nahihiya?"-ako-
Ngumiti naman sya.
Masaya naman ang birthday nya. Naglaro kami kasama ang mga kaklase nya.
Naghahabulan kami ng di sinasadya na nadulas si Shar at nahulog sa swimming pool!
Hindi pa sya marunong lumangoy!
"Shar!"-ako-
Tumalon ako sa pool para iligtas sya! Tsaka ko lang nagalala na hindi din pala ako marunong lumangoy!
Buti na lang at may dumating na at niligtas kami.
Nasa kwarto na kami ni Shar at nagpapatuyo.
"Bakit ka tumalon? Pano kung walanh dumating na tulong e di pareho tayong nalunod?"-Shar-
Galit sya.
"You jump, i jump remember?"-ako-
Biglang nawala ang inis sa mukha ni Shar at tumawa sya ng malakas.
"Titanic!"-Shar-
Tumawa naman kami pareho.
"Anak okay naba kayo?"-Tita Myleen-
"Opo mama!"-Shar-
Lumabas na kami para iblow ni Shar ang candles sa cakw nya.
Kumanta muna kami ng Happy Birthday at nagwish sya tsaka nya binlow yung candles.
"Anong winish mo?"-ako-
"Sana wag lang mawala sa tabi ko! Yun lang."-Shar-
Napangiti ako.
"Hindi talaga ako aalis sa tabi mo Shar!"-ako-
-------------------
Sorry kung puro flashback! :)
Thanks sa mga future readers at sa nag add nito sa Reading List nyo! Thanks! :)
![](https://img.wattpad.com/cover/27927431-288-k531017.jpg)
BINABASA MO ANG
SharQuin Love Story
Teen FictionSharlene San Pedro and Joaquin Red Reyes fan fiction! May bonus na NASHLENE! :) Gimme 5 din! :)